Chapter Two

2 1 0
                                    


Meanwhile on Deliciously Yours Restaurant

Atria's POV

Isang nakatutuwang pangyayari, tila wala palang kaalam alam ang aming prinsesa na sya ay may kapangyarihan at kung paano ito gamitin. Mukhang mas mapapadali ang pag dakip ko rito.

Binuhat ko sya at nilisan ang lugar na iyon. Tila matutuwa ang reyna sa magandang balita ko at maiuuwi ko na rin sya sa dapat nya naman talagang tirahan.

Inilahad ko ang aking kamay at bumigkas ng iilang kasumpaan upang makabalik sa aming mundo ngunit hindi pa ako nakayayari ay may biglaang pagsabog na naganap.

"Bwisit!"  ayan na lamang ang lumabas sa aking bibig dahil ngayon ay nasa harapan ko na ang limang bantay ng White Lougn.

"Trenai, Atria." nakangiting sambit at pangangamusta ni Ceana. (Trenai- kamusta o isang uri ng pagbati.)

"Trenai rin sainyo, mga nakaaawang bantay. Ipinatawag ba kayo para muling guluhin at pigilan ako sa binabalak kong pagdakip sa sarili naming prinsesa??" mataray at nakangising tugon ko sakanila.

"Hindi nyo prinsesa ang babaeng hawak mo, Atria. Sa pag kakaalam namin ay anak sya ng aming dating
Haring Kael kung kaya't sya'y nararapat lamang na mapasaamin."
pagbabalik tanaw ni Flame.

Isang nakakikilabot na tawa ang pinakawalan ko.

"Baka nakalilimutan nyo rin." huminto ako sa pagsasalita at ngumisi.

"Na ang babaeng ito ay anak ng aming dating prinsesa Maia, na nag tataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan sa buong Dark Lougn. Sa tingin nyo? Kanino nararapat mamuhay ang aming prinsesa? Sainyo? Matatanggap nyo ba sya kahit sya'y may dugong itim?! Hahaha, tila nahihibang ang inyong konseho ngayon para magpapasok ng katulad namin sa inyong lugar. Hindi paba kayo nadadala sa mga pangyayari noon?"

Mahabang salaysay ko saka muling ngumiti.

"Kaya pwede ba? Mga mumunting tagabantay, paraanin nyo na lamang kami nang sa gayon ay kami'y makauwi na at walang mangyayaring gulo rito gayun din sa ating mundo." nakangising saad ko sakanila.

Kahit aanim sila ay kaya ko silang labanan. Hindi ako papupuntahin dito ng aming bagong reyna nang walang panlaban lalo't alam namin ang maaaring ikilos nila Chaos.

Akmang hahakbang na ako nang biglang mag mulat at mataranta ang aking bihag.

"T-tulong, bitawan mo ako!" pumasag ito at naglikot likot hanggang sya'y mabitawan ko at pagapang na lumalayo sa akin.

"Prinsesa Luna, sumama kana sa akin at makikilala mo sa piling namin ang iilan mo pang kadugo." pag aamo ko rito at umaasang makukumbinsi ko.

"H-hindi kita kilala at anong sinasabi mong mga kadugo ko?"

"Huwag ka nalamang maraming tanong at sumama kana sakin!" nagpakawala ako ng malaahas na tubig at pumulupot ito sa paa ng aming prinsesa at saka ko ito hinila patungo saakin.

"Aaahhh!! tulong!"

Ngunit isang matutulis na samo ng hangin ang tumama sa sinamo kong tubig kung kaya't naputol ito at muling nakawala si Luna.

"Isang laban ba ang hudyat ng pangingialam mo Wendy? Hahaha sige at ibibigay ko!"

Bumuo ako ng napakaraming bolang tubig at ipinatama ko lahat sakanila.

Ceana's POV

Laban ang nais ni Atria, laban ang ibibigay namin.

"Cast, sa sandaling mapasaatin si Luna agad mong bigkasin ang kasumpaan at iilang chant upang makabalik tayo agad sa World of Lougn." saad ko rito. Sya kasi ang may kakayahang ibalik kami sa aming mundo sa mabilis na paraan.

"Sige sige, copy." tugon naman nito.

"Ikaw Flame at Rocky, kayo ang unang sumugod upang sainyo matuon ang pansin ni Atria at kami ni Wendy ang kikilos upang makuha si Luna." utos ko sa mga ito.

"At ikaw Ice, alam mo na ang dapat gawin."

