Chapter 27
Ellie
Lumayo ako pintuan sa sobrang kaba at umupo sa gilid ng kama. My chest was panting too hard that it made me not to breathe properly.
Naghintay ako. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na naghihintay at nakatitig sa pintuan. Pupunta ba siya rito? Pero wala na akong kaluskos na naririnig pa. I locked our room, it'll be safe here. Niyakap ko nang mahigpit ang aking anak na para bang kukuhain niya sa akin. Pero hindi humihinahon ang dagundong sa dibdib ko. I closed my eyes again..
Naalimpungatan ako, at napatingin sa labas ng binatan, kulay asul na ang langit, tulog pa si Shane na nababalutan ng kumot. Umupo ako , agad ko ring nilingon ang pinto. Nandoon pa kaya siya? Nananaginip lang ba ako? I closed my eyes again. Hindi ko kayang lumabas at kumpirmahin. I looked for my phone and I composed a message to Rica.
Ako: Nandito si Ridge.
I sent it and put down my phone again. Naglakad-lakad ako sa loob ng kwarto namin. I fixed things and collected our clothes. Kailangan na naming umalis dito. Pero saan naman kami pupunta? Damn, shit!
Kung nasa labas pa siya, makikita niya kami. Great!
I was so devastated, hurt, scared, annoyed—all at the same time. I gasped and tap my tummy. Hindi ako makapag-isip ng tama. At isa pa..tangna nakakaramdam na ako ng gutom. Let's just wait, baby. Let's wait, please. I'm so doomed.
Wala pang isang oras ay gumalaw na rin si Shane at tuluyan nang minulat ang mga mata. I bit my lip. Hindi kami tatagal sa pagtatago rito sa loob ng kwarto. My son will need to use the toilet, to eat food. He will get confused in the end.
"Mommy.." ang minamalat niyang boses ang pumukaw sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama at marahan na sinuklay ang kanyang buhok.
"Good morning, Shane." I genuinely smiled at him.
"Good morning po, Mommy." he gave me a kiss on my cheek and a warm hug. "Gutom na po ako," ungot niya sa akin.
Natigilan ako. Hilaw akong napangiti sa kanya, "Hmm..pwede mo bang tulungan muna si Mommy sa paglilinis dito sa kwarto? Kasi..kailangan ko ng tulong mo, anak."
Tumaas ang mga kilay niya, and he innocently scanned our room. His lips pouted. Ramdam ko nang na-divert ang kanyang atensyon, for the meantime.
"Yes, Mommy!" then he immediately rose from the bed, pinapanood ko lamang siya.
Inuna niyang ayusin ang mga unan namin, ang kumot at saka pumunta sa lamesita kung saan nakapatong ang mga bag namin. At dahil nakapag-ayos na ako kanina, wala na namang aayusin dito. That's why he look at me with confusion etched on his cute face.
"Mommy malinis na ah." He firmly said at me.
Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ako kaagad na nakasagot sa kanya. It won't work, Ellie. Tumayo na ako at lumapit sa kanya, baon ang mga naghihinang mga salita. Lumuhod ako sa kanyang harapan at inayos ang kwelyo ng kanyang pang-itaas. "I love you so much. Ipaghahanda na kita ng almusal, anak. Anong gusto mo?" naiiyak kong ngiti sa kanya.
Mapalad siyang ngumiti. He's excited, "Kahit ano po, Mommy."
I nodded, "Kung..hotcakes?"
Namilog ang kanyang mga mata, nakangiti pa rin sa akin, "Gusto ko po 'yun!"
"Okay." Tumayo ako, "Pero, pwede bang dito mo na lang hintayin si Mommy? 'Wag ka nang lumabas? Hmm?"
"Dito lang po ako?"
"Mmm. Dadalhin ko rito ang breakfast mo, Shane. O-okay lang ba?" my calmed voice shook.
Sandali niya akong tinitigan. Hindi siya nagsalita nang lumapit sa gilid ng kama at tahimik na umupo roon. His feet didn't touch the floor.
BINABASA MO ANG
First Heartbreak
Fiksi UmumKailanman ay hindi inisip ni Ellie ang magseryoso sa pag-ibig. Binibitawan niya lamang iyon pagkatapos ng pintong araw. But when she met Ridge Castillano, ang kanyang tutor-nayanig ang batas niya. Ngunit bakit kung kailan natagpuan na niya ang pag-i...