Hindi ito Love Story.
Hindi din ito story ng paghihiganti o pagkasulasok.
Story ito ng isang tanga. Shunga. Engot. Eng Eng. Estupida.
Minsan sa buhay natin, naging tanga tayo. Yung iba, mabilis pumick-up, natuto agad sa pagkakamali. Yung iba naman, parang masyadong nahiyang, ilang years na shunga pa din.
May dalawang uri ng tanga. Yung shunga shunga. At pure shunga. Pag shunga shunga, okay ka pa, kasi nga sobrang katangahan mo, hindi mo alam na tanga ka. Gets? Mas okay to, kasi once narealize mo na tanga ka, matatauhan ka at gugustuhin mong i un-tanga yourself.
Pero pag pure shunga, ay teh! Malala ka na. Kasi alam mong tanga ka pero sige lang, go lang sa pagkatanga. Alam mo sa kaibuturan ng spinal column mo na ginagago ka na at niloloko pero dahil nga purong puro at walang halong chalk ang pagka eng eng mo, sige push lang!
Don't worry, kagaya ng lahat ng bagay, may expiration yan. Hindi ka magiging tanga for life. Darating at darating yung panahon na matututo ka. From pure shunga, unti unti kang magiging shunga shunga. Dadaan ka sa madaming pagsubok at mala-MMK na pighati at sakit, and before you know it, isa ka nang ganap na shunga-free na nilalang.
Parang ako lang.
BINABASA MO ANG
Ang Story ng Tanga
RomanceHindi ito Love Story. Hindi din ito story ng paghihiganti o pagkasulasok. Story ito ng isang tanga. Shunga. Engot. Eng Eng. Estupida Story ito ng isang tangang nasaktan. Nawalan ng halaga. Nakalunok ng lamok. Nadapa. Nangudngod. Bumangon. At higit s...