Elemental Academy

1.6K 46 0
                                    

Chapter 15: The fight...😨😨😨

Cindy's POV...

Bumalik na ako sa dorm. Galing ako kina Elaine. Namili kami ng sisuotin namin sa birthday ni Audrey. Nakauwi na kaya sila? Ano kayang nangyari sa lakad nila? Pumasok na ako sa dorm.

"Wala pa pala sila."sabi ko sa sarili.
"Lalabas muna ako, ang boring dito eh."at lumabas ulit ako.

Sa hallway...

Nakasalubong ko si Ethan. Teka, nakauwi na pala sila?

"Ethan, nakauwi na pala kayo?"tanong ko.

"Oo, bakit?"tanong niya.

"Nasa'n si Audrey?"tanong ko na kinatataka niya.

"Hinatid ko na siya sa dorm niyo. Bakit? Wala siya dun?"tanong niya.

"Wala eh. Di bale na! Hahanapin ko nalang siya. Siguro nagpapahangin lang yun."sabi ko at umalis na.

Nasa'n ka na Audrey? Hindi na maganda 'tong pakiramdam ko. Pakiramdam ko, may masasamang mangyayari sayo eh.

Audrey's POV...

"Dan?"

"Ako nga."

Napaatras ako ng bahagya.

"Bakit mo 'ko dinala dito? Ano na naman ang gagawin mo sa'kin?"tanong ko.

"Nandito ako para sabihin sayo na hawak namin ang mga magulang mo."sabi niya.

"Alam ko. Hindi mo na kailangan pang sabihin sa'kin."sabi ko.
Di ba ako naman ang kailangan niyo? Bakit hindi niyo ko harapin ng patas?"tanong ko.

"Mangyayari din yan. Sa kaarawan mo."sabi niya.
"Ipakita mo sa'kin kung ano talaga ang ability mo."dagdag niya at tumalon sa ere.

May bumulusok na itim na mga usok na bola. Buti nalang at nakagawa agad ako ng pana at tinira ko dun sa itim na usok na bola.

"Ganyan nga Audrey."sabi niya at kinontrol niya ang mga puno papunta sa'kin.

Ginamitan ko ng gravity para bumalik sa kanya ang mga puno. Nasira naman niya ang mga puno. Natalsikan ako ng kaunti sa mga ugat nito, kaya nasugatan ang binti ko.

"Aaahhhhhhhh!!!"sigaw ko. Pagkasigaw ko nun nayanig ang buong academy.

Cindy's POV...

Hinahanap ko pa rin si Audrey. Nasa'n na kaya siya? Biglang yumanig ang buong academy.

"Audrey."sambit ko at agad na umalis. Pinuntahan ko si Andrey. Sana nandito siya sa dorm niya. Sakto naman ang dating ko dahil lumabas siya.

"Andrey!"tawag ko sa kanya.

"Oh Cindy! Anong ginagawa mo dito? Teka, naramdaman mo rin ba ang pagyanig kanina?"tanong niya.

"Oo, at nawawala si Audrey. Hanapin mo naman siya oh!"

"Alam ko na kung nasa'n siya. Nasa labas ng Academy."sabi niya at umalis na kami.

Nakasalubong namin si Ethan at sumama na rin siya.

Sa labas ng Academy...

Nakita namin si Audrey na sugatan na, pati na rin ang kaaway niya. Si... Dan?!

Audrey's POV...

"SHIT!"napamura ako sa sakit ng ugat na tumama sa katawan ko.

Naramdaman ko si Cindy at dalawang iba pa na papalapit. Pagtingin ko...

Elemental Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon