Nag-alarm ako ng 4:30 ng umaga para maaga akong magising. Plinano ko na na magpapaganda ako ng bongga ngayong araw na to. Para pag nakita ako ni Jeyk, mapanganga siya at baka sakaling ako na ang ilibre nya ng lunch. Kaya laking gulat ko ng nagising ako dahil sa sigaw ni mommy.
"Mary! Anong petsa na! Gumising ka na!" sabi ng Mommy Cris ko.
Kagaya ko, maganda din si Mommy. Matangos ang ilong, makinis ang balat at higit sa lahat, para sa edad nyang 36, napaka-sexy nya! Mas sexy pa sa kin. Buto buto kasi ako, siya may laman. Anyway, ang bata nya no? To think na 19 years old na ko. Paano kasi, 18 years old pa lang si mommy nang ipagbuntis nya ko. Nung ipinanganak ako, kinabukasan nun ang dapat na debut niya. Pero dahil nga lumabas na ako sa earth, di na natuloy ang celebration na pinapangarap nya. Iyak ng iyak daw siya nun ng binista siya nung birthday nya ng mga friends nya habang karga karga nya ko. Iyak daw siya ng iyak kasi di siya makasali sa inuman, bine-breast feed nya kasi ako so bawal ang alcohol. Gusto na nga daw niya akong ihagis nun. Pero alam ko naman na love na love ako ng mommy ko. Siya lang siguro ang kaisa-isang tao na kaya akong tanggapin at ipagmalaki kahit na anong mangyari.
"Mary! Kakain ka pa ba ng almusal o didiretso ka na sa school?" sigaw uli ni mommy.
"Huh? Anong oras na ba? Ang aga naman magluto nito" sabi ko sa isip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at biglang nanlaki ang mga eyes kong chinita.
Oh Em Gee!
8 AM na! How did this happen?? Naku 8:30am ang start ng class ko. Late na ko nito for sure. Kaya pala tinatanong ni mommy kung kakain pa ba ko. Inis na inis ako sa phone ko. Di nag alarm! Eh kakabili ko lang nito 3 months ago, sira na agad! Pag check ko ng alarm settings, napayuko na lang ako. 4:30 pala ng hapon ko na-set yung alarm. PM hindi AM. Hehe. Sorry naman, tanga lang.
Dali dali akong nagpunta sa CR. Nagdalawang isip ako kung maliligo pa ba ko o magbabasa lang ng buhok. Kaso since late naman na din ako, naisipan ko na lang maligo. Eh bigla pang nagloko yung tyan ko. Kaya ayun, nag multi-task ako. Habang nakaupo ako at jumejebs, nagtotoothbrush na din ako. First time ko yun ginawa, ang weird ng feeling. Tapos naligo ako ng mabilisan at nagbihis na ng uniform. Di na ko kumain ng almusal. Kiniss ko lang si mommy sa cheeks at dali dali na kong lumabas papunta sa sakayan ng tricycle.
Unlike ng ibang classmates kong de-kotse, everyday tricycle ang drama ko papasok sa university namin. Pang mayaman kasi yung school namin, wala akong scholarship, kasi lagi akong pasang awa lang sa PE, eh dapat lahat ng grades ko sa lahat ng subjects mataas para maging scholar ako. Sadyang pinilit lang ni Mommy Cris na maipasok ako sa school na to. Kasi sabi nya, wala daw siyang ibang hinangad kung hindi ang magandang kinabukasan ko. Kaya naman kahit shunga shunga ako sa ibang bagay, pinipilit kong mag-excel sa academics. At least dun sa part na yun matalino ako. Buti na nga lang dito din pumasok si Paula, at least may kakilala ako. Si Paula naman, sadyang mayaman ang pamilya nila pero pinili nyang pumasok sa public school nung High School kasi dun lang may design ng uniform na kasya sa kanya. Echos lang. Ewan ko kung bat nag public school yun, basta masaya ako na nakilala ko siya at kasama pa din hanggang ngayon.
Pagpasok ko ng classroom, nagtinginan silang lahat sa akin. Hingal na hingal ako.
"You're too early for your next subject Ms. Shungaers" sabi ni Professor Tsupe. Ang yabang ng prof na to, eh siya nga palaging late! Kung hindi late, absent! Kesyo may sakit daw o di kaya naaksidente. Kalurks!
"Sorry sir, nagkamali kasi ako ng pag set ng alarm kaya di ako nagising agad." sabi ko na lang. Sakto pag upo ko, nag ring yung bell kaya hudyat na yun na tapos na ang klase nya. Umalis na yung prof naming mukhang gangster nang walang sabi sabi. Ganun yun eh, malelate ng ilang oras tapos lagi naman on the dot umalis. Tapos magtataka siya bakit daw ang bagal ng phase namin sa klase nya. Duh?!?
BINABASA MO ANG
Ang Story ng Tanga
RomanceHindi ito Love Story. Hindi din ito story ng paghihiganti o pagkasulasok. Story ito ng isang tanga. Shunga. Engot. Eng Eng. Estupida Story ito ng isang tangang nasaktan. Nawalan ng halaga. Nakalunok ng lamok. Nadapa. Nangudngod. Bumangon. At higit s...