Aj' Pov
Biruin mo yun , ang babaeng nabunggo ko na walang modo ay alila ko pala , sorry siya kahit na maganda siya wala akong balak na kaawan siya . .
nagkamali siya ng kinalaban , nagkamali din siya ng iniwanan . . kung sana di niya ako iniwan noon di sana ngayon , kasama niya ako at di siya maghihirap na
mag apply ng trabaho dito . . OO ako lang naman ang lalaking iniwan niya 4 years ago , ako si Aj Lim short for Adrian James Lim . Ganun ba ako kahirap
kalimutan , bakit parang wala siyang naaalala . Ganun ba kadali kalimutan ang lahat ng pinag samahan namin ? bakit ako hindi pa ? bakit ako hanggang
ngayon mahal ko pa din siya ? lalo pa't nakita ko siya ulit , marami ang nag bago sa kanya lalo siyang gumanda pero ang pag uugali niya ganun pa din palaban.
Iniwan niya ako ng hindi man lang sinasabi kung anung dahilan niya , iniwan niya akong mag isa. . ganun lang ba talaga yun para sa kanya .. tatagal pa kaya
siya sa akin .. tignan lang natin papahirapan kita ..
tamang tama mga ilang minuto na ang nakalilipas at bumukas ang pinto ..
"bakit antagal mo?"
"sorry sir naligaw po kasi ako , di ko alam kung san ba kukuha nyan!"
"tignan mo di na mainit kumuha ka ulit! "
"ok sir saglit lang po ! "
Aba magalang , sinabi kong malamig na ang kape kahit hindi pa , simple lang gusto ko siyang pahirapan , gusto ko siyang makitang sumuko .
ganyan ba siya talaga .. inaasahan ko na din na matatagalan siya sa pag hahanap kasi bago lang siya .. kaso matiyaga ahh !! hahahahah .
well gudluck . ms. xiannine ann casen.
anu ba to si sir , mainit naman to ah ! anu ba gusto niya kumukulo ang hirap kaya hanapin nito .. buti na lang may na pag tanungan ako kaya bumalik
ako kaagad pag kakuha ko , nag kapaso paso na nga ako kakamadali wag lang maging ,malamig kaiinis kasi siya ..
"sir, andito na po ang kape niyo"
"ok"
"wala po ba kayong ipapagawa?"
"mhhmm .. pakidala na lang tong mga dokumento sa mga department"
"ok po"
"tas bumalik ka kaagad, may ipapagawa pa ako"
"ok po"
Ganito ba talaga to , ang hirap naman baba, taas ! baba tas taas ulit andaming papers ang hirap din mag hanap san ba kasi tong mga department na to ..
kakahanap ko , lunch break na pala di ko namalayan kasi naman sobrang dami .. pabalik na ako sa office .. ng di pa nga ako nakakaupo .. inutusan nanaman ako ..
"pakitawag nga si mrs.galvez"
"sige po "
"bilisan mo"
"opo"
anu bayan ang hirap first day pa lang pero parang bigbog na yung katawan ko kaka utos ng ugok na yun.
"sir andito po"
"ok you can go, pero balik ka ulit dito pag katapos mo kumain"
"opo"