Charles Kieron POV
Asan ba ang babaeng yun? Halos nalibot ko na ang buong campus pero di ko pa din sya nakikita. Matapos nyang tumakbo kanina sinundan ko sya agad kasi nakita ko ang pagpatak ng luha nya kanina.
Napatigil ako sa paglalakad naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Sh*t!Wag ngayon! Kailangan ko munang makita si V.
Naisip kong magpunta sa lab dahil yun lang alam kong lugar na maari nyang puntahan dahil sa pet nyang si Doggie.Pagdating ko sa lab ay sinilip ko agad kung andun sya perong walang Vivoree akong nakita paalis na sana ako ng bigla kong narinig ang pamilyar na boses. Naglakad ako paloob ng lab at di ako nabigo, sya nga ang narinig ko, narito nga sya napangiti naman ako na sa wakas nakita ko na sya.
Vivoree POV
Matapos kong mag walk out sa canteen kanina andito ako ngayon sa lab. Pakiramdam ko ito lang ang lugar kung saan walang mananakit sakin, kung saan ako lang at si Doggie ang makakaalam ng pagluha ko.
"Doggie, namiss mo ba si mommy? Sorry ha natagalan ang pagbalik ko siguro gutom na gutom ka na" sabi ko.
"Doggie wag kang magagalit sakin kung inayakan ko na naman ang maling tao. Ewan ko ba akala ko okay na ako pero yun pain andito pa pala"
Agad kong pinahid ang aking luha na kanina pang umaagos sa aking mga mata mula pa kanina. Maya maya pa'y naramdaman ko na may papalapit sa akin at nagulat ako ng makita ko si Ck.
"Ck? Anong ginagawa mo dito?Pano mo nalamang andito ako?"
"Hi! Ahmp. Actually di ko naman talaga alam na nandito ka nagbakasali lang ako na baka andito ka. Matapos ng nangyari kanina gusto ko lang masiguro na okay ka?" pagpapaliwanag ni Ck.
Bakit naman gusto nyang masiguro na okay ako? Bagong pa lang kaming magkaibigan pero ganun na lang nya ako bigyan ng atensyon. Omg V! wag ka mag isip mg kung ano ano okay? Baka ganyan talaga sya ka caring sa mga friends nya. Relax V, bawal kiligin, hindi ka assuming.
"Ehem, okay ka lang ba V? Para kasing natulala ka eh." tanong nito.
"Ay sorry, yeah I'm okay. May naisip lang ako"
Maya maya pa ay umupo na rin si Ck sa tabi ko.
"Vivoree, sigurado ka ba na okay ka? I know bago pa lang tayo magiging mag kaibigan pero bilang kaibigan mo you can always count on me" nakangiting sabi ni Ck.
Napabuntong hininga naman ako. Okay nga lang ba ako? All this time akala ko pag nakita ko na si Marco kaya ko na pero bakit kanina iniyakan ko na naman sya. Ang hina hina ko, naiinis ako sa sarili ko.
"Alam mo Ck kahit ako di ko alam kung okay na nga ba ako, akala ko kasi kaya ko na eh. Sinabi ko pa noon sa sarili ko na kahit makaharap ko sya di na ako iiyak ulit. Pero kanina noong nakita ko sya, bumalik lahat eh kung paano kami dati kung paano ko sya minahal at kung nya ako iniwan". sagot ko sa kanya ng di namamalayan na pumapatak na pala muli ang aking luha.
Flashback
Sa park...
Naglalakad ako ngayon sa park kung saan madalas kaming nagkikita ni Marco.
Anniversary namin ngayon kaya naisip naming magdate. Sobrang excited ako kasi halos ilang weeks din kaming hindi nagkita dahil busy ito sa studies.Kahit natalikod pa si Marco alam na alam ko na si Marco ang nakaupo sa may bench n iyon. Hmp. Sino kayang kausapin nya sa tawag? Bago ako lumapit sa kanya at inayos ko muna ang aking sarili. Naisipan ko na gulatin sya mula sa likuran nya, pigil pigil ko ang aking pagtawa habang papalapit ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/163300574-288-k166391.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing Like Us
Fiksi Penggemar"The moment she came to my life everything has changed. Dahil sa kanya natuto akong lumaban."-Ck "When I met him ang weird nya but one day nagulat na lang ako paggising ko sya yung unang taong hinahanap ko" - V Ito ang lovestory na magpapakilig at...