Yes, they take orders from me dahil ako ang nakaatas na pangunahan sila.

Ako si Ceana, sugo ng kapangyarihang pangkaragatan.

"Ceana, may lason ang bawat pinapakawalang kapangyarihan ng mga dark lougn. At wala tayo sa mundo natin, baka ikapahamak pa ng bawat isa satin." nag aalalang saad ni Rocky. Tama sya dahil kahit kayang magpagaling ni Cast ay hindi ito sasapat lalo't may kinakalaban kami.

"Sinasamo ko ang kapangyarihan ko, kalooban mo sila ng kalasag na tubig bilang proteksyon sa lason ni Atria." hindi aninag gamit ang mata upang makita ang kalasag na ginawa ko, para lamang itong nakabalot sakanila.

"Bago paman din tumalsik sainyo ang tubig ni Atria ay namamatay na agad ang lason nito." nagpasalamat sila saakin at itinuon ang pansin kay Atria.

Nagpakawala sya ng maraming bolang tubig patungo saamin. Sinalag at sinira na agad ito ni Wendy gamit ang hangin sa himpapawid pa lamang kung kaya't hindi ito umabot saamin.

"Flame at Rocky, ngayon na!"  sigaw ko.

Agad na bumuo ng malaking fire ball si Flame at ibinato ito kay Atria, nakaiwas ito ngunit sa lakas ng pagtama sa gusali sa likod nya ay natumba sya sa sahig.

Sunod naman ay umilaw ng berde ang mata ni Rocky hudyat na ang gagamitin nyang kapangyarihan ay may patungkol sa halaman at nasasakupan ng kalikasan. Nagsamo sya ng matatabang baging at ipinulupot ito sa paa ni Atria saka ito hinila.

Pumasag at nanlaban si Atria, siya naman ay nagsamo ng patalim na tubig at pinutol ang mga baging na gawa ni Rocky. Mabilis itong nakapag samo ng mga patalim na tubig at agad na ipinasugod kina Flame at Rocky.

Naalarma si Flame sapagkat wala silang magagawa ni Rocky upang masalag ito at mapahinto sa maikling sandali lamang. Laking gulat nila nang maging yelo ang mga ito at bumagsak na lamang sa sahig.

"Talagang inuubos ninyo ang pasensya ko!" galit na sigaw ni Atria.

"Tama na ang larong ito!" agad syang tumakbo sa kinaroroonan ni Luna at akmang dadakpin ito nang mabilis na kumilos si Ice at ipinatamaan ng maliit na patusok ng yelo sa leeg si Atria na galing mismo sa isinamo nyang mga patulis kanina, may lason ang mga ito kung kaya't panigurado ay delikado ang lagay ni Atria.

"Tama ka, tama na ang larong ito. Dapat ka na naming tapusin. Masyado mong sinasayang ang oras namin." seryosong tugon ni Ice saka ginamit ang kapangyarihan nito na sya namang ikinatalsik ni Atria.

"Ice! tama na." sita ko rito.

Ibinagsak nya ito sa lupa at binuhat si Luna na hanggang ngayon ay walang kaalam alam sa nangyayari, ang nakikita ko sakanya ay nababalutan sya ngayon ng mga tanong at takot.

Tumagos ang patusok na yelo hanggang sa ugat ni Atria na tiyak ay ikapapahamak nya.

Nang makalapit samin si Ice ay muli kong sinulyapan si Atria. Wala na ang yelong naroroon kanina at galit itong nakatingin sa amin.

Ano kali ang ginawa nya??

Agad kaming naglaho at nagtungo sa ibang lugar upang mabigkas ng maayos ni Cast ang iilang kasumpaan at upang hindi kami maabala o magulo ni Atria.

Nag hawak hawak kami ngunit ayaw kumapit ni Luna. (Misty)

"S-sino ba t-talaga kayo?? B-bakit?"

"Bakit kayo may kapangyarihan?!" tarantang tanong nito. Akmang tatakbo sya at aalis ng bigla itong huminto at nanlambot sa kinatatayuan. Napalingon ako kay Cast dahil panigurado ay sya ang may pakana nito.

"Panandalian ko lang syang pinakalma, para maayos natin syang maiuwi sa WOL. Kumapit na kayo at babalik na tayo." paliwanag ni Cast.

Cast is always a life saver.

Inalalayan ni Flame si Luna (Misty) upang maisama na namin ito sa paglalaho.

World Untold Where stories live. Discover now