Poser: ONE

8 1 0
                                    

POSER: ONE


Friend Request:

Sam Steve    ACCEPT   DELETE
-

Sino naman 'to? Tanong ni Irene sa sarili niya habang ini-istalk niya ang nag-add sakanya na si Sam Steve. 

"Gwapo, accept ko nga." Sabi nito at in-accept nga ang request ng taong hindi pa niya nakilala sa tanang buhay niya. 

Matapos itong mag-tingin sakanyang facebook account ay siya naman niyang kinuha ang totoong libro para siya ay mag-review sa nalalapit nilang unang pag-susulit sa Monday. 

"Irene!" Tawag ng kaniyang nanay mula sa ibaba. "Si Joy andito!"

Ng narinig niya kung sino ang naroon ay agad naman niyang sinara ang librong binabasa niya at bumaba para salubungin si Joy.  "Joy!" sigaw nito. 

"Hi beshywaps, bakit hindi ka sumama kanina ha?" Tanong ni Joy sabay na pag-upo nila. 

"Nag-rereview ako para sa prelims eh. Kaya next time nalang siguro."

"Next time ka diyan, andoon lang niyan si Bryan kaya hindi ka sumama eh."

Sa pag-banggit palang na pangalan na 'Bryan' eh napa-simangot ng mukha si Irene. "Isa ding rason yon kaya hindi ako sumama."

"At least kasama naman na'tin si Javin baby ko."

"Baby ka diyan, kahit na masisira lang araw ko kay Bryan mas mabuti ng mag-review lang."

"Matalino kana wag ka ng mag-review."

Habang nag-ku-kwentuhan ang dalawa ay siya namang pagdala ng merienda ng nanay ni Irene, lumipas ang oras ng hindi nila namalayan ay halos mag-gagabi na. 

"Irene... " Mahinahon na sambit ni Joy.

"Nako joy, lumayaslayas ka dito sa pamamahay ko. Ayaw ko." sagot bigla ni Irene na para bang alam na niya ang balak ni Joy. 

"Wag ako." Sambit pa nitong muli.
-

"Matulog ka na nga nag-rereview ako." Sambit ni Irene kay Joy na naka-higa sa kama niya ito ngayon.

Ilang beses din pinilit ni Joy si Irene para matulog lang ito sakanila at para magpa-review din para sa kanilang prelims sa monday. 

Pero pag-gulo lamang at pag-ingay ang ginawa ni Joy magdamag kaya hindi rin nakapag-review. 

"Oo na po boss." sagot ni Joy sabay pag-pikit ng kanyang mata.

Tiningnan ni Irene si Joy at tumango ito para maumpisahan na ang pag-rereview, kinuha nito ang kanyang phone ng makita niya na may notification siya sa kanyang messenger- binuksan niya ito para tingnan kung sino ang nag-chat sakanya. 

Sam Steve wants to connect with you.

Kinlick niya ito at in-accept.

Sam: Hi, thank you for accepting me pretty.

Irene: No problem.

Matapos non eh bigla nalamang pinatay ni Irene ang kanyang phone para mag-seryoso na ito sa pag-rereview. 

-
A/N: Sorry for a lame first chapter. Tho- hope you like it everyone!

P O S E RWhere stories live. Discover now