Grabe, puyat na puyat ako. Di kasi ako nakatulog kagabi. Kahit anong gawin ko pilit na pumapasok sa isip ko kung sino si Zup at kung bakit bigla na lang akong hindi chinat ni Jeyk. Siguro akala nya manliligaw ko yun tapos dahil inask ko kung sino yun, baka inisip ni Jeyk na nagdedeny ako na kilala ko yung Zup. Punyeta yang Zup na yan, pag nakita ko yan babalatan ko siya ng buhay. Hay nakakainis, naglinis na nga ako ng CR at ng buong bahay, di pa din ako dinalaw ng antok. Nag movie marathon pa ko ng lahat ng pelikula ng favorite kong loveteam na GraNniel (Grace + Anniel Forver my Idols, ang umaway sa kanila ipapa-salvage ko!). Pero waley, iniisip ko pa rin si Jeyk at kung bakit di siya nagreply sa akin sa chat bigla. Kaya eto ang ending, zombie mode akong pumasok sa school.
Dahil wala nga akong tulog at wala ako sa ulirat, di ko namalayan na baligtad pala ung suot kong uniform. Tapos magkaiba pala ung sapatos ko. Iisipin na naman ng mga tao dito sa school na shunga ako, di nila alam na wala lang akong tulog. Mga judgmental pa naman tong mga to.
Pagpasok ko sa classroom, nakita ko agad ang higad na si Dayana kausap yung alaga nyang dinasour. Nang makita niya ako, ngumiti siya ng pagkalandi landi. Tapos bigla akong nilapitan at pinulupot nya ang braso nya sa braso ko. Feeling close si gaga.
"Shungaers, I heard nag usap daw kayo ni cutie yesterday? You know each other pala?" yun na yata ang pinaka nakakabwisit na boses na narinig ko.
"Hark! Hark!" sabi nung pet nya. Yun naman ang pinaka abnormal na tawa na narinig ko ever.
"You make kwento naman, how did you two meet? Is he single ba? Is he like masungit or is he suplado ba, kasi he looks kinda mabait naman. Tsaka anong favorite nyang food? Oh em gee! Is he mahilig sa pets?!?" unting unti na lang talaga, bibigwasan ko na tong haliparot na to eh.
"Di ko siya kilala. Nahampas lang nya ko ng Dictionary sa mukha nung isang araw kasi natapilok siya." walang gana kong sagot.
"What?!? I made skin contact with you for nothing? This is so nakakadiri. Darla, can you make abot the alcohol please" sabay tulak nya sakin. Sumubsob tuloy ako sa desk ko. Gusto kong mainis at magalit pero napalitan yun ng pagka-amaze. May pangalan pala ung pet nya. All this time, akala ko si Godzilla yun, Darla pala name niya. Amazing, Darla, the last dinasour.
Pagkaupo ko, nilapitan agad ako ni Paula. Friend ko. Classmate ko since high school. Ayoko siya idescribe kasi tinatamad ako, zombie mode nga di ba? Joke lang! Idedescribe ko siya para may sense naman ang exposure nya. Chubby cheeks siya. Yun lang. Sorry, walang tulog. XD
"Mary, magkwento ka naman. Bakit nagsorry sa yo si Jeyk?" sabi ni Paula. Malandi din tong gagang to eh, buti na lang friend ko siya.
"Wala nga yun, nahampas nya ko ng Dictionary sa pez nung isang araw, tapos after nun sinampal nya ko, kaya nagso-sorry siya" sabi ko.
"Oh shet! Nakakainggit naman! Nagka skin contact kayo?"
"Oo. Nag water water nga ako eh. Basang basa ako, kasi nahulog ako sa kanal after"
"Friend, pag lumampas ang isang linggo na di ka nahuhulog sa kanal, ililibre kita sa Vikings."
"Ok! Deal!" Vikings yun ah, kala nitong Paula na to di ko papatulan yung sinabi nya. As if naman mahirap huwag mahulog sa kanal ng isang linggo. Duh? E di aabsent ako ng one week. Itong Paula na to, walang utak!
Naputol ang pag uusap namin ng dumating ung professor. Si Ms Eskweta. Di ko na din siya idedescribe, basta kasing height ko siya. Tapos majubis. Bigla na lang akong nakarinig ng hiyawan sa mga gurls sa room namin. Yung isang babae sa harap ko hinimatay pa. Bakit? Natitibo na sila kay Ms. Eskweta?
"Guys, may bago kayong classmate, he's a transferee at puno na yung sa isang class kaya dito na siya hanggang end of school year. Sige na iho, magpakilala ka." Sabi ng professor naming malapad ang noo.
BINABASA MO ANG
Ang Story ng Tanga
RomanceHindi ito Love Story. Hindi din ito story ng paghihiganti o pagkasulasok. Story ito ng isang tanga. Shunga. Engot. Eng Eng. Estupida Story ito ng isang tangang nasaktan. Nawalan ng halaga. Nakalunok ng lamok. Nadapa. Nangudngod. Bumangon. At higit s...