Chapter 11
Nagmadaling magpunta si Fate sa kanilang tambayan tuwing tanghalin. Nakasunod naman si Winter sa kanya na hindi nito pinapansin.
"Nandiyan na pala kayo.."
wika ni Karen na kasama ni Greg na nakaupo na sa ilalim ng puno.
Naupo na sa tabi si Fate at hindi ito nagsalita saka nagsimulang kumain.
"Kanina pa ba kayo?"
tanong naman ni Winter na naupo naman na nakaharap sa tatlong kaibigan.
"Hindi naman.. halos kararating lang din namin.."
tugon ni Greg at nagsimula na ding kumain ang tatlo.
Habang kumakain ay napansin ni Karen na may isa pang baunan sa tabi ni Winter.
"Ah.. Winter ano yan?"
tanong ni Karen.
"Alin? Ito ba? May nagbigay sakin kanina.. hindi ko naman kilala.."
sagot ng binata.
"Pwede kong makita ang laman?" tanong ni Karen.
"Oo naman.. ito oh.."
tugon ni Winter at iniabot ang baunan sa dalaga.
Tahimik naman na kumakain si Fate nang buksan nila ang baunan na binigay sa binata.
"Wow! Pagkain ito.. ang ganda ng pagkakaayos.."
manghang sabi ni Karen.
"Oo nga no.. mukhang masarap.."
sang-ayon ni Winter habang si Fate naman ay biglang nainis.
"Babae ba nagbigay nito sayo?"
tanong ni Karen.
"Oo.. nung nakita ko sya.. maganda sya.."
sagot ni Winter at lalo namang nang-gigil si Fate sa narinig.
"Bakit ka naman binigyan ng ganyan?"
tanong naman ni Greg.
"Hindi ko nga din alam eh.."
sagot ni Winter.
"Ano ka ba.. kapag ang isang babae.. ay binigyan ka ng pagkain.. ibig sabihin.. gusto ka nya.."
paliwanag ni Karen.
"Talaga ba?"
tanong ni Greg.
"Oo.. diba nga may kasabihan tayo.. the way to a man's heart is through his stomach.."
sagot ni Karen.
"Hahaha.. may ganun palang kasabihan.."
sabi ni Winter.
Mapapansin naman sa itsura ni Fate ang pang-gigigil habang naririnig ang usapan ng tatlo.
"Mabuti pa.. tikman natin kung masarap.."
mungkahi ni Greg at tinikman ng tatlo ang pagkain.
"Wooow! Ang sarap!!"
biglang sabi ni Karen.
"Ngayon lang ako nakakain ng ganito.. ang sarap nito.."
wika naman ni Winter.
"Oo nga.. tingin ko.. binuhos ng nagbigay sayo lahat ng pagmamahal nya sa pagkain na to.."
sabi ni Greg.
BINABASA MO ANG
Regrets
RomanceAng kwento ng isang dalaga na naniniwalang isinilang syang may karugtong na kamalasan. Lahat ng taong minamahal nya at nagmamahal sa kanya ay namamatay. Kaya minarapat nyang mabuhay sa mundo ng nag-iisa. Mahanap pa kaya nya ang isang pag-ibig na mak...