*slap*
"Hindi mo ba isusuko ang anak mo? Kahit kapalit pa ito ng buhay mo?!" sigaw ng isang babae matapos itong manampal.
"Paniguradong h-hindi mo pa ako naiintindihan d-dahil hindi kapa isang i-ina." sagot ng babaeng bihag nya.
"Hangal! Isa kang malaking tanga! Hindi ko akalaing nagmula ka sa lahi ng itim na kapangyarihan! Ikinahihiya kong kadugo ko ang isang tulad mo!" pagkayari nito ay isang malakas na sampal na naman ang natanggap ng babaeng bihag.
"Baka nakakalimutan mo kung bakit ka nabubuhay ngayon, Sabel. Hindi ba't dahil sa ating inang isinakripisyo rin ang kanyang buhay para sa kaniyang mga anak?!" sagot ng bihag.
"Ang tapos na, ay tapos na! Huwag ka ng magtangkang alalahanin pa ang kahangalang ginawa nya! Kung di rin naman dahil sa lalaking may lahi ng puting kapangyarihan na minahal nya ay hindi rin sya magkakaganoon! Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit ibig mo pa itong gayahin!!" sa galit nito ay nakapagpalabas na ito ng nagbabagang apoy sa kaniyang kamay.
"Kung hindi mo kayang isuko ang anak mo ay ang buhay mo ang syang babawiin ko!!"
Sa pagtatama ng pinakawalang enerhiya ni Sabel at ng proteksyon ni Maia ay gumuho ang gusaling kinalulugaran nila.
•|
•|
YOU ARE READING
World Untold
FantasyAkala. Ilang tao na ba ang napahamak dahil sa salitang iyan? Ilang tao na ba ang nabiktima ng salitang 'yan? Akala ko katulad nila ako. Normal. At akala ko kilala ko na ang sarili ko. May isang parte pa pala sa buhay ko na ako mismo hindi ko pa nadi...