Chapter 6

23 1 0
                                    

Matapos ang klase nila ay nagmadali ulit lumabas ng silid-aralan si Fate para hindi sya mahabol ni Winter. Subalit pagkababa nya ng gusali ay nag-aantay si Karen sa kanya.

"Ano ba yan.. wala talaga akong takas sa mga to.."

yamot na sabi ni Fate at dahan-dahan nalang naglakad.

"Fate! Buti naman lumabas na kayo.. sabay na tayong magpunta sa store.."

sabi ni Karen ng makita ang dalaga.

Hindi sya kinibo ni Fate at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

"Sandali.. nasaan si Winter? Hindi ba sya sasabay?"

tanong ni Karen habang sinasabayan ang dalaga sa paglalakad.

"Hindi ko alam.. wala naman akong pakialam sa kanya.."

mataray na sagot ni Fate.

Napangiti nalang si Karen at hindi na nagtanong pa. Naabutan nila si Mr. Cruz nang dumating silang dalawa sa store.

"Magandang hapon po.."

bati ni Karen at si Fate naman ay nagbigay galang lang at hindi nagsalita.

"Aba.. mukhang magkasundo kayong dalawa ah.. sige na.. magpalit na kayo.."

utos ni Mr. Cruz.

Nagtungo na sa dressing room ang dalawa at kasunod naman na dumating si Winter.

"Magandang hapon po.. Mr. Cruz.."

bati ni Winter.

"Magandang hapon din.. buti naman at hindi ka na nale-late.. sige na magpalit ka na din.."

sabi ng manager at nagpunta na din sa dressing room ang binata.

Matapos makapagpalit ng uniporme ay nagtungo na agad ang tatlo sa loob ng store.

"Sya nga pala.. Winter.. dumating na yung mga bagong stock ng inumin.. ikaw na bahalang maglagay sa ref at tutal ikaw naman ang lalaki.."

wika ni Mr. Cruz.

"Opo.. sige po.."

sagot agad ni Winter.

"Ah Karen.. kung may problema man.. tawagan nyo nalang ako.. nandun ang phone number ko.. nakasulat sa papel na nakadikit sa tabi ng telepono.."

bilin ng manager.

"Opo.. sige.. mag-ingat po kayo sa pag-uwi.."

tugon ni Karen.

"Sige kayo din.. mag-iingat kayo dito.."

wika ni Mr. Cruz at lumabas na ito ng store.

Ginawa ng tatlo ang kanilang mga gawain sa store at tahimik silang nagtrabaho. Habang nasa counter si Fate ay nakita nyang pumasok sa store ang isang matandang babae.

"Good evening po.. tuloy po kayo.."

bati nito sa matanda.

"Ah eh.. okay lang bang.. antayin ko dito sandali ang anak ko?"

tanong ng matanda.

"Sige po.. ayos lang po.."

sagot ni Fate.

"Salamat.."

tugon ng matanda at naupo ito sa harap ng isang lamesa sa may salamin na dingding ng tindahan.

Nag-assist si Fate ng mga ilang customer na nagbabayad at napansin nyang malungkot na nag-aantay ang matanda. Nang wala ng customer ay nagpunta sya sa pwesto ng mga ref at kumuha ng isang inumin saka bumalik sa counter.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon