#1

22 3 0
                                    

"Are you ready?" Tinignan ko si laxus at nginitian ito ng tipid. Alam ko kung ano
ang ibig sabihin nang kanyang tanong, Nahihimigan ko ang pag aalala sa tinig niya. Alam ko na nag-aala siya sa desiyon na ginawa ko, ngunit wala akong magagawa. Ito lang ang paraan upang makamit ko ang hustisya para sa kakambal ko.

Hindi ko inakala na sa isang iglap magbabago ang tahimik kung buhay.

Isang umaga habang masaya akong nakatanaw sa karagatan, Isang tawag ang nag pagunaw ng mundo ko. "Wala na si Elliana, Pinatay ang kakambal mo Ellis." Halos madurog ang puso ko dahil sa balitang iyon. Hindi nila ako hinayaan na makita ang aking kakambal dahil sa aking kaligtasan. Ayon sa imbestigasyon na ginawa sa loob ng eskwelahan natagpuang walang buhay si Elliana. Ayon sa kanila nakita nilang may hawak na baril ito, At sa kanilang palagay nag suicide ito. Iilan lang ang nakakaalam ng bagay na ito dahil ninais ng aming lolo na itago ito sa publiko.

Ngunit hindi ako kumbinsido sa kanilang imbestigasyon. Napag alaman ko na hindi maganda ang pakikitungo ng mga kamag-aral ni Elliana sakanya. Kaya napag desisyonan ko na buhayin si Elliana sa katauhan ko. Iilan lang ang mga taong nakaka-alam na may kakambal si Elliana. Ang mga taong pinagkakatiwalaan lamang niya ang nakalalam sa presensya ko. Katulad ni laxus, Siya ang bestfriend ni Elliana.


"Gusto mo bang dumalaw muna kay Elliana bago siya dalhin bukas sa Museo ng mga Buenavista?" Napatigil ako sa
Pag-iisip dahil sa tanong ni Laxus, Naagaw nito ang atensyon ko. Tinitigan ko siya ng matagal bago ako tumango, Iniisip ko na napaka swerte pala ni Elliana dahil kahit kailan hindi nawala sa tabi niya si Laxus.

"Ladies and gentlemen, welcome to ninoy international airport, local time is 11:45am and the temperature is 30 degrees mabuhay." Ito na ang sandaling pinakahihintay ko, ilang minuto lang lumabas na kami ng erolpano.

Nang makuha ni laxus ang lahat ng bagahe namin at lumabas na kami, Sikat ng araw ang sumalubong sa akin pati nadin ang mga taong naghihintay sa kanilang mahal sa buhay. Panigurado na masaya sila dahil makakapiling na nila ang kanilang pamilya na matagal na nawalay sa kanila.

"Ellis, tara na nandito na ang sasakyan." Agad akong sumakay sa sasakyan at hinintay si Laxus na pumasok dahil ipinapasok niya pa ang mga bagahe ko.Nang makapasok si laxus sa sasakyan agad na nitong inutusan ang driver na mag tungo sa Museo ng mga Buenavista.

"Ito ang files ng mga taong mahalaga kay Elliana at ang mga taong nakapaligid sakanya sa loob at labas ng Buenavista University." Sabay abot nito sa akin ng envelop kaya naman isa-isa kung tinignan ang mga ito. Mga litrato at impormasyon  ang nakalagay  dito.

"Sigurado ka na ba Ellis sa gagawin mo?" Mababakas sa boses ni Laxus ang labis na pag-aalala para sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang pinisil ito. Malaki ang utang na loob ko kay Laxus para siyang nakaka-tandang kapatid samin ni Elliana.

"Kung ito lang ang paraan para mabigyan ko ng hustisya ang pag kawala ni Elliana gagawin ko." Sagot ko sakanya at tipid itong nginitian, Alam ko na ayaw niya sa plano ko pero heto padin siya at nasa tabi ko para suportahan ako.

"Sierra Fortalejo"

Masama ang tingin na ipinukol ko sa larawang ito. Ayon sa imbestigasyon na pinagawa ko siya ang babaeng tanging malaki ang galit kay Elliana. Ngunit walang ebidensya na may kinalaman siya sa pag kamatay nito.


"Samantha Fortalejo" Gabriella's bestfriend.

Bestfriend? yun nga ba ang papel mo sa buhay ng kapatid ko?  Malaman ko lang na may kinalaman kayong magkapatid sa nangyare kay Elliana doble o higit pa sa sakit ng nararamdaman ko ang ipaparanas ko sainyong dalawa.

The OutsiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon