"friend wag mo na masyadong isipin yang si mark"
"alam ko friend pero natatakot akong iwan niya"
"iwan mo na kaya"
"ayoko"
"kaysa naman lagi kang ganyan, umiiyak "
"ganito kasi friend pag nagmamahal"
"kelangan ba magpakatanga ka para lang sa pag mamahal na yan "
"kung kinakailangan, tsaka lahat naman ng tao pag nagmamahal nag papakatanga"
"hindi din'
"nasasabi mong hindi din , kasi ikaw tong nag iwan . kahit alam ko namang mahal niyo ang isa't isa. "
"friend kasi inisip ko kung anu lang ang dapat gawin"
"kahit siya ang nakauna sayo? friend"
"oo"
"buti ka pa! lakas ng loob mo ah ! "
"ganun talaga sige friend alis na ako may pasok pa ako bukas alam mo na 1st day ko bukas"
"sige gudluck friend sa work"
"sige, bye ingat kapag pinaiyak ka niya ulit punta ka sakin ah ! "
"oo hehe"
Naku talaga , gusto ko na ngang kalimutan siya eh ! tinanong pa ni max. OO siya ang naka una sakin sa sobrang pag mamahal namin sa
isa't isa siguro nagawa namin ang bagay na yun . pero kahit ganun naisip ko hindi lang basta pag mamahal , hindi ako kuntento sa buhay
kung anu ang meron siya at kung anu ang meron ako. . siguro dahil ako nag aaral ako , tas siya hindi.
ang mga magulang ko kagalang galang samantalang yun kanya hindi , naisip ko nun , walang mangyayari sa buhay ko kung balang araw siya ang mapapangasawa ko.
kaya't habang maaga pa hiniwalayan ko siya , kahit masakit kailangan naman . makakatagpo din naman ako ng iba di lang naman siya ang lalake
sa mundo . mali ba ako o naging tama ? masama bang maging advance ang utak ko at isipin ang mang yayari sa buhay ko! hindi naman diba.