CHAPTER 6

16 17 0
                                    

RAINNE'S POV

Nakita ko si Liam sa may counter na may dalang kutsilyo nilapitan niya ang lalaking nakahandusay sa sahig at sinaksak.May biglang lumapit na babae kay Liam

"hayop talaga kayo,wala siyang ginagawang masama bat niyo suya pinatay hah?" iyak ng iyak ang babae,tumayo si Liam at iiwan na sana ng babae

"mamatay kana!!" sigaw ng babae at nakita kung kinuha niya ang kanyang kutsilyo galing sa bulsa niya at akmang isasaksak kay Liam kaso bigla siyang natumba at nakita kong may kutsilyo sa kanyang likod may lumapit sa kanya ang isang lalaki at yun ay ang kuya ko si Kuya Xian.

Sasaksakin na sana ulit ni kuya yung babae kaso sumigaw si Eorene "WAGGG" tatakbo din sana siya papunta sa babae na ngayon ay nahihirapang huminga at humihingi ng tulong buti nalang at na hawakan agad ni Jeric si Eorene

"bitawan mo ako Jeric...kawawa naman ang babae,please tulungan natin siya" tinitigan lang siya ni Jeric

"KAHIT MAAWA KA MAN SAKANYA WALA KANG MAGAGAWA DAHIL PAPATAYIN AT PAPATAYIN NAMIN SILA" sigaw naman ni Marco

"Babae yan at wala siyang kalabanlaban sa inyo " sabi ni Eorene.

Lumakad papunta saamin si kuya at tinitigan si Eorene mula ulo hanggang paa "At sino ka naman para sabihin sa amin yan?" natahimik bigla si Eorene habang yung kakambal niya at si Sherry natulala,wala rin akong makitang emosyon sa mukha ni Sapphire.

"Sa pagkakaalam ko kayo yung bagong dating dito...hmm....papalampasin ko muna ito sa ngayon pero kapag naulit pa ito matinding kaparusahan ang ibibigay ko sa inyo....lalong lalo na sayo"dinuro pa ni kuya si Eorene bago siya umalis

"Jeric di mo pa ba nasabi sa kanila ang hindi dapat gawin lalo na pag may patayang nangyayari?" tanong ni Liam kay Jeric

"Sasabihin ko na sana dito kaso nangyari na ang patayan na yan ehh" sabi ni Jeric at ngumisi.

Naupo nalang kami sa table namin at nakita ko naman yung mga tauhan ng HO na nautusang maglinis ng kalat dito sa canteen.

"Eorene di mo sana pinakialaman kung ano man ang ginagawa nila"sabi ko kay Eorene

"hindi ba sila naaawa sa babae?" tanong niya sakin

"dito sa Demon High walang silbi ang awa mo manatili nalang tayong tahimik dahil isa iyon sa batas na ipinatupad sa skwelahang to" sabi ko

"Ano bang klaseng skwelahan to?bakit may mga patayang nagaganap at bakit wala man lang ni isa ang tumutulong sa kapwa studyante na pinapatay?" nakita kung tumulo ang luha sa kanyang pisngi

"The word Demon sa pangalan ng skwelahan masasabi kong mga Demonyo ang mga taong nandito,mga studyanteng walang awa kung pumatay...walang ni isang tumulong sakanila dahil nga isa yun sa batas ng skwelahang to" sabi ni Jeric

"bakit naman ginawa yung batas na yun" inis na sabi ni Eirene.

Siguro dapat na naming sabihin sa kanila yung dapat nilang malaman ng sa ganun maging aware sila sa kanilang gagawin.

"maybe dapat na naming sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit nabuo ang skwelahang to" umpisa ko

"pili lang ang studyanteng nakakaalam ng storyang ito" sabi ni Jeric at tumingin sakin

"Kung may balak kayong sabihin sakanila ang sekreto ng skwelahan to wag kayo dito magusap baka may makarinig sa inyo" sabi ng babae

"well thanks for reminding me" ngumiti ako sa Vice Mayor ng School na kasamahan ko

"Mayor,may gagawin pang meeting mamaya mga 4:00pm " sabi niya

" ahh ok 11:00am pa naman kayo na bahala magset up" sabi ko sakanya at tumango naman siya.

