CHAPTER 4

21 16 1
                                    

Nagising ako dahil sa ingay galing sa labas ewan ko kung ano yun.Lumabas ako ng kwarto kahit ang sakit sakit pa ng ulo ko dahil kulang ako sa tulog.

Nanglumabas ako narinig ko ang mga mura ng tatlo "p*ta ang ingay naman kakatulog ko lang" reklamo ni Sherry

"Tang*na nang nagiingay inaantok pa ako" reklamo naman ni Eirene

"p*ta kayo...mga h*yop ang ingay niyo ang sakit pa nang ulo ko mamatay na sana kayo mga u*ol" sigaw ni Eorene

Lumabas ako at nakakagulat na wala man lang isang tao ang makikita dito sa hallway,nawala narin ang ingay nang sumilip ako sa baba nakita ko ang mga nagkukumpulang studyante sa grounds may mga lalaki ding nakaitim sa harap na parang pinapagalitan ang mga studyante.

Lumingon yung lalaking nakaitim na siyang pinakamatangkad sakit kitang kita ko sa kanyang mga mata na galit na galit siya tinawag niya yung isa pang lalaki at may binulong saka ako tinuro, pumasok ako ulit sa kwarto at naabutan kong natutulog ulit ang mga kasama ko di ko alam kung bakit ako natataranta pero nang ituro ako ng lalaki parang kakaiba akong nararamdaman kaya ginising ko nalang ang mga kasamahan ko.

"Please gumising kayo" paggising ko sakanila sabay yogyog sakanila isa isa naman silang bumangon

"bat mo naman ako ginising ki.." di na natuloy ni Eorene ang sinasabi niya ng biglang bumukas ang pinto at nakita namin ang 6 na kalalakihang nakaitim.

Mabilis na nagtago sa likod ni Eorene si Eirene "Bakit nandito pa kayo?" tanong ng lalaking matangkad na nakita ko kanina

"Bakit hindi ba pwedeng dito lang kami tsaka inaantok pa kaya ka.." biglang sinuntok ng lalaki yung pinto dahilan para matigil sa pagsasalita si Sherry

"wala kang karapatang sagutin ako ng ganyan kung ayaw mong masaktan" cold niyang sabi

"Gwapo ka sana kaso ang sungit sungit mo tapos ang sama pa ng ugali yan tuloy nasira ang pintuan namin" Lalapitan na sana ng lalaki si Sherry ng may humila sakanya palayo

"Zach wag mo silang saktan di pa nila alam ang lahat ng patakaran dito bago palang sila"tumigin ng masama ang lalaki kay Jeric

" Sabihan mo yang mga yan kung hindi malalagot sakin yan"bilin ng lalaki na sa pagkakarinig ko Zach ang pangalan kay Jeric at umalis na yung mga lalaki.

"Buti nalang naabutan ko kayo agad dito bago pa masamang mangyari sa inyo" sabi ni Jeric na parang naliligo ng sariling pawis

"Sino ba sila? kung umasta parang sila yung may ari ng school ahh" sabi ni Sherry at umupo na katabi si Eirene umupo narin kaming tatlo

"Sila yung higher officials na pinaka maimpluwensiya dito" natahimik bigla si Sherry

"Papatayin ba nila kami?" tanong ni Eirene

"uhmm...hindi naman kayo papatayin ng walang rason...wag niyo pang silang kalabanin kung pwede kayo na ang lumayo kung ayaw niyong masaktan o mapaginitan ng mga kagrupo nila" kaya pala sila lang yung naiiba sa lahat ng mga studyante na nasa ground kanina

"Dapat maaga kayo gumising dito kasi magtitipon tipon lahat ng mga students sa ground" "kaya pala maraming studyante ang nandoon" sabi ko at tumango si Jeric

"Oo tumutunog yung parang speaker kada room ng building kapag 6:30 na at kapag nandito pa kayo sa loob ng kwarto at natapos na ang bell may punishment kayo" napatangotango nalang kami

"Wag na wag niyo silang babarahin lalo na yung 4 na mga demonyong yu.." di natapos ni Jeric ang sasabihin niya ng magtanong si Eorene

"6 kaya sila" umiling iling si Jeric

"Yes 6 yung nandito kanina kaso kasama ako sa mga higher officials 7 lahat ng membro ng HO si Zachary Park yung leader yung pinakamatangkad,si Marco Lee naman yung kanang kamay ng leader siya yung  may tattoo na wolf sa kamay,si Liam Reyes naman ang parang secretary ng HO,si Xian Piolo Dela Vega naman yung Hacker dito,Wayne Gomez siya yung tagapaghanap ng information, si Dwayne Cruz yung magsasabi kung ano ang magiging punishment mo and ako naman yung tagapagsabi,tagapagpaalam o tagapagpayo mga studyante" sabi niya

"Kaano ano naman ni Rainne yung Dela Vega na member ng HO?" tanong ko

"Si Xian ang nakakatandang kapatid ni Rainne" sabi niya ng nakangiti

"anong ningingiti ngiti mo jan?" tanong ni Sherry

"luhh Sherry member siya ng HO wag mo yang barahin baka patayin tayo niyan" sabi naman ni Eirene at humagalpak ng tawa si Jeric

"ha..ha di ko kayo papatayin ano friendly naman kasi ako tsaka ayaw kung mawalan ng kaibigan na tulad niyo" sabi niya na parang natatawa

"bat ka natawa?" taning ni Eorene

"wala lang...trip ko lang" sabi ni Jeric at tumawa nanaman ulit.

----------------
A/N

Distributing my work without my permission is considered as PLAGIARISM.

Remember Plagiarism is a crime.

*********
Thanks for reading my story.

DEMON HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon