Chapter 30

89.5K 2.5K 510
                                    

Chapter 30

Ellie

Hindi niya sinagot ang tawag. Tita Cons said that maybe he was too busy to answer his freaking phone.

Kaya sa maghapon ay inalu ko ang anak ko. Nilabas ko na rin siya para malibang. Sinama sa OBGyne at kumain kami sa labas, pero pag-uwi ay hinahanap pa rin ang Daddy niya. I tried to call him, he didn't answer. So, I texted him.

Ako: Hindi ka ba pwedeng makausap ngayon? Hinahanap ka ni Shane. Umiiyak na kakahanap sa 'yo.

I sighed. Hindi pa man din nagsasama ang dalawa ng isang araw ay sobra na kung ma-miss ng anak ko si Ridge. Napalingon ako kay Mama Lian nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. She gave me a motherly smile.

"Nag-reply na ba?" banayad niyang tanong sa akin.

Tiningnan ko ang cellphone, still, wala pa ring sagot. Umiling ako. "Hindi pa po." Mahina kong sagot. I glanced at my son, na ngayon ay nakayukyok ang ulo sa lamesa. Nagmumukmok.

Hinaplos ni Mama Lian ang kamay ko. "'Wag kang mag-alala. Kilala ko ang anak ko at siguradong ilang minuto lang ay tatawag na iyon sa inyo. Ikaw pa, e isang sabi mo lang ay magkukumahog pa iyon sa 'yo."

It warms me. But I guess, somehow, that was true.

Tumunog ang cellphone ni Mama Lian. Her face lifted up nang makita ang pangalan sa screen na tumatawag. Tinuro niya sa akin.

"It's Ridge." masaya niyang sabi. Sinagot niya ang tawag nito.

Pinaghalong saya, excitement at lungkot ang naramdaman ko. Pinanood ko na lamang si Mama Lian. Bakit hindi siya sa akin tumawag? Sinilip ko ulit ang phone, nakabukas naman iyon at marami pang charge. Bakit hindi sa akin?

Nagbago ang reaksyon sa mukha ni Mama Lian. Ang akala ko ay iaabot sa akin ang phone, pero tinuro niya si Shane at nag-sign na lalapitan. Nilagay niya sa tainga ni Shane ang cellphone. Natigilan si Shane.

Ilang sandali pa ay lumabi siya. Naningkit ang mga mata at pumalahaw na ng iyak. Hinawakan niya ang cellphone. Hindi pa rin makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak. Lumapit ako at nilapag ang sariling cellphone sa lamesa. I sat beside him caressing his back.

"D-daddy.." tawag niya sa ama sa linya. He was wiping his own tears but can't stop crying.

Parang pinipiga ang puso ko sa eksenang iyon. Hinawakan ko ang kanyang maliit na mukha at pinunasan ang kanyang luha. Nakikinig siya sa kung anong sinasabi sa kanya ni Ridge sa linya.

"Umalis ka po b-ba ulit?" he was sobbing while asking.

He listened again. Pinagpawisan na siya pag-iyak. Tumayo ako para sana kumuha ng tuwalya pero hindi na ako pinaalis ni Mama Lian. Siya na ang pumasok sa kwarto at dinalhan kami ng malinis na bimpo.

I immediately wipe his sweat on his forehead, neck. I cleaned his lovely face, hanggang sa iwan ko ang bimpo sa kanyang likod.

"Iiwan mo na kami ni Mommy?" humihikbi niyang tanong ulit.

I got a speared on my chest with what he asked. Maybe, having a Father now has a big impact to him. Kaya natatak na sa kanyang isip na hindi na niya kayang mawala ang Daddy niya.

Ilang sandali pa unti-unting natigil ang kanyang pag-iyak. Ngumunguso pa rin pero hindi na humikbi pa. He was geradually nodding his head.

"Opo..opo, Daddy."

Tinitigan ko siya. Kahit sa telepono ay nagawang pakalmahin ni Ridge si Shane. At hindi ko alam kung anong sinasabi niya sa anak.

"Opo. Opo, Daddy. I promise!" he now started to smile over the phone. "I love you too, Daddy!"

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon