Kainis siya aahh ! an sungit maka asta kala mo siya may ari nitong building , masama ba kung mag tanong ako .
malay ko ba kung anu itsura nun , baka mukhang bakulaw, kaya di masabi ng nakakainis na pilengera na yun .
o di kaya katabi ko na pala o kaya kaharap ko ! shet ! pano pag ganun anu sasabihin ko ? haynaku ! bahala na si batman.
basta etong araw na to masaya ako , kasi natanggap ako. medyo kinakabahan na nga ako para bukas ! anu kaya susuotin ko ?
kelangan mukhang kagagalang galang ako bukas kasi naman bukas ko imemet yung boss ko ! ..
ay oo nga pala di pa pala ako nakakapag pakilala sa inyo ako nga pala si .
Xiannine ann T. Casen, 21 years old , single . at Yes ! Fresh graduate ako .
matalino,maganda,masipag,madiskarte, pero medyo may pag kalampa ako at engot minsan.
but sabi ng nanay ko pag nadapa ka tumayo ka kaagad sabay mag pangap na walang nangyari , wag na wag ka daw iiyak.
masisira yung beauty mo! kasi daw pag umiyak ka magmumukha kang kawawa . ayoko naman maging ganun noh ! so ako palaban .
simple lang ang pangarap ko , ang makapagtrabaho at yumaman .
boyfriend naku! matagal ko ng kinalimutan yan.
nakakasawa lang yang pag-ibig na yan di naman nakakain yan .
wala na ngang lalaking matino ,lahat ngayon pati mabait manyak na !
maniwala kayo sakin . naranasan ko na nga yan di lang isa as in marami .
yung huli kong naging boyfriend iniwan ko kasi baka anakan lang ako ,
tapos anu iiwan niya ako ! o di kaya ititira sa bahay nila ! anu ipapakain niya sakin buhangin at bato?
yuck ! anu siya kapal niya dapat lang sakanya yun wala kaya siyang pinagaralan.
walang maa--,
"aray! ang inet!"
"ay! sorry miss"
"tanga ka ba? di ka marunong tumingin sa dinadaanan mo?"
"ako pa tanga ngayon, eh ! ikaw tong habang naglalakad tulala"
"di sana ng excuse ka!, barumbado. kapal ng mukha ! panu na ngayon yan basa yung damit ko amoy kape pa"
"eto , pera ! mag palaba ka , o di kaya bumili ka "
"letche! pa tanga tanga ka kasi ! kainis"
"walang pinagbago ganun pa din ugali !"
"huh ! anu yun may sinasabi ka"
"wala! sabi ko nasayang pa tong kape ko"
"bumili ka mukha ka namang mayaman eh ! padaan nga , di ko na sana makita yang pag mumukha mo! "