Prologue:
Akala ko noon tapos ,
akala ko hindi ko na siya makikita,
akala ko tahimik na ang lahat,
akala ko noon ang taong walang pinagaralan ,
walang magandang buhay na maibibigay sayo .
puro lang pala akala lahat ,
tama nga naman sila! daig ng matalino ang masipag.
daig ng may pinagaralan ang taong madiskarte sa buhay .
kung kelan tahimik na ang buhay ko,
siya namang balik ng nakaraan ko,
pilit kong kinakalimutan ang lahat !
pero bakit ganun ?
Tadhana nga ba ? o nag kataon lang .
kapalaran ba to ? o karma ?
anu ang dapat kong gawin ,
kung sa bawat galaw ko siya ang dapat masunod ?
alila ka lang ,siya hari !
siya ang dapat magdesisyon ?
siya ang laging tama !
-----------------------------------------------------
Ms.Xiannine ann T. Casen"
"yes ! ma'am"
"base on my observation, okay ka "
"tangap na po ba ako?"
"fresh graduate ka? at eto na ang unang beses na magtratrabaho ka as a secretary tama ba ? "
"opo"
"sure ka bang etong pagsesecretary ang gusto mo wala ng iba ?"
"opo, sure na sure ma'am"
"okay ! bukas na ang start ng work mo, 6:oo in the morning , be on time ! ayaw ng boss natin ang nalalate"
"naku, ma'am maraming salamat po , wag po kayong mag alala gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko! "
"talaga lang ! "
"Eh! ma'am , anu po ba itsura ng boss natin , mukha bang masungit?"
"makakaalis kana!"
"ah - eh ! sige po Thank you! na lang po sa di pagsagot"