Chapter 2
Ellie
Tinaas ko ang aking paa sa upuan at kinamot ang tuhod. Katatapos ko pa lamang gawin ang mga assignment kong na-miss yatang ipagawa sa amin ng mga teacher. Nakabukas ang desktop, napapanguso ako sa mga bagong posts sa newsfeed ko. Mayroong mga bagong biling bag, cellphone, pati mga gamit nila sa eskwela. I checked my friend request lists, nadagdagan pa iyon no'ng huling kita ko. Hindi ko naman magawang i-accept lahat dahil puro hindi ko kilala. Karamihan ay mukhang mga estudyante rin.
No'ng una naeenjoy ko pa ang pag-aaccept nito, kaya lang no'ng dumami na sila, nagkagulo na newsfeed ko at panay pa ang posts sa timeline ko. Rica said I should check first my friends list and kick-out those who doesn't matter. Whew!
Ilang sandali lamang ay biglang sinakop ng screen ang video call ni mama! "Ma!" I said cheerfully. Na-excite ako dahil matagal-tagal din iyong pag-uusap namin ng Mama ko.
She mildly smiled at me. Humaba ang nguso ko at nagkunwaring nagtatampo, "Ellie, kamusta na kayo d'yan?"
"Bakit ngayon lang po kayo tumawag ulit?"
Bahagyang lumapad ang ngiti niya kahit na nababanaag ng pagod ang kanyang mukha. "Maraming trabaho ang mama dito. Bumisita pa at nag-stay dito ang ilang kamag-anak ng amo ko, kaya kung minsan banyo lang ang pahinga namin.." Sabi niya, lumingon pa siya sa kanyang likuran na tila may pumasok sa silid na kinaroroonan niya.
"Ganu'n? E, Ma..luma na 'tong desktop..may nakita akong laptop na binebenta sa mall!" Hirit ko. Ilang beses ko na kaya iyong inihirit sa kanya, kaya lang palaging bokya! Baka daw kasi mag-gadget na lang ako palagi. Iyong cellphone ko, lumang model lang.
Bumuntong hiningi siya sa'kin. "Sabi ng Tita mo, nagbabarkada ka daw?"
Nalukot ang mukha ko, "Sina Rica? Matagal ko nang mga kaibigan 'yon ma! Saka, kilala mo na sila."
"May mga lalaki?"
"O-Opo.."
"May boyfriend ka daw?"
Nagkunwari akong ngumiwi, "Wala po ah! Kahit tanungin n'yo pa sina Rica.." Tanggi ko. At kahit nagkaroon man ako, hindi ko rin ramdam. "Sige na ma, bilhan mo na ako ng laptop. Promise, iiwas ako sa mga lalaki!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa, sa ngalan ng laptop.
"Kapag ikaw ang highest sa exams nyo, ibibili kita."
Namilog ang mga mata ko ngunit tila nanlumo ako sa gusto niyang gawin kong kapalit. "Highest talaga? Ma naman, halos animnapu kami sa klase!" Baka madagdagan pa iyon paglipas ng ilang araw. Ang init na nga sa classroom, may mga late enrollees pa.
"Basta. Mag-aral kang mabuti kung gusto mo ng laptop, ipapaalam ko rin 'yan sa Tita mo para alam ko kung nagsasabi ka ng totoo."
Halos damdamin ko ang gustong ipagawa sa'kin ng mama para lang sa laptop. Manguna sa exams? Lahat ng subject? Tokwa oh! Iyong sa madaling subject pwede pa, tulad ng araling panlipunan at home economics..pero iyong iba lalo na 'yung geometry at chemistry? Ano 'yon, parusa?
Parang hindi ako mahal ng mama ko ah!
***
Nakanguso akong naglalakad papasok sa eskwela. Dalawang araw ko nang pinag-iisipan ang kondisyon ni mama, pinag-isipan ko talaga iyon dahil ang hirap kaya. Pakiramdam ko buwis-buhay iyong gusto ni Mama.
Ilang hakbang papasok sa gate ay naagaw ng pansin ko ang lalaking nagtitinda ng mga bracelet at hikaw. Parang nang-aakit at hinatak ako ng mga paa ko at tinawid ang bangketa, kulang na lang yata ay magningning ang mga mata ko habang nakatitig doon.
BINABASA MO ANG
First Heartbreak
General FictionKailanman ay hindi inisip ni Ellie ang magseryoso sa pag-ibig. Binibitawan niya lamang iyon pagkatapos ng pintong araw. But when she met Ridge Castillano, ang kanyang tutor-nayanig ang batas niya. Ngunit bakit kung kailan natagpuan na niya ang pag-i...