Chapter 6.1

1.5K 78 4
                                    

ADAM


NANG nasa labas na kami 'di pa rin niya 'ko iniimik. Buti nga sumama siya kaagad sa 'king lumabas.

"Bakit may number ka ni Xander?"

"Hinahanap kita." Halos magdikit 'yung kilay niya—galit ba siya?

"Paano kayo nagkakilala?"

Hanggang makasakay kami hindi pa rin niya 'yon nasasagot kaya pinipilit kong kumalma. Nagseselos ako, kailangan i-delete niya kaagad ang number ni Xander.

"I-Delete mo na 'yung number niya."

"Hindi."

"Blue—" tumitigas 'yung ulo niya, ilang araw ko lang siyang 'di nakita...

Iyong tataas na 'yung boses ko pero nalunok ko lang 'yung mga salitang sasabihin ko nang makita ko na pinapahid ng likod ng palad niya 'yung mga nag-uunahang luha niya.

"Marami lang akong iniisip, kailangan ko lang ng space—" simula ko.

"Madali lang sabihin 'yon, hindi mo kailangang mawala bigla. Maiintindihan ko naman 'yon kung sasabihin mo,"

Hindi ko siya matingnan. Nasasaktan din ako kaya pinagmumura ko 'yung sarili ko dahil ako ang may kasalanan.

"Wala kang pakialam sa nararamdaman ko," puno nang hinanakit na sabi niya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para iharap siya sa 'kin.

"Hindi ako magkakaganito kung wala 'kong pakialam sa nararamdaman mo. Kung sarili ko lang ang iniisip ko hindi ko na iisipin kung anong mararamdaman mo sa 'kin at pipilitin ko na maging sa 'kin ka gusto mo man o hindi!"

"Bakit ba iniisip mo 'yung iba, hindi ka ba naniniwala sa 'kin? Ikaw 'yung mahalaga sa 'kin. Ikaw 'yung gusto kong kasama, pero ikaw ang nagsabi no'n sa 'kin na 'di naman tayo p'wedeng mabuhay ng tayong dalawa lang, Adam, ano bang problema mo? Iintindihin ko, 'wag mong iparamdam lagi sa 'kin na hindi kita naiintindihan."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama sa 'kin nagmula na kailangan niya ng ibang kaibigan, noon 'yon noong 'di ko pa 'to nararamdaman sa kanya.

"Kung ayaw mo 'kong makita nang matagal sabihin mo, basta alam ko na magkikita pa tayo. Kung marami kang ginagawa, naiintindihan ko 'yon at hindi kita pipilitin na puntahan mo 'ko, hindi kita pupuntahan kung 'di mo rin gusto, madali naman sabihin 'yon 'di ba? Iniwan mo lang ako bigla, wala naman akong alam sa 'yo gaano, kaya mahirap sa 'kin na hanapin ka..." lalo siyang naging emosyonal.

Pakiramdam ko pinipiga 'yung puso ko habang pinakikinggan ko siya. Hindi ko siya gustong saktan, ayoko nang ganito kami, naging makasarili ako para gawin 'yon. Tama siya, hindi ko inisip ang mararamdaman niya kundi sarili ko lang.

"Sabihin mo na, iintindihin kita." Pinahid niya 'yung luha niya at pilit akong nginitian, "Dito na ba natin 'to tatapusin? Hindi kita pahihirapan, ibibigay ko sa 'yo 'yon."

Nabigla ako sa sinabi niya kaya pinagkatitigan ko siya.

Mawawala na siya sa 'kin?!

"Kaya ko na 'yung sarili ko," muli siyang ngumiti.

Ako naman 'yung nadudurog sa punto na 'to.

"Kaya mo na 'yung sarili mo?" Ito 'yung salitang hinding-hindi ko gugustuhing marinig sa kanya. Hindi ko mapigilang maghimig may hinanakit sa kanya, "Dahil kaya mo na 'yung sarili mo, hindi mo na 'ko kailangan?" tumawa pa 'ko ng may sarkasmo.

"Adam—"

Hinawakan ko 'yung baba niya at hinalikan ko siya. Hindi niya 'ko tinulak pero alam ko na nagulat siya. Saglit lang 'yon at nang hiwalayan ko siya hindi ko mapigilang titigan siya.

BAD AT LOVE ( Published under PRIDE LIT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon