Prologue:
Hindi...
Hindi ako ang may gawa nun!
Nakikita ko ang mga kaklase kong natataranta at natatakot sa'kin sa di ko alam na dahilan.
"Umalis ka dito! Isa kang halimaw!"sigaw ng kaklase kong nakahawak sa kanyang braso na di ko alam kung anong nangyari.
"Hindi ako ang may gawa nun! Maniwala kayo sa'kin."tanging tugon ko. Nanginginig na ang mga kamay ko. Puro yelo na ang nakikita ko.
"Wag kang lumapit sa'min! Isa kang halimaw! Sinaktan mo kami! Ikaw ang dahilan kung bakit nagka yelo ang classroom!"sumbat niya sa'kin.
Yun ang mga salita na tumatak sa isip ko. Hindi ako ang may gawa nun. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung paano ko sila sinaktan. Kung bakit nila ako kinakatakutan?
May pinagtataka lang ako. Ang aking mga mata na kulay lila, ang kutis ko na sing-puti ng snow.
Buhok ko ay kulay itim na may halong lila.Ano ba talaga ako? Ano ba talaga ang totoo kong katauhan?
Masasagot ba ng paglipat sa ibang paaralan ang katanungan ko?
Author's note...
Hi! Sorry kung sobrang ikli ng Prologue ko. ^_^V Peace!!!
Chapter 1: Transfer to another school...
Ako nga pala si Audrey Evangeline Miller, 17 years old. Isang hindi ordinaryong babae. Di ko alam kung anong totoong katauhan ko. Pero hindi ko inisip na iba ako, dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako kakaiba.
"Papa, bakit po kami lilipat ng school?!"tanong ni Andrey.
Si Andrey ang kakambal ko. Mayroon siyang kulay blue na mga mata. Mahilig yang mang-asar sa'kin. KAINIS NGA EH!!!
"Oo. Kailangan niyong lumipat ng school. Para rin 'to sa inyo. Tsaka magfi-fit in kayo dun sa school na yun."tugon ni papa.
"Sige po."pagsasang-ayon ko.
"Mag-impake na kayo at aalis tayo maya-maya."utos ni mama.
Tumango lang kaming dalawa ni Andrey. No choice! Nag-impake na kaming dalawa.
Pagkatapos naming mag-impake... Agad kaming umalis at bumiyahe. Isinuot ko ang sunglasses ko at naglagay din ako ng headphone sa tenga ko.
"Malayo pa po ba tayo?"tanong ko.
"Ano ka ba naman Audrey? Kakaalis lang natin eh! Malapit na agad? Mag-isip ka nga."sumbat niya.
"Opo. Sungit nito."sabi ko at sumandal nalang ako sa bintana ng kotse.
(After a few hours of traveling...)
"Hoy Audrey! Gumising ka na, nandito na tayo!"sigaw ni Andrey.
"Urgh! Nakakabingi ka! Grabe ka kung maka sigaw huh! Parang ang layo-layo ko sayo!"sumbat ko. Natapos na rin kasi ang music ko kaya dinig na dinig ko ang boses niya.
"Magsitigil na kayo. Bumaba na kayo diyan."sabi ni mama kaya lumabas na kami.
Ano 'tong pinuntahan namin? Academy ba 'to o palasyo?! Ang laki kasi eh! Nakakalula sa laki!
"Halina kayo. Pumunta na tayo sa principal's office."yaya ni papa.
"Paano 'tong mga gamit namin?"tanong ko.
"Hayaan niyo na yan diyan! May kukuha na niyan. Halina kayo."tugon ni mama. Tumango nalang kami at sumunod.
Habang naglalakad kami sa hallway, may mga estudyante na tumitingin sa'min pero bumalik agad sila sa kani-kanilang ginagawa. Huminto kami sa harapan ng isang kulay gold na pinto. Binuksan yun ni papa.
