Chapter 15

20 1 0
                                    

Dumating sila Fate at Winter sa ospital at pinuntahan nila si Greg sa kwarto nito. Naabutan nila si Karen na nakikipag-kwentuhan sa binata.

"Greg? Ikaw ba talaga yan?"

tanong ni Winter nang pumasok ito sa kwarto.

"Winter.. Fate.. kayo pala.. ginulat nyo ko huh.. hindi naman kayo nagpasabi na pupunta pala kayo.."

tugon ni Greg.

"Balak ka talaga naming supresahin.."

wika naman ni Fate.

"Salamat sa pagpunta nyo.. nasupresa nga ako.. gusto ko din kayong makita.."

sagot ni Greg.

"Masyado ka atang nangayayat Greg.. saka pansin ko.. tumataba si Karen.. huwag mong sabihin.. inaagawan ka nya ng pagkain?"

tanong ni Winter.

"Ano namang tingin mo kay Karen!? Kasing takaw mo!?"

mataray na tugon ni Fate.

"Hahaha.. hindi naman nya ko inaagawan ng pagkain.. ganito lang talaga nangyayari sa may sakit na tulas ng sakin.."

sagot ni Greg.

"Akin na muna ang dala nyo.. maupo muna kayo.."

sabi naman ni Karen at tumayo ito.

Iniabot naman ni Winter ang dala nilang prutas. Inihanda din ng dalaga ang pagkain nilang dala para may pagsaluhan sila.

"Alam mo ba Greg.. biglang nagbago itong si Fate.. hindi na sya suplada ngayon.."

wika ni Winter.

"Talaga?"

tugon ni Greg.

"Hoy! Kailan ba ko naging suplada!?"

inis na tanong ni Fate.

"Palagi kaya.. buti nalang matyaga ako.. nagawa ko ding mapalapit ka samin.."

sagot ni Winter.

"Feeling mo close na talaga tayo?! Nakakainis lang kasi.. ang kulit mo eh.. kaya sumasama nalang ako sayo.."

iritang sabi ni Fate.

"Hahaha.. nakakatuwa talaga kayong dalawa.."

wika ni Greg.

"Ano namang nakakatuwa dun!?"

mataray na tanong ni Fate.

"Wala naman.. namimiss ko lang.. makitang tinatarayan mo si Winter.."

sagot ni Greg.

"Hmp!"

tanging tugon ni Fate.

"Nahihiya lang umamin yan si Fate.."

sabi naman ni Karen at bigla namang namula ang mukha ni Fate.

"Huh? Ano namang aaminin nya?"

nagtatakang tanong ni Winter.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

nakangiting tanong ni Karen.

"Teka! Bakit ako ba pinag-uusapan nyo!"

inis na sabi ni Fate.

"Hahaha! Ang cute mo talaga.. kapag nagagalit ka.."

wika ni Karen ng makita ang reaksyon ng dalaga.

"Hahaha.. namimiss ko talaga yung ganitong kwentuhan natin.."

sabi naman ni Greg.

"Hmp!"

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon