Chapter 16: The preparation...
Someone's POV...
Naghahanda sila sa pagdating ng kaarawan ni Audrey. Naging abala ang lahat sa paghahanda. Isang tao lang naman ang hindi masaya.
Si Audrey.
Dahil alam niya na ito ang pinakamalungkot na kaarawan niya.
"Audrey, halika! Isukat mo 'tong damit na nabili namin."yaya ni Cindy kay Audrey.
Sinukat naman 'to ni Audrey. Isa itong kulay violet na dress na may mga sparkles. Para itong starry night dress.
"Ang ganda nito ah!"sabi ni Audrey.
"Oo nga! Bagay na bagay sayo!"sabi naman ni Elaine.
"Sakto lang pala ang binili namin."sabi naman ni Cindy.
"Ang ganda mo diyan sa suot mo Audrey."sabi ni Ivorie.
"Salamat. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan."sabi ni Audrey at ngumiti.
"Wala yun. Para sa'yo, gagawin namin. Di ba nga magkaibigan tayo? Kaya pasasayahin ka namin."sabi ni Ivorie.
"Oo nga."sabi ni Cindy.
Nagyakapan naman silang magkakaibigan.
Ang hindi nila alam, naghahanda na ang mga taga-dark world para sumalakay.
"Maghanda kayo. Limang araw nalang at makakalabas na tayo dito at makakapaghigante na tayo at masakop na natin ang buong Magical World."sabi ni Genesis.
Habang sa Elemental Academy naman. Naghahanda din ang mga council para maprotektahan nila ang mga estudyante at lalo na si Audrey.
"Principal Frost. Nandito na kami."sabi ni Mrs. Lincoln. Isa si Mrs. Lincoln sa mga councillor na nagpoprotekta sa Academy at Magical World.
"Buti naman."sabi ni Ms. Frost.
Nandun din sina Mr. Mist, ang papa ni Cindy. Si Mrs. Windle, ang mama ni Drake at Ivorie. Si Mr. Watender, ang papa ni Elaine. Si Ms. Emerald. Sinimulan na nila ang council meeting.
Kina Drake...
"Ethan, isukat mo 'tong damit."yaya ni Drake kay Ethan.
Sinukat naman ni Ethan ang damit.
"Hoy! Ba't parang wala kang gana?"tanong ni Drake kay Ethan.
"Sino ba namang gaganahan kung may paparating na panganib huh? Limang araw nalang at susugod na dito ang taga-dark world."sagot ni Ethan.
"Ethan, relax ka lang. Hindi ibig sabihin na may panganib na paparating eh hindi ka na pwedeng mag-relax. Nag-meeting na sina mama dun sa office ni Ms. Frost. Kaya wag ka ng mag-alala."sabi ni Drake.
Audrey's POV...
Limang araw nalang at birthday ko na. Ito na ata ang pinakasaklap na birthday ko.
"Audrey, halika! Punta tayo sa occasion hall. Manood tayo."yaya ni Elaine sa akin.
Agad naman kaming umalis at nagtungo sa occasion hall. Ang ganda dito! Hindi na sila nahihirapan sa pag-decorate dahil ang nagde-decorate ay ang may mga ability na kayang makapag-galaw ng mga bagay.
"Naghahanda talaga sila para sa kaarawan ko noh?"tugon ko.
"Oo nga. Kaya dapat masaya ka rin. Wag mo munang isipin ang mga panganib."sabi ni Cindy.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy (Completed)
FantasíaA girl with a special ability. At first she didn't believe that she had an ability. At the academy,she knows that she had a responsibility to be done. In that moment that she need to choose. What will be her choice? The one she loved? Or. Her duty a...