Ako nga pala si Fate Lumaban, nakakatawa dahil parang sinasabihan ako ng apleyido ko pero.. parang ayaw ko ng lumaban sa buhay ko. Bakit? Maaring hindi kayo maniniwala pero.. isinilang ako na may kasamang kamalasan. Lahat ng taong nagmamahal at minamahal ko namamatay.Parang imposible noh? Ngunit yun ang totoo. Noong isinilang ako, namatay ang nanay ko. Kinamuhian ako ng tatay ko, dahil ako daw ang dahilan kung bakit namatay si mama. Malas daw ako.. pero noong umabot ako sa edad na walong taon.. natutunan na ni papa na tanggapin ang pagkamatay ni mama. Hindi na din nya ako sinisi at minahal nya ko bilang isang anak.
Subalit.. ilang buwan lang simula nang magbago ang turing sakin ni papa.. at kaarawan ko noon. Nagpunta kami sa isang amusement park, iniwan nya lang ako sandali sa isang upuan para bumili sya ng makakain namin. Pagkatapos nun may sumabog sa hotdog stall na binilihan nya.
Namatay ang papa ko at ako ang sinisi ng mga kapatid nya/tito at tita ko, sa pakamatay ni papa. Naniniwala sila na may kasama nga akong kamalasan. Na sa tuwing may taong magmamahal sakin o mamahalin ko.. namamatay. Walang gustong umampon sakin, napag-usapan nalang nila na bigyan ako ng suportang pinansyal.. pero.. mamumuhay akong mag-isa.
Hindi ako naniwala sa mga sinasabi nila, naisip ko nun.. naghahanap lang sila ng masisisi. Hanggang sa magkaroon ako ng matalik na kaibigan Grade 4 ako.. at namatay din sya matapos malunod, noong naglalaro kami sa tabing ilog. Ako ulit ang sinisi nila, wala akong magawa ng mga oras na iyon.
Masakit.. napakasakit mawalan ng taong mahal mo at mahalaga sayo. Inisip ko noon na kasalanan ko nga.. kaya umiwas na ko sa mga tao mula noon..
Subalit.. noong 2nd year high school ako.. may isang tao na naman na napalapit sakin. Si Risa.. mabait sya.. masayahin.. makulit.. at palagi syang nandyan sa oras na kailangan mo. Isang araw.. papasok na kami sa school.. nakalimutan ko magdala ng envelop para sa research paper na ipapasa namin. Nagkusa syang bumili ng isa para sakin.
Tumawid sya ng kalye papunta sa isang tindahan at nasagasaan sya ng kotse na nawalan ng preno. Namatay sya.. namatayan ulit ako ng pinakamamahal kong kaibigan.
Doon ko naisip na tama nga sila.. malas nga talaga ako.. siguro kung nakinig ako sa kanila.. buhay pa sana si Risa. Masaya pa sana syang kamasa ng pamilya nya. Mali ako.. hindi ako nakinig.. wala akong karapatang magmahal.. wala din akong karapatang mahalin ng iba.
Gusto ko na ding mawala sa mundo.. pero naisip ko.. kailangan kong mabuhay para pagdusahan ang kasalanan ko sa mga taong namatay ng dahil sakin.. Simula noon.. hindi na ko nakipagkaibigan sa iba.. hindi ko na hinahayaang mapalapit ang loob ng iba sakin.
Kahit na pinipilit pa ko.. ayaw ko na.. masakit.. mahirap.. pero mas masakit kapag nakita mong mamatay ang taong mahal mo. Naniniwala na ko.. na may kasama talaga akong kamalasan, na karugtong na ng buhay ko. Ngunit may isang taong dumating sa buhay ko.. at hindi ko akalain na babago sa paniniwala ko.
⚪⚪⚪⚪⚪⚪
"Ano ba ang mas pagsisisihan mo? Ang mga bagay na nagawa mo? O ang mga bagay na hindi mo ginawa?"
-Fate Lumaban
BINABASA MO ANG
Regrets
Roman d'amourAng kwento ng isang dalaga na naniniwalang isinilang syang may karugtong na kamalasan. Lahat ng taong minamahal nya at nagmamahal sa kanya ay namamatay. Kaya minarapat nyang mabuhay sa mundo ng nag-iisa. Mahanap pa kaya nya ang isang pag-ibig na mak...