Hindi ko na matandaan kung sino ang nakapagsabi sa akin noon na ang pinaka-masayang lugar na ito sa buong mundo ay siya ring pinaka-malungkot na lugar sa buong mundo.
Dati hindi ko maintindihan 'yon. Pero ngayon parang alam ko na kung bakit ang lugar na ito ay ang pinaka-masaya at pinaka-malungkot din na lugar sa buong mundo.
"Rei, yung sinabi ko sayo ah? Dapat pagbalik ko Agriculturist ka na." Ngumiti ako ng mapait sa sinabi niya na yo'n.
"Bakit kasi aalis ka pa eh, dapat dito ka lang hanggang maging Agriculturist ako." Saad ko sa kaniya na mabilis niyang ikina-iling.
"Diba pinag-usapan na natin 'to?" Saad niya na ikinatahimik ko.
"Basta tataawagan kita lagi Reiyara." Pagkukumbinsi niya sa akin, pero kahit sabihin niya yo'n ngayon hindi pa rin mawawala ang lungkot na nararamdaman ko.
"Chan, alam mo naman diba na lumaki ako na kasama ka tapos ngayon magkakahiwalay na tayo? Paano na ako? Wala ng gigising sa akin, baka ma-late na ako lagi niyan!" Saad ko sa kaniya na ikinangiti niya naman agad.
"Ibinilin ko na kay Manang na gisingin ka palagi."
"Eh sino na o-order ng pagkain ko sa OJ's? Alam mo namang takot akong pumupunta sa counter para umorder!" Saad ko na mas lalo pa niyang ikinangiti.
"Rei, binilin na kita kay Kesha at Bobby sinabi ko na rin sa kanila na malasado ang gusto mo sa itlog." Sagot naman niya agad na ikina-simangot ko lalo. Bakit ba kasi ganito si Chan?
"Wala ng magtuturo sakin sa math! Paano kung bumagsak ako? Bahala ka hindi ako magiging Agriculturist no'n." Dagdag ko pa na ikinatawa niya.
"Inayos ko na yung mga notes, at mga libro na kailangan mo para do'n. Simplified na ang lahat ng iyon, kaya wala ka ng po-problemahin Rei."
Ng sabihin niya yo'n, alam kong wala na talaga akong magagawa. Talagang aalis na siya. Talagang iiwan na ako ng best friend ko.
Hindi na ako naka-imik pa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ramdam ko na ang nagbabadyang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Tatalikod pa lang sana ako para hindi niya makita ang mga luha ko na tuluyan ng bumagsak ng bigla niya akong hinila at yinakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit, alam kong nararamdaman na niya ngayon kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.
"Geumbang gatda olkke.." Bulong niya sa akin.
"Dapat lang na bumalik ka din agad!" Mabilis kong sagot sa kaniya.
Sobrang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha na patuloy na umaagos. Bumitaw siya sa pagkakayap niya sa akin at mabilis niyang ginulo ang buhok ko sa pagkaka-ayos, kagaya ng lagi niyang ginagawa kapag naiinis siya sa akin ng sobra.
"Na-i—inis ka pa talaga sa akin ha?!" Hindi ko mapigilang maasar sa kaniya. At siya pa may ganang mainis?! Ako nga itong maiiwan eh!
Ang ngiti niya kanina ay mabilis nawala. Nakita ko ang mabilis niyang pagsimangot. Inayos niya pa muna ang buhok bago magsalita.
"Aigoo! Sa Korea lang ako pupunta. Napakalapit lang no'n dito sa Pinas. 'Wag kang OA please?" Pagkukumbinsi niya sa akin na hindi ko naman magawang makumbinsi.
"Kahit na noh?! Malayo pa rin yo'n!"
Nakita ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago inabot sa akin ang isang susi.
"Aanin ko naman ya'n?" Tanong ko agad sa kaniya.
"Susi ya'n ng kwarto ko. Ingatan mo si cutie." Saad niya sa akin na mabilis ko namang ikinatawa.
"Aba! At mas naalala mo pa talaga si cutie noh?" Pang-aasar ko sa kaniya na mabilis niya ring ikinatawa.
"Oo naman noh? That's my precious cutie." Dagdag niya pa. Inirapan ko lang siya at kinuha ko yung susi ng kwarto niya.
As if naman may masama akong gagawin kay cutie. Si cutie, ang pinaka-mamahal niyang computer. Si cutie na mas mahal niya pa yata kaysa sa akin. Palagi na ngang si cutie kasama niya eh, laro siya ng laro ng kung anong patayan yo'n. Tsk!
"Oo na! Kaasar na cutie na ya'n!"
Tinawanan na lamang niya ako. At inasar pa ng kung ano-ano ng...
"Chan.." Pagtatawag sa kaniya ni tita Lea. Tanda na kailangan na nilang pumasok sa loob ng airport.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng ma-realized kong kailangan na talaga niyang umalis.
Niyakap pa muna niya ulit ako bago tuluyan na nag-paalam.
"Saranghae" Bulong niya pa sa akin na mas lalong ikinabigat ng puso ko.
Hindi nawala ang paningin ko kay Chan habang naglalakad siya papasok ng airpot.
"Chan naman eh!" Sambit ko sa sarili ko.
Mabilis akong tumalikod at naglakad ng paalis, kasi kung hindi pa ako aalis baka pigilan ko lang si Chan na umalis. At hindi ko dapat gawin yo'n. I don't want to be selfish, para sa pangarap niya yo'n.
Bago ako tuluyan makalayo, kita ko ang isang batang masayang tumatakbo papunta sa isang lalaki na sa tingin ko tatay niya. Masayang-masaya sila ng tuluyan silang makalapit sa isa't-isa.
Hindi ko napigilang mapangiti ng mapait. Ngayon alam ko na kung bakit ang airpot ang pinaka-masayang lugar at siya ring pinaka-malungkot na lugar sa buong mundo.
Masaya para sa mga taong nag-aabang sa pagdating ng mga taong mahal nila, at malungkot para sa mga taong naghahatid sa mga taong mahal nila.
Ng makarating ako sa parking lot, at bago pa man ako makapasok sa sasakyan namin nakita ko ang paglipad ng isang eroplano.
"Chan ma-mimiss kita." Bulong ko sa sarili ko.
Si Chanwoo, ang best friend ko. Siya na ang kasama ko simula pa noon. Lumaki akong nandito siya palagi sa tabi ko. Kapag malungkot ako, kapag masaya ako, kapag galit ako, lahat-lahat, kasama ko siya. Kaya hindi ko alam ngayon kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Rei, kaya mo 'to!" Bulong ko muli sa sarili ko. Kaya ko ba na wala ang best friend ko? Ang kakampi ko sa lahat ng bagay? Ang lalaking nag-iisa sa buhay ko.
-
AN:
Hi iKONICS! I dedicated this story for all of you. I'm so happy to be part of iKONICS fam/squad. Before, I can't see myself being a fan of any korean group or kpop idols. But yah, iKON changed everything. ❤
Anyway, how's our prologue (simula)?
Here's our official hashtag:
#WattyTakeMeBack
❤Now Playing: Best Friend
By: iKON 😍
...tapos next natin ang Airplane

BINABASA MO ANG
Take Me Back
FanfictionUna hanggang huli Mahal, Kung nababasa mo man ito ngayon nais ko lang na malaman mo na nandirito lamang ako. Hindi ako mapapagod na maghintay sa pagbalik mo. AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!