Sa unang araw..
Oo na.."Masaya ako para sayo." salitang hinihintay ko na masabi ko sa sarili.. Oo sa sarili na hopefully masabi ko sayo ng personal ng hindi ako iiyak. Magiging matapang ako na sabihin 'yan sayo, ng walang kaplastikan. Nakakagaan ng loob, eh. Pero hindi muna sa ngayon. Marami pa rin kasing luhang umaagos. Ayaw mo naman sigurong makita akong umiiyak. At ayoko ring ipakita sayong umiiyak ako. Senyales ko 'yan na nagiging mahina ako. Ayokong ipakitang mahina ako. All those year na magkasama tayo lagi nang isang mahinang tao ang kaharap mo. Gusto kung kahit wala ka sa tabi ko, panatag kang alam mo na kaya ko. Kakayanin ko. Dahil malakas na ako.