"Doon kaya tayo magusap sa room niyo baka kasi may makarinig satin ehh" sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa dorm nila.

"Day and night may nagaganap na patayan dito buti nalang at mabilis umaksyon ang mga tagapaglinis kaya hindi agad naaubutan ng 30 minutes kung may pinatay man"sabi ni Jeric

"Pero may iba rin naman na maabutan ng 1 week if tinago ng killer yung pinatay niya with no traces ang pinangyarihan ng patayan hindi talaga madaling malaman ng mga detective officers kung saan naitago ang victim" napatango naman si Sapp

"Bakit ang dami ng studyante doon?" narinig kung tanong ni Sherry

"maybe may patayan nanaman...tara puntahan muna natin" pumunta kami sa mga nagkukumpulang studyante at doon namin nakita ang naagnas na katawan ng isang studyante.Umalis naman yung dalawa kong kasamahan hindi daw kasi kaya ng sikmura nila kaya napasuka sila.

"David bakit ngayon lang to nakita?" tanong ni Jeric kay David ang over all incharge sa mga ganito

"we are going to investigate it pa kasi Jeric kakarating lang din saamin ng balitang ito and mukhang gusto ng killer na to na di magpakita kaya pagpumapatay siya walang ni isang ibedensiya ang iniiwan" sabi ni David

"wait... you said na ayaw magpakilala ng killer is that means na marami nang pinatay ang killer na ito?" tanong ko

"well yes..nakita kasi namin ang kaparehong mark na naiwan sa kamay ng mga pinapatay and wala ni isang fingerprints ang nakita sa katawan,malinis pumatay ang killer na ito at ayaw pang magpakilala kung sino siya maybe ayaw niyang maging mataas ang rank niya or may iba siyang pinaplano para mapantayan si Zack" sabi ni Detective David

"Paano mo naman nasabi na may pinaplano ito para mapabagsak si Zack?" tanong ni Jeric

"Kasi puro mga supporters ni Zach ang pinapatay nito na may kaparehong marka sa parehong parte ng katawan.Yung una si Ferdinand isa siya sa pinakasupport ni Zack namatay siya dahil sa saksak sa dibdib at may iniwan na marka sa kaliwang kamay niya kaparehas nito kaso nga lang mas maagang nahanap ang patay na katawan ni Ferdinand kaysa kay Jake.And maybe ito ang technique ng killer para mapadali siyang mapatalsik si Zack" sabi niya

"nagiiwan siya ng marka para malaman namin na siya ang pumapatay sa mga ito nililista namin lahat ng namatay at kung sino ang nagpatay para mapadali ang magtaas ng kanyang rank.Itong technique na ito ginawa niya para siguro magpasikat sa iba na kaya niyang pumatay.Paglumabas na siya magpakilala na siya ang pumatay sa mga ito magiginv mataas ang kanyang rank.At kapag nasali siya sa rank 10 Demons madali siyang makakapunta sa rank 5-1 at sigurado akong mapapatalsik niya si Zach.Good luck nalang sakanya kung makakaya niyang patalsikin si Zach ng maaga bago malaman ni Zach kung sino siya" yun ang sinabi ni David at iniwan na namin siya.

"Oyy nakalimutan niyo naba na may paguusapan pa tayo" inis na sabi ni Sherry sa likod namin

"ahh oo nga haha...tara na" pumunta na kami sa room nila.

Pagkapasok naming lahat umupo kami sa sofa at nagsimula nang ikwento sa kanila ang lahat ng nalalaman ko about Demon High.

"Reyes high talaga ang original na pangalan ng Demon high laso iniba ni madame dahil sa nangyari noon..."
--------------------
A/N

Sorry for the typos,grammatical errors,etc. Itatama ko po lahat ng mga errors sa story ko kapag may time ako.

VOTE VOTE VOTE...

DEMON HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon