Time check 6:30am tamang tama lang for my 7:30am class. Kaka park ko lang ng kotse ng bigla tumawag si Heaven.
"V asa school ka na ba?" tanong nito.
"Yes Heaven, actually kakapark ko lang. How about you?"
"Naglalakad na ako V papuntang gate. So pano V dun na lang kita antayin ha?"
"Okay. Ingat Heaven"
Habang naglalakad ako papunta sa gate halos lahat na lang ata ng guy binati ako. Sa totoo lang isa kami ni Heaven sa popular freshmen this year sabi nila dahil daw sa bukod sa beauty and brain kami ay mababait din. Pero para sa amin ni Heaven katulad lang din naman kami ng iba, hindi namin tinitingnan na popular kami. By the way, Medicine ang course na kinuha namin ni Heaven noong pa lang kasi gusto ko na maging doctor lalo na para sa mga bata kaya sa field ng pediatrician ko mas ginustong magfocus. Maya maya pa ay natanaw ko na si Heaven.
"Heaven" pagtawag ko sa kanya. Agad naman syang lumingon at kinawayan ako.
"Good morning V. So are you ready?" nakangiting tanong nito.
"Ready for what?"
"Hay naku V, napaka makakalimutin mo talaga, di ba sinabi ko sayo kakausapin mo si Ck para humingi ng sorry tungkol sa attitude mo yesterday"pagpapaalala nito. Napahampas naman ako sa ulo ko dahil nawala talaga sa isip ko na gagawin ko yun today.
"Sorry Heaven nakalimutan ko but thanks for reminding me. Samahan mo ko mamaya bibili ako ng kasi ako ng cake para kay Ck for peace offering sana. Tingin mo okay na yun?"
"Oo naman. Actually ang sweet nga nun. So tara muna sa classroom kasi baka malate pa tayo".
Pagkatapos ng 3hours na klase finally lunch break na. Kanina pa kumukulo tummy ko sa gutom kaya agad ko niyaya si Heaven sa canteen di na rin naman inalis ni Heaven ang doctors gown na suot suot namin.
CHARLES KIERON POV
Lunch break ng team at napag desisyunan namin na sa canteen na lang maglunch para naman daw maiba. Pagpasok pa lang namin sa canteen halos makikita sa mukha ng mga babaeng yung kilig.
"Nakakamiss din kumain dito sa canteen bukod sa masasarap ang pagkain madami pang chicks"pilyong sabi ni Zeus.
"Grabe pare yan ba dahilan mo kaya dito ka nag aya. Sabagay balita ko madami daw magagandang freshmen ngayon lalo na daw sa department ng medicine" dagdag pa ni Vitto.
Hay grabe pag talaga tungkol sa babae lakas ng radar ng mga kaibigan ko. Pag kaorder namin ng pagkain ay agad naman kaming naupo. Magsisimula na sana ako sa pagkain ng biglang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha, napangiti ako di ako pwedeng magkamali sya yun si Vivoree bagay na bagay sa kanya ang doctors gown na suot nya. Lalo pa akong napahanga sa kanya ng itali nya ang buhok nya grabe ang ganda nya kahit na medyo magulo ang buhok nya parang lalong pang nakadagdag sa ganda nya. Maya maya pa ay bigla may tumapik sa balikat ko na syang kinagulat ko.
"Hoy Ck! Lumamig na yang pagkain mo sino ba yang tinititigan mo at tumutulo na yang laway mo" pagbibiro sakin ni Vitto. Agad ko namang hinawakan ang labi ko para masiguro kung tumutulo nga ang laway ko na naging dahilan para mapatawa na din ang buong team. Siniko ko naman agad si Vitto bilang ganti.
"Mukhang alam ko na kung sino ang tinititigan ni coach Ck natin"pagsasalita ni Rayt. Halos sabay sabay nagsalita ang buong team ng "Sino?". Kaya agad namang tinuro ni Rayt ang direksyon ng kinauupuan nina Vivoree.
"Grabe idol ko na talaga si Ck, matanglawin talaga di na ako magtataka bat naging coach natin sya. Di lang sa basketball magaling pati sa chicks" pahayag ni Jimboy sabay akbay sa akin. Napangiti naman ako. Mga baliw talaga sila.
"Mga pare kilalang kilala yung dalawang babaeng yun. Isa sila sa mga sikat na freshmen. Yung babaeng nakatali ang buhok sya si Vivoree at yung kasama naman nya ay yung bestfriend nya si Heaven. Balita ko bukod sa maganda sila mababait pa." pagkukwento ni Vitto. Napatawa naman ako sa sinabi ni Vitto mabait ba yung tinulungan na nga mataray pa.
VIVOREE'S POV
After naming maglunch ni Heaven ay bumili na din kami ng cake para ibigay kay Ck. Sa ngayon naglalakad na kami ni Heaven papunta sa engineering department nalaman kasi namin na isa syang engineering student.
"Grabe V ang dami pala talagang pogi sa engineering department. Parang gusto ko na tuloy magshift ng course" pabirong sabi nito.
"Hay naku gusto mo kuritin kita sa singit? Napaka hilig mo talaga sa gwapo."natatawa ko namang tugon sa kanya.
Kanina pa kami naglalakad dito pero di ko pa din nakikita ang mukha ng lalaking yun. Maya maya pa ay lumapit si Heaven sa isang lalaki para magtanong. Matangkad ito, maganda ang pangangatawan at mahaba ang buhok na bagay na bagay naman sa kanya. Iniisip ko tuloy kung nilapitan ba talaga sya ni Heaven para magtanong o para magpacute lang.
"Excuse me. Pwede po ba kaming magtanong? My name is Heaven from medicine department." Natatawa na lang ako sa pabebeng pagsasalita ni Heaven sa kausap nya.
"And my name is Kid. Ano bang maipaglilingkod ko sayo miss beautiful? " sabay kindat nito kay Heaven na agad namang ikinakilig ng bestfriend ko. Magpapacute na lang ba sila sa isat isa? Nangangalay na yung mga kamay ko sa cake na bitbit ko.
"Ehem. Sorry sa istorbo guys pero nangangalay na kasi yung kamay ko sa hawak ko. May itatanong lang sana kami. Alam mo ba kung saan namin matatagpuan si Charles Kieron Manalad? Oh Im sorry, by the way Im Vivoree bestfriend ni Heaven" pagpapakilala ko.
"Oh so ikaw pala si Vivoree. Friend ako ni Ck asa basketball court sya ngayon kasi may basketball practice kami actually papunta ako dun ngayon kung gusto nyo sumabay na kayo sakin?"
Tumango naman kami ni Heaven biglang sagot. Papalapit na kami sa pupuntahan namin ngunit di lang ata yung pupuntahan namin ang nalapit kundi pati ang loob nina Kid at Heaven. Grabe parang di ako na eexist kung makapagharutan yung dalawa. Natatawa na lang ako sa kanila infairness bagay din naman sila. Maya maya pa ay nakarating na kami sa court. Agad namang tinawag ng Kid si Ck na naging dahilan para mapatingin ang buong team nila sa direksyon namin.
"CK bro may naghahanap sayo" pagtawag nito.
Grabe bakit bigla akong kinabahan ng magtama ang mga mata namin. Calm down V kaya mo yan. Magsosorry ka lang kaya wag ka kabahan. Hinawakan ni Heaven ang kamay ko saka kami sabay na naglakad papalapit sa kanila.
"Hi boys" pagbati ni Heaven sa mga ito. "Hello din" halos sabay sabay na bati ng buong team pero mababakas pa rin sa mukha nila ang pagtataka kung bakit kami naririto.
"Hi, my name is Vivoree and this my bestfriend Heaven andito kami para sana iabot ito kay Ck" inabot ko kay Ck ang cake na dala dala ko at kinuha naman nya ito.
"Para saan ito Vivoree?" pagtatakang tanong ni Ck.
"Ahm. Ano kasi.. peace offering ko sana sayo kasi alam ko di naging maganda attitude ko last time nung nag meet tayo. Gusto ko lang sana humingi ng sorry sayo. Sorry Ck "
Napansin ko naman ang pagsiko ni Kid kay Ck na animoy nang aasar. Maging ang buong team nya ay inaasar na si Ck. Napahawak na lang ako bigla sa pisngi ko. Grabe namumula ba pisngi ko? Wag mo sabihin V nagbublush ka dahil kay Ck? Napatingin naman ako kay Ck na ngayon ay nakangiti sakin. Maya maya pa ay nagsalita na ito.
"Nagulat ako na binigyan mo pa ako ng cake para lang humingi ng sorry. Di mo naman kailangan ng cake kahit sorry lang okay na ko dun but thank you na din dito. Akala ko mataray ka pero tama nga sila maganda ka na mabait pa"
Lalo ata akong namula sa sinabi nya. Siniko naman ako ni Heaven na abot hanggang tenga ang ngiti. Ibang klase talaga itong bestfriend ko ang lakas ding mang asar.
BINABASA MO ANG
Nothing Like Us
Fanfic"The moment she came to my life everything has changed. Dahil sa kanya natuto akong lumaban."-Ck "When I met him ang weird nya but one day nagulat na lang ako paggising ko sya yung unang taong hinahanap ko" - V Ito ang lovestory na magpapakilig at...