Habang nag-uusap ang daddy niya at si Hans sa likod-bahay ay sinamantala niya ang pagkakataon para kumain ulit. Hindi siya makakain ng matino kanina dahil sa usapan nila sa hapag. Her dad threw Hans a lot of question. Dumagdag pa si Ken. Nag-tandem ang dalawang lalaking pinakamahalaga sa buhay niya against the one who could possibly be the third most important guy in her life, habang sila ng mommy niya, kumakain ulit sa kusina.
"Iya, mabulunan ka. Dahan-dahan lang."
She bit on the chicken thigh and put it down on her plate. Then she drank some juice.
"Ma, bakit sobrang tagal naman yata nila?" tanong niya sa ina.
"Aba, ewan ko," sagot nito sabay kibit-balikat. "Why don't you go and see for yourself?"
She wrinkled her nose. Baka kung ano pa ang eksenang maabutan niya. Baka mamaya, may marinig siyang kung ano. Loko-loko pa naman ang daddy niya. At si Hanson, not exactly matino. Si Ken, tinotopak din madalas.
Naghintay na lamang siya sa sala pagkatapos niyang kumain. Mga after 2 hours, sa wakas ay pumasok na rin ang tatlo. Nagpaalam sa kanya si Hans bago ito umalis. Kaagad naman niyang kinumpronta ang ama.
"Bakit ang tagal nyo, pa? Ano'ng pinag-usapan nyo?"
"Basketball," her dad answered with a shrug.
"And?"
"Wala. Yun lang."
"Papa naman e!" pagmamaktol niya.
Kent frowned. "O, bakit?"
"You got me worried over nothing. Kainis ka, pa!"
To think na kanina pa siya aligaga!
Tumawa lang ang daddy niya at saka siya niyakap. "I'm sorry, anak."
Hinila siya nito sa front porch para kausapin. Si Ken naman ay umakyat na sa kwarto nito habang ang mommy niya ay naunod ng TV.
"Ano nga kasi yung pinag-usapan nyo, pa?" pangungulit niya sa ama.
Napabuntong-hininga ito. "Syempre, ikaw. Meron pa bang iba?"
She blushed. "W-What about me?"
"I wanted to know if he's serious."
"And?" she pried.
Her dad shrugged. "I'm not sure. Mukha naman, kaya lang... you understand, right? I can't just entrust you to anyone."
"Hanggang kelan mo ba ako poprotektahan, pa? I'm already 18. Let me make my own mistakes."
"Anak, I'm just sparing you from the hurt," dahilan nito. And she get that. Pero wala naman yatang tao na palaging nakakaiwas sa sakit.
"Pa'no ako matututo nyan? Masyado mo 'kong bini-baby e."
Kent sighed. "Hindi mo kasi maiaalis sa 'kin yun e. Unica hija kita. Kung pumayag lang kasi ang mommy mo na mag-anak ulit, e di sana iba ang bini-baby ko ngayon."
Sinimangutan niya ang ama. Sure, a baby brother or sister will be a joy, pero hindi pa rin maiiwasan na magselos siya. Lalo na at siya ang baby ng pamilya.
"Anyway, nasa sa'yo naman yun kung bibigyan mo sya ng chance. If you like him, then who am I to stop you?"
"Weh. Samantalang nung nalaman mong nakikipag-date ako, you grounded me for a month!"
Her dad laughed. "Iba naman kasi yun. Hindi mo kasi sinabi sa 'kin. Gusto ko lang naman na liligawan ka ng maayos. I just wanted to get to know the guy, para alam ko kung sino'ng babalikan ko kapag nasaktan ka."
BINABASA MO ANG
I Just Loved Too
Teen FictionThis is the sequel to a very long series that started with I Just Loved (Femi - Rico - Gale - Toby - Jazz). It can be considered a spin-off or a stand-along, but if you're interested with the rest of the characters, you can start reading I Have Some...