Ellis P. O. V
"Sigurado ka na ba? "- Tanong muli sa akin ni laxus habang tinatahak namin ang daan patungo sa B.U. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ako tinanong ng ganyan.
Ngayon ang araw na makikilala nila ako bilang si Elliana Buenavista,Mula sa araw na ito kailangan kong kalimutan na ako si Ellis. Kailangan kong isantabi ang personal kong buhay para magampanan ko ng maigi ang pagiging Elliana.
"Nandito na ko wala na tong atrasan." Sagot ko sakanya at nanatiling nakatingin lamang sa unahan, halo-halo ang nararamdaman ko pero nangingibabaw ang galit at pagasam ko ng hustisya.
"Alam mo naman ang kilos ng iyong kakambal mag-iingat ka sa mga salita at kilos na ipapakita mo, Ilang taon nilang nakasama si Elliana at sa malamang kuha na nila ang ugali nito."- Paalala pa ni Laxus sa akin naiintindihan ko ang gusto niyang iparating na kailangan ko doblehin ang pag-iingat ko, hindi ko kilala ang mga tao doon mas lalong hindi ko kilala ang mga kalaban ko.
Hindi nag tagal nasa bukana na kami ng University, madali lang kami pinapasok dahil nadin sa kilala Si Elliana sa eskwelahan na to. Nang makarating na hinanda ko na ang aking sarili sa pag baba, pero nagulat ako ng hawakan ni Laxus ang braso ko paharap sakanya. Nakatitig lamang siya mga mata ko, ang tagal sobrang tagal ng mga titig na iyon.
Tinignan ko siya ng nagtataka. "Mag iingat ka Ellis." Nginitian ko lang siya at tuluyan na kong bumaba. Alam ko na labis-labis ang pag-aalala niya sa akin. Dahil hindi niya ako makakasama, hindi kasi nag aaral si Laxus dito.
Pumunta muna ako sa Principal office dahil ang alam nila ay nag karoon lang ng malubhang sakit ang kakambal ko. Hindi ko na kailangan mag tanong kung saan ang office dahil palihim na kinuha ni Laxus ang copy ng blue print ng B. U para mapag aralan ko.
"Maligaya ako sa iyong pagbabalik Elliana."- Bati sa akin ng Principal nilang babae na si Mrs. De Castro. Tango lamang ang sinagot ko sakanya.
Madami pa siyang bagay ba ipinaliwanag sa akin na agad ko naman sinangayunan, ang kakambal ko kasi ang president ng student counsil dito kaya naman kilalang-kilala siya.
Ilang sandali palang nag tungo na ko sa unang klase ko. Halos lahat ng nadadaanan ko nakatingin sa akin. Gulat at pag kalito at takot ang makikita mo sakanilang mga mata. Ganyan nga matakot kayo.
Pinatili ko lamang ang pagiging kalmado ko, di kalayuan mula sa akin natanaw ko ang mga nagkukumpulan na studyante napansin kong parang kilala ko ang isa sakanila, kung hindi ako nag kakamali Si Sierra Fortaleji ang isa sa mga nagkukumpulan. Kapag sinuswerte ka nga naman hindi muna kailangan pa hanapin ang daga eto na mismo ang lalabas sa lungga.
Malapit na ko sa kinauupuan niya kitang kita ko kung paano nabaling ang tingin niya sa akin. Kung paano ang mga singkit niyang mga mata ay lumaki sa sobrang gulat na tila nakakita siya ng multo.
"Magandang umaga sainyo, malapit na ang simula ng klase bat nandito pa kayo? Hindi ba dapat nasa loob na kayo ng inyong silid?" Seryosong tanong ko sakanila, kitang kita ko ang mga gulat at takot sa muka nila. Sabay-sabay silang natahimik at ni isa sakanila walang nag salita. Nang mabaling ang tingin ko kay Sierra agad ko itong nginitian ng nakakaloko.
"Yana?"- Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Samantha Fortalejo eto ang bestfriend ni Elliana tinignan ko lamang siya para siyang naiiyak na hindi mo maintindihan. Siya lang ang kakaibang reaksyon. Makikita sa mga mata niya ang labis na kasiyahan.
"Samantha, ano pang ginagawa mo dito halika kana pumasok na tayo. " Sabi ko at nauna ng maglakad papalayo sakanila. Alam kong hindi sila magtataka sa kinikilos ko, kilala ang kapatid ko sa pagiging seryoso nito.
Hindi nag tagal nasa harap na ako ng pinto ng classroom, rinig na rinig ko ang tawanan, tuksuhan ang ingay nila kaya naman ng buksan ko ang pinto halos lahat sila napatingin sa direksyon ko. Katulad ng ibang nakasalubong ko gulat at pagtataka ang makikita mo sa mga muka nila.
Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa upuan ko. Bigla silang natahimik ni hindi ko sila nilingon. Hindi nag tagal muling bumukas ang pinto pumasok sa loob si Sierra kasunod niya ang mga alipores niya.
"So nandito kana pala Elliana, nice to see you again, Alam mo bang AKO ang namamahala sa student council habang WALA KA at nagbabakasyon kung saan."
"Natural na gawin mo yun dahil trabaho mo yun bilang vice president ng student council, and for your information hindi ako nag bakasyon, Alam mo naman kung saan ako galing diba?" Tumayo ako upang makita ng malapitan ang reaksyon niya at nginisihan ko siya, kitang kita ang pagkabalisa niya. Naagaw nang bagong dating na lalaki ang atensyon namin dahil sa gitna namin ito dadaan, mukang bago ang isang to dahil hindi ko siya kilala ngayon ko lang nakita ang taong ito.
"Pwede bang tumabi kayo sa dinaraanan ko!"- Sabi nito ng naka kunot ang noo at sa malamig na tono. Tinaasan ko lamang siya ng kilay kaya naman mas lalong kumunot ang noo nito.
"Bingi kaba Elliana? Ang sabi ko tumabi ka sa dinadaanan ko." Ulit pa nito sa akin pero nanatali parin ako sa kinakatayuan ko hindi ko kilala ang isang ito, paano nakalusot kay Laxus ang isang ito?
"Hindi mo ba ko naririnig?"- Galit at madiin nitong sinabi akmang hahawakan niya ko ng tabigin ko ang kamay niya, agad namang namula ang mga kamay nito kasabay ang malakas na pag singhap ng mga tao sa paligid namin.
"Hindi mo ko kailangan hawakan, at isa pa hindi ko kailangan tumabi. Ikaw tong bida-bidang dumadaan sa gitna ng naguusap sa tingin mo sino sa ating dalawa ang dapat mag adjust?"- Seryosong tanong ko kitang-kita ko kung paano tumalim ang mga mata niya sa akin. May kakaiba sa lalaking ito may dala siyang kilabot sa akin pero hindi takot.
"May problema ba tayo dito kieffer?"- Tanong ng lalaki biglang sumulpot galing kung saan.
"Mukang si Elliana ang may problema Nico."- Sagot ng lalaking kieffer ang pangalan, at nag tuloy sa pag daan sa gitna talagang binanga niya ang mga balikat ko sabay upo sa upuan niya tatlong upuan mula sa akin. Binigyan ko siya ng matatalim na tingin.
"Nakabalik kana pala gabriella."- Sabi ng lalaking Nico ang pangalan kaya naman tango lang ang sinagot ko sakanya.
"Anong kaguluhan ito? Bakit lahat kayo nakatayo?" Sabi ng professor namin na bagong dating. Napatingin siya sa akin at halatang gulat na gulat siya.
"El-Elliana, nakabalik kana pala. Natutuwa ako saiyong pagbabalik." Mababakas sa boses niya na hindi siya natutuwa na makita ako ulit. Tango nalamang ang sinagot ko sakanya. Plastik
Nag simula nadin na bumalik sila sa kanya-kanyang upuan. Pero bago umalis si sierra masamang tingin ang binigay niya saakin. Umupo nadin ako kasabay din ng pag upo ko ang pag upo ni samantha. Nakatingin lang ito sa akin, base sa information ni laxus si samantha ang pinaka close ng kapatid ko.
"Titignan mo nalang ba ako? Hindi mo ko yayakapin?" Nakangiting tanong ko sakanya kaya naman ngumiti ito na parang naiiyak kasabay non ang pagyakap niya saakin.
"Akala ko galit ka sakin, akala ko hindi mo ko papansinin." Umiiyak na sabi nito.
"Shhh wag kana umiyak mamaya natin pag usapan yan ok?" Sagot ko sakanya kaya naman kumalma ito.
Nagsimula na ang klase at hindi padin mawala sa isipan ko ang Kieffer na yun kaya naman nilingon ko siya nahuling kong nakatingin ito sa akin. Pero blanko ang mga mata niya hindi ko mabasa kung ano naiisip niya.
Paano nakalusot kay Laxus ang isang ito? Sino ba ang lalaking ito, Kailangan kong nakausap si laxus.
BINABASA MO ANG
The Outsider
Mystery / ThrillerIsang balita ang yumanig sa tahimik na buhay ni Ellis "Patay na si Elliana,patay na ang kakambal mo." Ang pag patay kay Elliana ang babago sa buong pagkatao ni Ellis, kinakailangan niyang mabuhay sa katauhan ng kanyang kakambal upang malaman kung...