Chapter One

4 1 0
                                    

"One fish fillet and two chicken wings
Misty!" sigaw ng isang crew dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Coming right up!" I shouted back as a response.

Niluto ko na lahat as fast as I can.

Whew.

"Orders!" I shouted as signal. Para kunin na nila lahat ng niluto ko.

Sumandal ako at nagpunas ng pawis gamit ang likod ng kamay ko.

"Tiring day, Misty." I told myself.

Ipinikit ko saglit ang aking mga mata dahil nakaramdam ako ng panandaliang hilo.

Puyat lang siguro 'to.

Humila ako ng isang single chair at naupo saglit, ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Jqksjdkw--." banas kong bulong saka nagtungo sa banyo.

"Hmm, hmm mmm." I hummed softly.

I continued humming till I heard something.

Parang may nabasag.

Nako mukhang si Selena yun ah.
(Crew sa resto)

Yari na naman 'to kay boss.

After I finished my thing, I immediately go out to check what happened.

"Lele?" I called out.

"Le? Selena?" again I called out, but no one answers.

Weird.

Sobrang tahimik ng lugar.

Medyo nakakapanibago ah.

Sumilip ako mula sa nakaharang na cabinet. Kasi mahirap na diba, baka mamaya nahold up pala 'tong resto e.

Huh? Wala namang tao.

Don't tell me may multo rito?

Dahan dahan akong naglakad at lumabas ng kitchen.

Laking gulat ko ng nakita ko ang mga taong naka hinto at wala kahit sinuman ang gumagalaw.

Patuloy akong naglakad at napahinto sa bandang gitna. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin saktong tapat ko sa basag na bintana. Jusko ano bang nangyari dito? Kanina ay ayos naman ang panahon pero bakit parang babagyo na ng malakas ngayon?

Napalingkon ako sa likuran ko ng tumunog ang bangkuan.

Dumilim ang paligid at sa isang iglap ay may isang itim na parang anino ang tumambad sa aking harapan. Awtomatikong kumunot ang aking noo at bahagyang kinabahan. Multo ba 'tong nasa harapan ko??

Ilang segundo matapos ang pag tayo nya sa harapan ko ay unti unti itong gumalaw at paulit ulit na umikot sa paligid ko. Palakas ng palakas ang hangin at uminit ang paligid.

"Ahhhh." mahinang daing ko dahil sumasakit na sya sa balat. Ano bang nangyayari?!

"T-tulong..." ramdam ko ang unti unting pagkapunit ng damit ko. Nakakapanghina ang ginagawa nya kaya naman diko namalayang napaupo na pala ako sa panghihina.

Ilang ikot pa ng tuluyan na syang huminto. Para akong naubusan ng lakas samantalang sya ang umiikot. Pagkasulyap ko sa aking braso. May butil ng dugo. The blood came from my nose. She's standing in front of me and we stared at each other.

This time, pigura na ng tao ang nasa harapan ko. Ngunit mata nya lamang ang nakikita ko. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

I blinked twice then everything went black.

Bago ako mawalan ng malay ay isa lang ang nasisiguro ko.

Ngayon lamang ako nakakita ng ganoon at hindi ito normal.



2 Hours Earlier

Chaos' POV (White Lougn)

"We need her now, Chaos!"

"We're running out of time! Kailangan na natin sya!"

"It's too early, Imelda. Hindi pa sya handa, may nakatakdang oras para sakanya." sagot ko sa babaeng kausap ko ngayon.

"We'll take her soon, but not for now." dagdag ko.

"Kapag hindi natin sya nakuha ng maaga ay maaaring ang mga mayroong itim na kapangyarihan ang makahanap sakanya at bihagin sya."

" It will be more difficult to us, specially to the guardians and our students. We can't lose her, Chaos. They may take her anytime soon." dagdag pa nito.

Alam ko naman ang ibig nyang sabihin. Pero hindi biro ang pagpapadala ng ilang estudyante upang sunduin sya sa lugar na hindi nila kilala ng lubusan.

"Laging naka masid ang Dark Lougn, Imelda. Hindi natin pwedeng basta basta nalang isugal ang buhay ng iilan nating estudyante. Paano kung habang binabagtas nila ang patungo sa lugar na iyon ay paslangin sila ng kabilang panig?" naguguluhan itong lumingon sa akin at muling nagsalita.

"At mas kaya mong isugal ang mas nakararaming buhay dito sa mundo natin, Chaos? Alam natin kung gaano kalakas ang pwersa ng dugo nating mga puti, ngunit mas malakas ang kagaya nina Sabel at Maia. Ganoon na rin si Misty. Wala na tayong dapat pang sayangin na oras." napatigil ako sa paglalaro ng barya sa aking daliri dahil sa mga sinambit nya.

"Atsaka, nangako ako kay Kael na aalagaan at poprotektahan natin ang anak niya." malungkot na saad ni Imelda.

"Maaaring masira at gumuho na lamang ng tuluyan ang mundong ito kung hindi sya mapapasaatin. At ayokong mangyari 'yon, dahil pag napunta sya sa kamay nila Sabel? We have nothing to do with it. Alam natin parehas na nagtatalo pa ang dugong nananalaytay sa ugat nya. At kapag hindi natin' yon naagapan, ikapapahamak nating lahat."

"Ipatawag mo ang lima and send them to pick her up." I ordered and she sighed in relief. Yumuko ito at nagpasalamat bago umalis.

Kahit walang nangyayaring masama at walang ginagawang pagkilos ang kabilang panig ay hindi namin maiwasang mag-alala dahil baka naghahanda o may ibang pinaplano ang mga ito.

Tama si Imelda. We need her now. At wala na dapat kaming sayanging oras sa pagkilos.

On the other side.

Dark Lougn

Atria's POV

"Atria? Kailan isasagawa ang balak?" mataray na tanong ng aming bagong Reyna Sabel.

"Sa makalawa lamang ay muling sisilay sa atin ang kabilugan ng buwan na sya namang unti unting pag usbong ng kapangyahiran ng aking pamangkin. Hindi ka dapat nagsasayang ng oras." bawat salita ay may diin at puno ng awtoridad.

"Tatawid nako sa kabilang mundo ate Sabel."

"Reyna... Reyna Sabel at wala nang iba pang dapat itawag sa akin."

Pinsan ko sya ngunit wala syang sinisino, lahat ay dapat magpakumbaba at sambahin sya bilang bagong reyna. Walang kinatatakutan si Reyna Sabel. Nababalutan sya ng itim na kapangyarihan ngunit hindi maitatanggi ang taglay nitong kagandahan. Sa ngayon ay masasabi ng lahat ng nasasakupan ng Dark Lougn na mahusay itong mamuno dahil narin sa angking tapang nito at mahusay sa pakikipag laban. Pula ang buhok ng aming reyna gayundin ang kaniyang mata at ang trono nya naman ay gawa sa matitinik at matutulis na punong kahoy.

Nababalutan rin ito ng nakalalason na likido. Sa pag kakaalam ko ay ang sinumang masugat doon ay lalamunin ng lason ang buong katawan nito at babawian ng buhay sa ilang segundo lamang. Tanging ang mga nagdaang reyna lamang at si reyna Sabel ang hindi tinatablan nito.

"Nais kong dakpin mo sya, Atria."

"Nais kong mapasaating ang anak ng aking kapatid."

World Untold Where stories live. Discover now