Chapter 3.1

2.9K 117 2
                                    

ADAM


Bluer than Blue: Gusto na kitang makita, Adam.

Nagising 'yung diwa kong antok na antok nang mabasa ko 'yong message ni Blue sa 'kin. It's been two weeks, simula nang huli kaming magkita at maging 'magkaibigan' kalokohan ko lang naman 'yong pagpayag ko dahil nadadala lang ako ng cuteness niya. Pero nang wala na siya sa harapan ko, iyon normal na uli ang takbo ng utak ko.

Nilingon ko si Claude at himbing na himbing na siya. Binalikan ko nang tingin 'yung Teacher namin sa... Wait... Loading! Nauubos na 'yong buhok niya at mukhang b'wisit na b'wisit na siya sa buhay.

Nag type ako nang ire-reply kay Blue, 'Share mo lang' pero naisip ko na kakagatin niya na naman 'yong lower lip niya at sisimangot kaya iniba ko 'yon, "Later." Send, kaagad at pagsisisihan ko na naman 'yon mayamaya.

Nilingon ko 'yung kalapit ko nang maramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa hita ko. Nginingitian niya 'ko kaya kinuha ko 'yong kamay niya at ipinatong ko sa gusto niya talagang hawakan. Nagulat siya at kumagat labi—shit. Bakit mas cute si Blue sa parteng 'yon?

Damang-dama ko na 'yung masamang tingin ng Professor sa unahan kaya nginitian ko siya para ma-chill naman siya. Napapansin ko nga, gustong-gusto na 'ko ng mga Professor kong paalisin sa Senior High, 'pinapasa na 'ko kahit hindi ako kapasa-pasa. Ewan ko na lang kung gusto pa nilang tatlong beses kong ulitin 'tong Grade-11, sila rin, very willing naman ako.

Nag reply si Blue ng smiley na may puso-puso ang mata, alam ba niya na 'di niya dapat ginagamit 'yon?

Bluer than Blue: Anong oras? Ngayon bang Lunch or uwian?'

Tinignan ko si Kim at tinimbang ko kung sino ang uunahin ko sa kanila.

'Basta.' Reply ko sa kanya.

'Naiinis ka ba? Sorry, Adam...' may kasama pang sad smiley.

Namasahe ko 'yong sentido ko, 'No.' at sa kanya lang ako gumamit ng smiley, iyong ngiting-ngiti na parang wagi, kaya natawa 'ko sa sarili ko.

'Lunch, sabay na tayo, anong oras ka?' Gusto kong batukan 'yong sarili ko dahil isang oras akong mag biyahe para lang sabayan siya sa lunch at gano'n din pagbalik, so, it means may klase akong masasagasaan.

Nararamdaman ko 'yong ekspertong paghagod ni Kim sa 'kin at mukhang gusto na nga niyang sunggaban. Pero hindi siya ang napili ko ngayon kaining lunch break.

Nang matapos na 'yong subject niya hindi na 'ko pumasok sa susunod. Pinuntahan ko na si Blue.

Bakit ko nga 'to ginagawa?

Dahil mabuti kang 'Kaibigan' at 'Kawawa' naman siya.

Dahil motorbike ang gamit ko kaya alam ko na aabot ako sa kanya. Konsensiya ko pa kung 'late' siyang kumain.

Hindi ko gusto ang 'tulad niyang inosenteng-inosente, napipikon ako. Pero 'pag siya, nauuwi na lang 'yon sa ngiti. Nag share kami ng messages and calls, sa wakas, nagamit ko rin 'yong load ko 'di ba? Para ko na nga siyang girlfriend sa dalas ko siyang kausap, kaya nga after pa niya matulog ako lalabas ng bahay para pumunta sa maingay at magaslaw na paborito kong lugar kasama ang mga kaibigan ko talaga. Ikatlong kita namin 'to kung kasama 'yong kinuha ko 'raw' iyong gamit niyang ibinato niya sa 'kin.

Sumandal ako malapit sa tapat ng gate ng eskuwelahan nila Blue, bahagi ng waiting shed—nakapamulsa at nag-iisip kung hanggang kailan ko 'to gagawin. Ilang babae ang kumausap sa 'kin, namili ako nang ngingitian, iyong alam ko na game na game sa larong gusto ko—I want it rough.

BAD AT LOVE ( Published under PRIDE LIT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon