POSER: TWO
Ala-7 ng umaga ng magising si Joy ng dahil sa alarm clock, at nakita si Irene na naka-tulog na sakanyang study table. Agad niya itong ginising dahil baka ma-late sila sakanilang prelims.
8 mag-uumpisa ang kanilang test kaya halos alugin na ni Joy si Irene upang magising.
-
Irene's Point of View-"Ano ba!" Sabay pag-upo at pag-hikab. "Late na tayo gaga gising kana diyan."
Nag-process muna sa utak ko yung sinabi Joy bago ako nag-sigaw at nag-madaling kumuha ng mga damit ko. Ayaw kong malate.
Hindi ko kasi namalayan na 3 am nako naka-tulog, kulang tuloy tulog ko. Baka antukin pako mamaya nito-
Walang pa-kuda kuda eh nag-madali akong maligo, halos wisik nalang ata nagawa ko para lang agad matapos- agad kong tiningnan ang oras 7:30 Luh? Antagal kong maligo?
"Irene saglit lang naman maliligo pa ako!" Reklamo ni Joy habang sinusuot ko ang uniform namin. "Luh bahala ka diyan mauuna nako sayo."
"Susunduin naman tayo ni Javin eh!"
"Maligo kana bilisan mo!"
Ayaw ko pa naman sa lahat ang nalalate lalo na may importante kaming gagawin sa school, hindi naman sa grade conscious- ayaw ko lang kasi na ma-dissapoint ang magulang ko sa akin, pinapa-aral nila akong maayos kahit may kaya lang kami.
Tiningnan ko ang mga gamit ko pagkatapos kong nag-bihis halos magulo kaya nag-madali akong inayos ang mga iyon, ni hindi ko alam kung tama ba ang mga pinasok kong gamit sa bag ko.
"Irene, kain na muna kayo ni Joy bago pumasok sa school ha?"
"Eh ma, late na po kasi kami. Sa school nalang po kami kakain."
"8 start ng test niyo tapos di ka kakain? Osiya, pag baon ko nalang kayo ha?"
Tumango nalang ako at ngumiti, "Thank you ma." Yun nalamang sinagot ko ng makita ko si Joy na halos kakalabas lang sa CR, "Bilisan mo nga diyan. "
"Oo na, 'tong babaeng to. Si Sir Sanchez naman mag-babantay sa'tin late yon!"
"Ah basta bilisan mo."
Kinuha ko na ang gamit ko upang bumaba na sa kwarto ko, "Hintayin kita sa baba ah!" Pagkasabi ko nun eh napatingin ako sa sala namin at nakita kong may dalawang lalaki.
Isa na kaibigan ko at crush ni Joy, at yung isa naman eh kina sinusuklaman ko simula pa nung junior high pa kami. Ano namang ginagawa ng bakulaw na'to dito? Tss.
-
A/N: Hi guys! Sorry trying hard writer talaga ako, pero I hope you'll like it!

BẠN ĐANG ĐỌC
P O S E R
FanfictionHow would Irene Bernard react when she will find out that her enemy is a poser? Come and read their epic and one of a kind story. Start: September 30, 2018 End: Updates will be on Fridays and Saturdays. September, 2018 © Cassystories