Pagpasok ko... Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa chair. Meron siyang hanggang beywang na buhok. Kulay blue ang mga mata niya, makinis ang balat at maputi, matangos ang ilong, at angelic face.
"Welcome back, Mr. & Mrs. Miller."bati niya with an angelic voice.
"Thank you Ms. Frost."sabi naman ni papa.
"Kumusta ka na best friend?"tanong ni mama.
Best friend? Magkakilala sila? Kailan pa nagkaroon ng best friend si mama?
"Ayos lang naman ako best friend."sagot niya at ngumiti. Nagyakapan silang dalawa.
" Buti naman at naisipan niyong bumalik dito!"nagagalak niyang sabi.
"Lumabas na kasi ang ability ni Audrey, kaya napag-isipan namin na ipasok sila dito."sabi ni mama.
"Malaki na kayo. Dalaga't binata na nga kayo!"sabi niya.
Kinuha niya sa honus niya ang dalawang susi. Kulay pink ang susi na ibinigay niya sa'kin at kulay blue din ang ibinigay niya kay Andrey.
"Yan ang susi sa mga dorm niyo. Ikaw Audrey, dun ka sa all girls dormitory room no. 110, at ikaw Andrey, dun ka sa all boys dormitory room no. 117."saysay niya.
Tumango lang kaming dalawa ni Andrey.
"Sige Ms. Frost. Aalis na kami."pagpapaalam ni papa.
"Sige."tugon niya at umalis na kami.
Bumalik na sina mama sa kotse.
"O mga anak, magpakabait kayo dito huh? Wag kayong pasaway."tugon ni mama.
Tumango lang kami ni Andrey.
"O Sige na, uuwi na kami. Mag-ingat kayo dito!"sabi naman ni papa at umalis na sila. Nagkatinginan kami ni Andrey saka kami umalis.
(Sa all girls dormitory...)
Pumasok na ako sa room no.110.
Hay! Sino naman kaya ang dorm mate ko?
Lumabas ang isang babae galing sa kusina.
"Oh! Ikaw ba si Audrey Evangeline Miller?"tanong niya.
"Oo. Ikaw ba ang ka dorm mate ko?"sagot at tanong ko.
"Oo. Ako si Cindy Ivonne Mist. Water ang elemental ability ko."pag-papakilala niya.
"Ikaw? Anong ability ang meron ka?"tanong niya sa'kin."Ah... Ano ba yung elemental ability?"tanong ko.
"Ano ka ba? Hindi mo alam yun? Wag mong sabihin na..."she gasped.
"Wala kang ability?"tanong niya."Pa--parang ganun na nga?"patanong kong sagot.
"Papaano ka nakapasok dito kung wala kang ability?"tanong niya.
Lord! Ano ba 'tong school na napasukan ko?
"Nandito ka sa Elemental Academy!"sabi niya. Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Na---naririnig mo ang iniisip ko?"tanong ko.
"Oo. Isa yun sa ability ko. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Paano ka nakapasok dito?"tanong niya ulit.
"Dahil... Magkaibigan ang parents ko at ang principal dito?"pasagot kong tanong.
"Ah... Pero hindi pa rin ako convince eh. Halika na. Nandun ang gamit mo sa ibabaw. Dun kasi ang kwarto mo. Bilisan mo at magla-lunch pa tayo."sabi niya.
Tumango lang ako at pumunta na ako sa bed ko. Naka ayos na ang mga gamit ko. Nagbihis ako ng uniform. Kulay blue ang blouse at kulay pula naman ang skirt na hanggang legs lang. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at nakita ko dun si Cindy na naghihintay.
"Wow! Ang ganda mo ah! Bagay sayo ang uniform. Halika na, pumunta na tayo dun sa canteen."yaya niya. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy (Completed)
FantasyA girl with a special ability. At first she didn't believe that she had an ability. At the academy,she knows that she had a responsibility to be done. In that moment that she need to choose. What will be her choice? The one she loved? Or. Her duty a...