Chapter 3: Si K-Pop

310 14 13
                                    

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Paano kasi naramdaman kong may sumamang jebs pag utot ko. Joke lang! Nakatitig kasi sa kin si Koreano. Parang gulat na gulat siya. Tapos bigla siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Hey, sorry about yesterday. I really didn't mean it." sabi nya.

Kitang kita ko sa peripheral vision ko (ang taray ko sa peripheral na part) ang mga mata ng mga girls na nanlalaki. Sing laki ng butas ng ilong ni Godzilla na julalay ni Dayana. Tapos si ate na taong pimple, mukhang isa isang nagsisiputukan ung tigyawat nya. Kadiri.

"Uhm, ano..shorryy den ha. Kashe nashegawan kitah. Shorry thalagah" sabi ko naman. Nakakain kasi ako ng lamok kanina habang nakanganga ako kaya ganyan ako magsalita.

"It's ok. Kasalanan ko naman eh. By the way, I'm Jeyk. And you are?"

"Mary. Ahko she Mary Shungaers. 0917512.." napatigil ako kasi muntik ko nang ibigay number ko di naman nya kinukuha. Kakainish! Im show blushing na tuloy. Ahihihi.

Tumawa lang si Jeyk, sabay sabing "It's nice meeting you. See you around."

Tumalikod na siya pabalik sa sasakyan nya at nagsipagtilaan na naman ang mga hinayupak na mga haliparot habang sinusundan siya.

Naiwan akong nakatunganga. Grabe, never pa kong nagkagusto sa kahit sino. Wala akong pakealam sa ibang mga lalaki dito sa campus kasi wala din naman silang pakealam sa akin. So quits lang. Haha! Pero itong si Jeyk, iba ang impact sakin. Para akong may butterflies sa tyan ko. Nagrurumble sila. Kaya dali dali na kong umuwi para ilabas ang mga butterflies ko habang nakaupo ako sa trono.

-------------

Pagkatapos na pagkatapos kong kumembot sa CR, nagbukas agad ako ng FB. Yung pinost kong na stranded ako sa cubicle kanina walang likes pero may 53 comments na. 52 dun pinagmumumura ako kasi ang tanga ko daw kahit kailan. Yung isang comment na hindi mura, yung kinomment ko kanina. Haist ang hirap maging maganda, andaming bashers.

Tinext ko yung isa kong friend na si Keps. Yun talaga pangalan nya. Pinaglihi daw kasi siya sa Ketsup at Pepsi. So siya si Keps. Anyway, si Keps ang walking Google sa school. Lahat alam nya. So inask ko siya kung ano full name ni Jeyk para ma-stalk ko si papa sa FB. Nagreply naman agad si Keps. Jeyk Ocampo daw. Nag thank you ako at nagreply siya ng kthnxbye.

So sinearch ko si Jeyk Ocampo. May 6 na results. Pero sa anim na yun, may isang super ganda ng ngiti. Ang puti ng ipin, parang binabad sa Tide. So pinili ko yung profile nya. Clinick ko yung Add Friend sabay browse ng mga pics nya. Like dito, like jan, punyemas pati ata mga pics nya 3 years ago na like ko na. Ang gwapo gwapo. Parang yung author nito. (Ambisyoso -_-)

Maya maya pa, may notification ako. Syet na malupit! Inaccept nya ung friend request ko. Oh my! Pwede na ko mamatay. Char lang! Patay agad? Di man lang naghingalo?

This is it. Ichachat ko siya. Moment ko na to!

Me: Hi phowz

Jeyk: Hey! Mary! Zup?

Me: Sino phowz si Zup?

Jeyk: Huh?

Me: Sahbee moh powz kazee Mary Zup. Cn0 phowz si Zup? Ajejeje

*Seen*

5 minutes na di pa din siya sumagot. Hmp! Para nagtatanong lang naman kung sino yung Zup na yun. Di bale, antay lang ako ng 15 minutes tapos icha chat ko siya uli. Siguro tumae lang yun. Napaisip tuloy ako, sa gwapo nyang yun, jumejebs kaya siya? Siguro slight lang.

After 15 minutes, binalikan ko ung chat window namin. Offline na siya. Haist. Kakainis. Dapat siguro 10 minutes lang ako nag antay.

Habang nagpapa antok ako, iniisip ko kung ano ba tong nararamdaman ko. Oo gwapo siya, pero madami naman na kong gwapo na nakita. Deadma lang sakin. Nung unang nakita ko siya habang nangungulangot ako sa may gate, na speechless ako pero nainis din naman ako agad sa kanya. Bakit ngayon, para akong tutang di mapakali? Dahil nag smile siya? Dahil nagkataon na nung nakita ko siya kanina may butterflies sa tyan ko? Ah ewan! Makatulog na nga muna. Bukas, makikita ko siya uli. At tatanungin ko siya kung sino ba yung Zup na yun!

Ang Story ng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon