CHAPTER 2

34 18 0
                                    

"Sapphire's POV"

5:00 pm na ng  magising ako,kinuha ko ang bag ko na may lamang mga damit at inilagay sa cabinet at lumabas na ako sa kwarto.

Tahimik dito sa sala dahil natutulog pa yung tatlo kong mga kaibigan kaya inon ko nalang ang tv at nanood ng sponge bob squarepants.

"Hey,di ka pa ba nagugutom?" di ko namalayang gumising na pala si Sherry

"nagugutom kaso ayaw kung lumabas ng mag isa kaya tiniis ko nalang ang gutom ko" sabi ko kay Sherry na di lumilingon sa kanya dahil busy pa ako sa panonood ng sponge bob,tumabi si Sherry sakin at nakinood narin ng sponge bob.

"hahahhaha ang tanga talaga ni Patrick hahha" tawa kami ng tawa ni Sherry ng may biglang sumigaw galing sa labas

"what's that?" tanong ni Sherry at narinig nanaman namin ang sigaw nayon

"kayo ba yung simisigaw?" tanong ni Eirene samin pagkabukas niya agad ng pinto sa kwarto niya

"nasa labas yung sumisigaw" sabi naman ni Sherry at lumabas narin si Eorene "ahhhhhhh" narinig nanaman namin ang sigaw nayon at agad kaming tumakbo palabas at pagkalabas namin ay may mga studyante na nakatingin sa baba

"sino yung sumisigaw?" tanong ni Eirene sa katabi niya "si Honey" sagot naman nung tinanong ni Eirene at agad kaming napatingin sa baba mg marinig namin ang sigaw ni Honey.

"nooooo....p-pleaseee maawa ka" pagmamakaawa ni Honey sa lalaking may hawak na itak "p-le..." di na niya natuloy ang sinasabi niya ng pugutan siya ng ulo ng nakablack na maskara,napatakip si Sherry at Eirene sa kanilang mata ng matapon palayo ang ulo ng babae,di agad ako makakilos dahil ngayon lang ako nakakita  ng masyadong brutal na pangyayari,akala ko mag magrereact o magpapanick yung mga studyante na narito kaso pagtingin ko sakanila isa isa silang nagsipasok sa mga kwarto nila na parang wala lang yung nangyari sakanila.

"Bumalik na kayo sa loob" narinig naming sabi nung babae na white yung buhok

"bakit walang tumulong sa babaeng yun?, bakit pinanood niyo lang yung nakamaskara na patayin siya?bak..." di na natuloy yung sinabi ko ng magsalita ulit siya

"kayo pala yung bago palang dito sa Demon High wala pa kayong masyadong alam sa mga nangyayari dito".

" Anong hindi namin alam?"tanong ni Eorene

"Dito sa Demon High legal ang pagpatay at hindi din gaya ng mga itinuturo sa ibang skwelahan ang itinuturo dito" sabi ng babae at hinila niya ako papasok sa kwarto namin

DEMON HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon