Chapter 1

5.8K 127 20
                                    


BLUE

"Sa tingin ko mas makakabuti naman 'to sa kanya, saka na lang natin siya ibalik sa tutorials kung hindi 'to mag-work baka makatulong din 'to sa kanya," narinig ko si tita na kausap si mama sa Skype.

Nang balingan ako ni tita, nginitian ko siya.

Sixteen years old na 'ko ngayon. Grade four nang huminto akong pumasok sa eskuwelahan at manatili na lang sa bahay kasama ang tita ko na dalaga pa rin sa edad na fourty-five. Nasa Spain si mommy at daddy, umuuwi naman sila rito pero hindi gaanong nagtatagal.

Iyong suhestiyon ni tita, ako ang nagsabi no'n sa kanya para sabihin niya kay mommy, nahihiya pa rin kasi ako sa kanya kahit na siya ang biological mother ko. Ganoon siguro minsan kapag hindi ka lumaki sa kanila.

Parehong doktor ang mga magulang ko, kaya ganoon din sana ang gusto ko. Hindi ako malapit sa kanila dahil bata pa lang iniwan na 'ko ni mommy kay tita, teenager lang siya ng dalhin ako at hindi pa sila naging maayos ni daddy. Pero nagkabalikan din sila, ten years old na 'ko ng makilala ko ang biological father ko at mapalitan ang apelyido ko mula sa Blue Lucero patungo sa Blue Yamashita—Japanese si dad, pero lumaki sa Pilipinas.

Huminto naman ako sa pag-aaral dahil sa sakit sa puso—masyado nila 'kong inaaalala, lalo at hindi naman nila 'ko p'wede i-monitor maya't maya sa eskuwelahan. Ilang beses akong inatake no'ng grade four ako kaya nauwi na sila sa desisyon na ihinto ako at i-home study na lang.

Wala namang kakaibang nangyayari sa 'kin sa loob ng bahay. Tingin ko naman normal na ako, at masyado lang silang nag-aalala sa 'kin na hindi ko naman minamasama dahil magulang ko sila at alam ko na makakabuti lang sa 'kin ang gusto nila. Pero sa ngayon gusto ko na rin talaga ng kaibigan, tunay na eskuwelahang papasukan, at maiba naman ang iniikutan ng mundo ko maging ang mga ginagawa ko.

Malalaki ang bahay sa subdivision namin, hindi ako nagkakaro'n ng pagkakataon na lumabas para magkaro'n ng ibang mga kalaro. Siguro sila rin ikinukulong sa mga bahay nila, pero ang maganda lang sila nakakapag-aral hindi katulad ko.

Akala ko gano'n kadali ang buhay sa labas, akala ko rin mangyari lang 'yon sa buhay ko, magiging napakasaya ko na at isa na 'yong pinakamagandang regalo na maibibigay nila sa 'kin. Pero iba pala ang labas sa inaasahan ko.

Lapitin ako higit ng mga lalaki. Dahil unang beses kong magkaro'n ng kaibigan sa mahabang panahon hindi ako namili, dahil masayang-masaya na 'ko na may mga kaibigan ako. Sa tagal ko silang nakasama naamoy ko ang iba't ibang usok ng nilalanghap nila sa bagong mundo na pinagdalhan nila sa 'kin.

Madalas na ro'n kami sa apartment na pag-aari nila Myco.

"Bakit ang cute mo?" si Ed 'yon, isa sa kaklase ko.

Nakainom na sila. Nasa ibaba sila habang nasa ibaba ako ng double deck na kama. Hindi ako umiinom, pinapanood ko lang sila at nakikipagtawanan sa kanila kahit iyong pinag-uusapan nila, karamihan naman talaga hindi ko maintindihan.

Natutuwa naman ako sa kanila kahit puro kalokohan 'yon, ganoon kababaw ang kasiyahan ko.

Nagtitinginan silang apat at magngingitian kaya ngingiti na lang ako dahil hindi ko naman maisip kung may kahulugan ba 'yon o wala.

"Ang puti mo, ang lambot mo rin," hinawakan ni Harvey ang palad ko at pinisil 'yon.

Nailang ako sa ginawa niya pero hindi ko 'yon binawi dahil baka kung anong isipin niya.

Naupo si Ed sa tabi ko, "Pinkish din 'yong pisngi niya, Harvey," pinisil niya ang pisngi ko. "Mas cute ka pa sa mga kaklase nating babae," dumapo ang kamay niya sa likuran ko at hinaplos niya 'yon nang may kasamang pagpisil.

BAD AT LOVE ( Published under PRIDE LIT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon