Chapter 25
Ellie
"Natitimpi lang naman ako kanina e. Can't you see, kung paano titigan nang harapan ni Ridge si Ellie, kahit nasa tabi niya si Iris? If I were Wes, I would do the same!" Rica rant inside the car. Mark was on the driver seat, hindi man nagsasalita ng laban kay Ridge ay ramdam ko pa rin ang pagsang-ayon niya sa girlfriend.
Nakatitig ako sa labas ng bintana. Damang-dama ko pa rin dito sa dibdib ko ang kaba at takot. Kasalanan ko rin. Ridge and I has a secret. I feel so sorry for hurting Iris. For ditching her. For everything my friends has done. Ginawa lang nila ang hindi ko kayang gawin. Ang umalis sa kanya.
Rica continued her rant, at nang nilingon niya ako ay napatingin agad ako sa kanya.
"'Wag ka nang bumalik sa kanya, Ellie. He's a trouble. Akala ko pa naman nag-mature na siya. Ang kapal ng mukha." Galit niyang sabi kay Ridge.
Hindi ako nakapagsalita. May kirot sa puso ko na ayaw kong pagtuunan ng pansin. Naramdaman ko ang pagba-vibrate ng cellphone sa loob ng bag ko. I unzipped it and yanked out my phone, Ridge is calling. Hindi ko iyon sinagot at pinanood ko lang screen ng phone. Nang huminto ay nakita ko ang maraming text messages, binuksan ko at nakita ang lahat ng message niya.
Ridge: Answer your phone please
Nanginginig ang kamay ko nang ini-swipe ko pa pataas ang mga mensahe niya.
Ridge: Tell me where you are
Ridge: Come back to me
Ridge: Ellie come back to me
Ridge: Umuwi na tayo please
Hindi ko na nagawang basahin pa ang nasa taas nang makita ko ulit ang pangalan niya. He's calling me again. Kaya agad kong tinago, binalik sa loob ng bag ang cellphone.
Nang makarating kami sa bahay ni Rica ay agad kong sinilip si Shane sa kanyang kwarto. I kissed him on his forehead and featherly comb his shiny brown hair. He'll be happy to see me here tomorrow, the only thing that excites me today.
At dahil hindi pa rin ako makakatulog nito ay bumaba na ako ulit. Nasa sala pa sina Mark at Rica na tila may pinag-uusapang mahalaga. Kabababa pa lang ni Mark ng kanyang cellphone sa lamesita. Tiningala ako ni Rica, I slightly gasped when I met her eyes. Somethings strange.
"He's not over you, Ellie." Rica started.
Umupo ako sa isahang sofa. Her eyes were scrutinizing me. Si Mark naman ay kalmado at tahimik lamang.
I sighed, "He's angry." Halos pabulong kong sabi.
Mabigat siyang bumuntong hininga. "Angry because he's not over you. Hindi ba ang sabi mo sa akin ay binili ka niya sa Club, and yet may relasyon din pala sila ni Iris hanggang ngayon." Napapikit siya sa inis, "Sana maaga kong nalaman para napayuhan din kita. Ano bang trabaho mo sa kanya? Nakatira ka ba sa bahay niya? Kasi kung hatakin ka niya pauwi parang sa iisang bahay lang kayo nakatira e,"
Natahimik ako. Sa ganoon pa lang ay alam na niya ang sagot ko. Napasandal sa likuran si Mark at humigop ng kape.
"I knew it!"
"Hindi gano'n, Rica," tanggi ko. Maybe that was not the right term.
"Ridge is Ridge. Hindi 'yon magsasayang ng milyones niya para lang sa wala, and he's a danger. If he still wants you, dapat matagal na siyang nakipaghiwalay kay Iris, pero hindi niya ginawa. Baka mamaya niyan, gusto ka lang ding saktan no'n dahil sa nangyari sa inyo noon. And worst, paano kung malaman niya ang tungkol sa anak ninyo? Ano, magiging anak sa labas ang inaanak ko? He's crazy." Nanggagaliiti niyang sabi.

BINABASA MO ANG
First Heartbreak
Ficção GeralKailanman ay hindi inisip ni Ellie ang magseryoso sa pag-ibig. Binibitawan niya lamang iyon pagkatapos ng pintong araw. But when she met Ridge Castillano, ang kanyang tutor-nayanig ang batas niya. Ngunit bakit kung kailan natagpuan na niya ang pag-i...