Since that incident, hindi na siya muling pinansin ni Hanson. Hindi nya mawari kung ano ba talaga sila. Mag-boyfriend pero walang endearment, hindi nagho-hold hands, sapilitan ang dates at ni hindi alam ng ibang tao na sila. Inside the classroom, para lang silang mag-M.U. Sa labas ng klase, magkaklase lang sila. Sa mata ng ama niya at ni Ken, single siya. For her mom, she's confused. At sa sarili niya, hindi nya rin alam.
"Magkaaway ba kayo?" tanong ni Aubrey sa kanya isang araw.
"Huh? Hindi."
"E bakit hindi kayo nagpapansinan?"
"Mabuti nga yun para nanahimik ang buhay ko," sabi niya rito. Sinadya pa niyang ilakas para marinig ni Hanson pero parang wala naman itong pakialam. Napasimangot tuloy siya.
Ngumisi si Aubrey. "Gusto mong itanong ko kay Shane kung gusto ulit maki-sit in ni Mico?"
Pagkasabi nito ay bigla na lamang sinipa ni Hanson yung upuan sa unahan nito. Nagkatinginan sila ni Aubrey.
"Ano ba'ng problema nya?" inis niyang tanong.
"Nagseselos 'yan!" bulong ni Aubrey. Mukhang mas kinikilig pa ito kaysa sa kanya.
Naging routine nila iyon ng ilang araw. Magpaparamdam lang si Hanson by grunting or kicking something tuwing may babanggiting pangalan ng lalaki si Aubrey sa kanya. Natutuwa siya na hindi mapakali. Gustong-gusto na niyang kausapin si Hanson pero nahihiya siya. She told him before that she's starting to like him, just to make him stop hurting Jeremy. That was a lie... a lie that's slowly becoming her truth.
Ayaw niyang magkagusto kay Hanson. She wants to fall for the nice guy, yung disente. Pero sa tuwing naiisip niya si Hanson, sya na mismo ang gumagawa ng excuse para maging katanggap-tanggap ito para sa sarili niya.
Hanggang mag-Biyernes ay hindi pa rin siya nito kinakausap. Akala nga ng ilan ay break na sila, pero si Aubrey na mismo ang nagsasabi na hindi. Lover's quarrel lang daw, which was absurd, because they weren't even lovers in the first place.
Tuloy, nang sinundo sya ng daddy niya ay masamang-masama ang mood niya. Even he didn't attempt to start a conversation.
Hindi na sya umaasang maliliwanagan siya sa nangyayari during the weekend kasi pamihadong hindi na naman papasok si Hanson. He dropped the Saturday class at sa CAT naman, hindi na talaga ito pumapasok. Recently lang niya nalaman. Tapos na pala ito ng CAT, since he's a year ahead.
May kaugnayan kasi sa business ang dati nitong course, pero lumipat ito this year. Only the CAT units were credited. The rest, back to zero.
Dumiretso siya sa kwarto niya nang makarating sila ng bahay. Ni hindi siya naghapunan. Hindi niya maintindihan kung bakit masama ang loob niya. Dati naman, mas gusto niyang hindi siya pinapansin ni Hans. Pero ngayong parang hangin na lamang sya na hindi man lang nito magawang tingnan, nasasaktan naman sya.
Kasalukuyan siyang nagmumukmok nang tawagan siya ni Aubrey.
"Iya, online ka?" tanong nito agad.
"Hindi. Bakit?"
"I think you need to see something. Mag-online ka, tingnan mo yung profile ni Hans."
Tatanggi sana siya at sasabihing wala syang panahon para doon, pero lolokohin pa ba nya ang sarili niya? Curiosity got the better of her. Isa lang naman ang ikinatatakot niya. Baka pagpunta niya sa profile nito, in a relationship na pala ito sa iba.
Kaya lang ay nadismaya siya nang hindi niya makita yung post na sinasabi ni Aubrey. Puro profile pictures at cover photos lang ang nasa timeline nito. He must have changed the viewing limit to his friends only. Parang noong isang linggo lang, naka-public ito. What's he trying to hide? Lalo tuloy siyang kinabahan.
BINABASA MO ANG
I Just Loved Too
Teen FictionThis is the sequel to a very long series that started with I Just Loved (Femi - Rico - Gale - Toby - Jazz). It can be considered a spin-off or a stand-along, but if you're interested with the rest of the characters, you can start reading I Have Some...