TMB-3

7 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain nila Bobby at Kesha kanina diretso ako agad sa office naming mga campus journalists para sa last training or practice. At bago ako umuwi, dumaan lang ako sandali sa office ni Prof. Agustin para kunin yung mga stabs na kailangan ko bukas sa campus journalism.

I'm school journalist. Nagsusulat ako ng mga balita. Bata pa lang ako, nakitaan na ako ng mga teachers ko noon na mahusay akong mag-sulat. Hanggang sa nakilala ko si Prof. Agustin ng huling taon ko sa Senior High. At hindi na ako nagulat ng kuhanin niya ako bilang official campus news writer, dahil kahit nung elementary pa lang ako nailalaban na ako sa pagsulat ng balita.

Bukas dito gaganapin sa campus namin ang tinatawag na Paglilimbag. Kung saan ang lahat ng mga journalists ng bawat school ay magtitipon-tipon, sama-sama ang mga photo journalists, news writers, editorial writers, feature writers, broadcasters, at iba pa.

Magtatagisan ang bawat kalahok sa galing sa pagsulat, pagkuha ng litrato, o sa paghatid ng balita, pagkatapos kung sino ang magwawagi ay siyang sasanayin at ipapadala sa Regional conference.

At katulad ng ibang journalist, big deal talaga sa akin ang masama sa Regional. Last year, nasama ako sa Regional pero hindi ako pinalad na masama sa National conference kaya naman gagawin ko talaga ang lahat para masali ulit sa Regional ngayon.

Kanina nagkausap lang kami ni Chan sa messenger sandali kasi agad din siyang nag-paalam. Nagsimula na pala kasi ang training niya UGY. I'm so happy for him pero aaminin ko miss ko na talaga siya at talagang nakakapanibago na wala siya dito.

Nilakad ko ang kahabaan ng hallway, at papadilim na kaya medyo hirap na ang mga mata ko. I have poor eyesight kasi. Hindi na corrective ang eye grades ko, so I don't have a choice kun'di magsuot ng contacts or mag-glasses.

Wala ng masyadong estudyante sa hallway, kaya naman ang tahimik na talaga ng paligid.

Hindi pa man din ako nakakalabas ng department namin ng bumuhos ang ulan. Mabilis kong binuksan ang bag ko... and so nice, wala nga pala akong dalang payong.

Kinuha ko yung cellphone ko para i-text si Kesha at si Bobby. May night class kasi silang dalawa, so pwede akong magpadaan dito in case hindi pa start ng klase nila.

I've waited for Kesha's or Bobby's reply pero wala so I decided na tawagan na lang si Bobby.

"Yow, dude." Sagot naman ni Bobby sa kabilang linya.

"Bobby, may klase na ba kayo? Favor naman oh, baka pwede mo akong daanan dito sa Dept namin? Wala kasi akong payong, ang lakas ng ulan." Sunod-sunod kong sabi kay Bobby. Pero ilang segundo na ang lumipas walang nasabi si Bobby.

"Bobbyah?" Pagtatawag ko sa kaniya.

Pero laking gulat ko ng may marinig akong ibang nagsalita sa linya ni Bobby.

"No phones! If you will not listen on my class, then just leave this room!" Napapikit ako sa lakas ng boses ng isang matandang babae. Gosh, may klase na pala si Bobby!

Magsasalita pa lang sana ulit ako ng biglang na-end na ang call. Hala! Baka mapalabas pa ng klase si Bobby niyan! Uggh! Dapat 'di na lang sinagot ni Bobby ang tawag ko eh.

From: Kesha

Sissy, mag-start na klase namin. Paano ba ya'n?

Pag-basa ko sa reply ni Kesha, ni-replyan ko lang siya at pagkatapos wala na akong ibang nagawa kun'di maghintay na lamang na huminto ang ulan.

Minutes has passed, mas lalo lang lumakas ang ulan. Napatingin ako sa suot kong relo, at halos 30 minutes na rin pala akong naghihintay.

"Ottoke..." Sambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas. Ang lakas pa rin ng ulan. Kung wala lang mababasa na mahahalagang gamit sa loob ng bag ko, kanina pa ako lumabas kahit may ulan basta makauwi lang.

Kailangan ko na kasing makauwi, magpe-prapare pa rin kasi ako para bukas. Hays.

Sinahod ko ang kamay ko sa tubig ulan na bumabagsak galing sa bubong ng hallway at laking gulat ng may kung sino sa gilid ko na nagsahod din ng tubig ulan.

"Aigoo." Sabi pa niya, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

He's wearing an eye glasses, tapos may cute siyang band aid sa mukha, at he's wearing typical korean men's clothes.

Nakunot agad ang noo ko ng makilala ko kung sino siya. Siya yung isa sa korean exchange students na nakita namin kanina sa OJ's. Yung kasama nung koreanong gwapong-gwapo sa sarili, na kung makangiti litaw ang buong gilagid. Duh! Naalala ko na naman yo'n!

Napansin yata niya na nakatingin ako sa kaniya, kaya natingin siya bigla sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang ulit ako sa labas.

"Neo sayonghago sip-eo?" Sambit niya, at napatingin pa ako sa likod ko para masiguro kung ako ba yung kinakausap niya.

"Ha-huh?" Naguguluhan kong sabi. Hindi dahil sa hindi ko naintindihan yung sinabi niya kun'di hindi ko alam kung ano ba ibig sabihin niya sa sinabi niya.

Sabi niya kasi, gusto ko daw ba gamitin? Ang ano?

Napakamot siya sa ulo, at may kinuha sa backpack niya. Pagkatapos pinakita niya sa akin ang isang kulay dilaw na payong.

"Neo sayonghago sip-eo?" Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina, at mabilis naman ako nag-iling ng ulo sa kaniya.

"Ah no-no. It's okay." Sambit ko pagkatapos ngumiti ako.

Nakita ko naman ang mabilis niyang pag-iling at inilagay na lamang niya agad sa kamay ko yung payong niya.

"Ah-you don't have to-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng tinalikuran niya na ako at naglakad na siya palabas ng hallway.

"Hey! Wait" sigaw ko pa, pero hindi na niya ako nilingon. Nakita ko pa tumakbo na lang siya pagkalabas niya na hallway.

Napatingin ako sa payong na hawak ko, grabe ang bait naman no'n! Hindi naman niya ako kilala tapos binigay niya sa akin 'to. Hindi naman niya kailangang ibigay sakin 'to eh, kasi at the first place hindi naman niya nga ako kilala. Siya pa tuloy ang nabasa sa ulan.

Ang bait talaga no'n! Napatingin ulit ako sa hawak kong payong, at napansin kong may naka-sulat sa strap nito.

"Hanbin" Pagbasa ko sa nakasulat dito.

"Hanbin" pag-uulit ko. Hanbin? Pangalan niya kaya yo'n?

-

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon