"Reiya gising na, tanghali na-" Natigilan si Manang ng makita niya akong gising na.
"Ay bata ka! Akala ko ba mahirap ka gisingin? Kabilin-bilinan pa nga ni Chan na gisingin ka palagi at baka daw mahuli ka sa pag-pasok." Saad pa ni Manang na parang hindi makapaniwala.
Ngumiti lang ako sa kaniya. At tinuloy ko ang pag-aayos ko sa buhok ko.
"Nakahanda na ang pagkain sa baba, kumain ka ha?" Sambit pa ni Manang bago umalis.
"Opo!" Sagot ko kahit alam kong hindi na niya narinig dahil sinara na niya ang pinto ng kwarto ko.
Pagdating ko sa dining room, as usual may nakahain na ngang pagkain sa mesa. Madaming pagkain, masasarap ang pagkain, pero ako lang naman ang kakain. Siguro mas gusto ko pang simple at kaunti na lang ang pagkain tapos may kasama akong kakain, kaysa ganito.
Nung nandito pa sa Pinas si Chanu, minsan maaga siyang gagayak para masabayan niya akong kumain ng umagahan, kasi alam niyang wala akong makakasabay. Pero alam ko minsan kahit nakakain na siya, pinipilit pa rin niyang kainin yung mga pagkain para lang masabayan niya ako, kahit bawal siyang masobrahan ng kain. He needs to maintain his healthy diet.
Ng makaupo ako para kumain, nakita ko sa tabi ang isang puting sobre. Kinuha ko yo'n, at bumungad sa akin ang makapal na papel ng mga pera. As usual it's from my mom.
At binasa ko ang nakasulat sa labas ng sobre. Reiya, I will not be able to go and support you tomorrow. I'm sorry anak. Use these money, treat your friends, buy some new clothes, or gadgets? It's up to you.
I let out my heavy breath. Imbes na ilagay ko sa bag yo'n, binalik ko na lang ulit 'to sa mesa. At hindi ko na rin tinuloy pa ang kinakain ko. Nawalan ako ng gana bigla.
"Money can't buy us happiness, mom." Sambit ko sa sarili ko, bago naglakad palabas ng bahay.
Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Manang pero binalewala ko na lang. Alam kong sasabihin niya lang ulit na intindihan na lang si mommy, kasi busy talaga siya sa business. Tsk.
Pagbukas ko ng gate, bumungad sa akin ang kulay violet na kotse, at isang lalaking na nakasandal sa kotse, na may kulay violet na buhok.
"Bobby" Mabilis kong nasambit.
Ngumiti siya agad sa akin, at mabilis niyang binuksan ang pinto sa likod. Kahit malayo ako, nakikita ko na ang mga box ng mga bagong sapatos sa loob ng kotse. As usual, Bobby's obsession.
Napansin niya yata na nakatingin lamang ako sa mga box ng mga sapatos niya. Mabilis siyang pumasok sa loob at inayos ang mga iyon.
Pagkalabas niya, nahihiyang nagkakamot pa siya ng ulo.
"Sorry 'bout that dude. You know I'm jus-"
"It's oka-No. I mean, bakit ka nandito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya na mabilis niyang ikinatawa. Nawala na naman ang mga mata niya.
"Dude, isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Chan told me to pick you up... Actually, every morning." Sagot niya sa akin na mabilis kong ikina-gulat. Pati ba naman 'to. Really Chan? Lagot ka sa akin mamaya sa messenger.
"Ahm, dude Chan got me these Kobe 12." Dagdag pa niya habang tinuturo ang suot niyang sapatos. Ngiting-ngiti pa siya habang tinitingnan yung suot niyang sapatos na binili ni Chan. Naku! Chan naman!
Lalo pang kinunsinte ang kaibigan niya! Si Bobby kasi sobrang obsessed sa pagbili ng mga sapatos. Last time na pumunta kami sa bahay nila, binilang ko yung pair of shoes niya grabe 79 pairs! Yung nasa shoe cabinet pa lang niya sa labas ng kwarto niya yo'n ah!
BINABASA MO ANG
Take Me Back
FanfictionUna hanggang huli Mahal, Kung nababasa mo man ito ngayon nais ko lang na malaman mo na nandirito lamang ako. Hindi ako mapapagod na maghintay sa pagbalik mo. AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!