#NLUTheComeback

337 11 4
                                    

Charles Kieron POV

"Zeus di pa ba tayo kakain ng lunch?" tanong ko sa kanya. Andito kami ngayon sa basketball court kakatapos lang namin maglaro.

"Ck pare, bakit kanina ka pa nagmamadali ha. May hinahabol ka ba na gusto mong makita sa school canteen?" panunuksong tugon nito sa akin na agad namang ikinatuwa ng iba naming kasamahan.

"Tsk! Pare wala akong hinahabol. Gutom na talaga ako." natatawang sagot ko sa kanya sabay hagis ng tuwalya sa mukha nya.

"Dahilan mo Ck. Haha. Tara na mga pare at gutom na daw si loverboy Ck." dagdag na pang aasar sa akin ni Vitto.

Nagpunta na kami sa school canteen gaya ng inaasahan ko andun nga sya. Pag kapasok ko pa lang sa pinto ngiti na nya agad ang nakita ko. Nakatitig ako sa kanya habang nakapila kami sa pag order sa canteen ng biglang

"Uy pareng Ck kala ko ba gutom ka na? Kanina ka pa nakatitig kay Vivoree eh. Mukha sya talaga pinunta mo dito ha" nakangiting sabi sakin ni Maccoy.

Napatawa na lang ako sa sinabi nito. Umorder na ako ng pagkain at sumunod na sa kanila para umupo. Tanaw na tanaw ko sa kinauupuan ko ang maganda nyang mukha. Mukhang na love at first sight ata talaga ako sa kanya. Tapos na akong kumain ng mapansin kong may lumapit sa kinauupuan nya na isang lalaki. Kilala ko ang lalaking yun di ako maaring magkamali si Marco yun. Isa din syang engineering student at kilala din sya sa department namin. Ano naman kailangan nya kay Vivoree? Magkakilala ba sila?

Maya maya pa ako tinapik ako ni Zeus sa balikat. "Ck diba si Marco yun. Bakit nya nilapitan si Vivoree? Magkakilala ba sila? sunod sunod nitong tanong sakin.

Di ko rin alam ang sagot sa tanong nya. Maging ako ay nagulat sa aking nakikita. Nakatitig lang ako kay Vivoree at Marco maya maya pa ay napansin ko sa mukha ni Vivoree na naiinis na ito kay Marco dahil kanina pa nitong ina aakbayan si Vivoree na halatang ayaw naman nito sa ginagawa ni Marco. Naiinis na ako sa nakikita ko. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko na ikinagulat naman ng mga kasamahan ko.

Vivoree's POV

Andito ako ngayon sa school canteen kanina kasama ko si Heaven pero pinatawag sya ni Dean kaya naiwan akong mag isa dito ngayon. Tahimik akong nagbabasa ng libro habang umiinom ng milk tea ng biglang naramdaman ko na may humawak sa aking balikat.

Alam na alam ko ang mga hawak na yun. Kahit di ako lumingon alam kong tama ako ng iniisip. Hindi ako maaring magkamali sya si Marco.

"V, kamusta ka na?" tanong nito sabay umupo sa tabi ko. Seryoso! Tinatanong nya kung kamusta ako? Sira ba ulo nya? After nya akong lokohin ang lakas ng loob nyang humarap sakin na parang walang nangyari.

"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo? tanong ko.

"Gusto kong makausap ka. Gusto kong humingi ng sorry at ng chance. Magsimula tayo ulit. Please V" sagot nito. Natatawa ako sa mga sinabi nya. Akala nya ba tanga ako para bumalik sa kanya. Okay na ako kahit wala sya. I survived after all the pain he gave to me.

"Nababaliw ka na ba Marco? Imposible na yang sinasabi. Tsaka pwede ba umalis ka na sa tabi." pag papaalis ko sa kanya. Pero di pa din sya umalis at pilit nya akong inaakbayan na mayat maya ko namang inaalis. Naiinis na ako sa ginagawa nya ng biglang natigilan ako ng mapansin ko ang isang lalaking ngayon ay nasa harapan na namin ni Marco. "Ck?" gulat na gulat na sabi ko.

"Pare umalis ka na. Kita mo naman naiinis na sayo yung babae kinukulit mo pa din sya" sabi ni Ck kay Marco.

"Ikaw pala Ck. Ano bang pakialam mo kung lumapit ako sa kanya." sagot nito.

"Kaibigan ko si Vivoree at nakikita ko na ayaw nya sa gingawa mo. Kaya pwede ba pare umalis kana" kitang kita ko ang pag kainis ko sa mga mata ni Ck ang pagkainis kay Marco.

"Yun naman pala pare kaibigan ka lang kaya wag ka ng maki epal dito pwede! Ex boyfriend nya ako kaya okay lang lumapit ako sa kanya" tugon ni Marco saka muling umakbay sa akin na agad ko namang inalis.

Matapos ang sinabing iyon ni Marco ay agad namang natawa si Ck. Bakit naman sya natawa sa sinabi ni Marco? May nakakatawa ba na ex ko ang lalaking toh? Sabagay kahit ako natatawa sa sarili ko bakit ako pumatol sa Marco na ito.

"Pare sigurado ka bang engineering student ka? Kasi base sa sinabi mo EX ka na ni Vivoree kaya sa ating dalawa tingin ko ako ang mas may karapatang lumapit sa kanya. Kasi ako KAIBIGAN nya ikaw EX nya. Ang EX parte ng nakaraan di na binabalikan. Minsan na syang naging sa iyo gago ka lang kasi hawak mo na binitawan mo pa. Kaya umalis ka na sa tabi nya, di ka na nya kailangan. Hayaan mo na  ibang lalaki na deserve nya ang  magbigay ng halaga nya" malalim na sabi ni Ck bago tumingin sa akin.

OMG V! Wag ka mamumula! Wag kang kiligin! Pinagtatanggol ka lang nya!

Biglang tumayo si Marco sa kinauupuan nya at napansin kong naiinis na ito at parang handang manuntok kahit anong oras. Pero bago pa man nya magawa iyon ay tumayo na ako at nagsalita.

"Marco tama na! umalis ka na pwede ba? I dont need you anymore! Kung mahal mo ako una pa lang, nung tayo pa lang iningatan mo na ako. Hindi lahat Marco may second chance minsan tama na yung minsang sakit para sabihin na tapos na, na tama na! Ikaw yung  nakipaghiwalay sakin at hindi ako. Panindigan mo na lang!"  pagkasabing pagkasabi ko ng mga salitang yun ay agad kong inayos ang mga gamit ko tsaka tuluyang umalis sa lugar na yun kung saan muli dahil sa kanya bumagsak muli ang aking mga luha.

Nothing Like UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon