#3

5 2 0
                                        

Ellis P. O. V

Pagkatapos ng tatlong magkakasunod na subject, lunch break na. Sinabihan ko si Samantha na mauna sa Canteen at bilhin ang palagi kong kinakain dahil mag ccr ako. Pero katunayan tatawagan ko si Laxus.

Agad akong nagtungo sa Rooftop nitong B.U dahil iilan lang naman naman ang nakakaakayat sa lugar na iyon.Sinigurado kong walang nakasunod o tao sa paligid ko bago ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si laxus.

"Hello Ellis? napatawag ka may problema ba?"

"Wala naman sana kung lahat ng kailangan kong malaman nakuha mo."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"May nakalusot sayo laxus, kailangan kong malaman kung sino si Kieffer Villarama"

"Kieffer Villarama?"

"Hindi mo siya kilala?"

"Hindi, wala siya sa listahan ng mga studyante ng B.U"

"Paano nangyare yun? Ganong kilala niya ang kapatid ko."

"Sige aalamin ko kung sino ang Kieffer Villarama nayan."

Pagkatapos naming magusap nag paalam na ko sakanya. Iba ang kutob ko sa Kieffer na iyon may kakaiba sa lalaking iyon.

Nagtungo agad ako sa Canteen, madali ko lang naman nakita si Samantha dahil sa bungad lang ito naka pwesto agad akong kinawayan nito kaya naman nagtungo ako sa pwesto niya.  Pero bago pa ko makarating hinarang agad ako ni Sierra.

"Bakit bumalik ka pa dito?"  Galit na sabi niya sa akin, ang laki ng problema ng babaeng ito. Kaya malakas ang kutob ko na may alam talaga ito sa pag kamatay ni Elliana.

"Anong pakialam mo?" Seryosong sagot ko naman sakanya. At tinitigan siya sa mata.

"Tahimik na ang  B.U mula ng umalis ka at dahil ngayong nandito ka nanaman hindi na tatahimik etong C.U" Seryosong sagot niya sakin hindi ko siya maintindihan pero naagaw nito ang atensyon ko. Anong gulo ba ang napasukan ng kakambal ko? Hindi ko maintindihan ang mga bagay na sinasabi niya.


"Sana nanahimik ka nalang sa pinagtataguan mo, ginugulo mo lang ang sitwasyon!" Patuloy padin ito sa pagsasalita.

Akmang lalagpasan ko siya pero sadyang matigas ang muka niya at hinawakan pa ako sa braso.

"Umalis kana habang hindi pa sila kumikilos, Umalis kana para sa ikakatahimik ng B.U" Hindi ko alam ku g ano at sino ang tinutukoy niya. Ayokong mag salita dahil baka makahalata siya na hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.

"Wag mo ko pangunahan sa mga desisyon ko." Sagot ko nalamang sa kanya at malakas na binawi ang braso ko.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglapit kay samantha kitang kita ang pag-aalala sa muka niya.

"Ok ka lang ba Yana? Pasensya kana kay Ate Sierra ah." Nag aalalang tanong nito sa akin. Ramdam ko ang lungkot niya.

"Hayaan muna ang ate mo wag muna siyang pansinin." Nakangiti kong sagot sa kanya at nagsimula na kaming kumain.

Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa nagulat ako sa taong yumakap sa akin.

"Yanaaaa, akala ko iniwanan muna kami." Sabi ng lalaking yumakap sa akin, kung hindi ako nagkakamali ito si Rafael isa sa mga kaibigan at kasama sa student council ni Elliana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OutsiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon