Chapter Three

1 1 0
                                    

Other Side (Dark Lougn)

Atria's POV

"Hangal!" isang malakas na sampal ang natanggap ni Atria mula kay Sabel.

"Iisang bata lamang ang pinapadakip ko sa iyo ay hindi mo pa nagawa ng maayos?! Naisahan ka pa rin ng grupong 'yon?!"

Nagdugo ang kanang bahagi ng labi ko dahil sa lakas ng sampal ng aming Reyna. Inaamin ko naman ang pagkakamali ko ngunit nailagay din sa peligro ang aking buhay dahil sa yelong tumama sa aking ugat.

Magbabayad ka Ice.

Humingi ako ng paumanhin kay Reyna Sabel at umalis upang gamutin ang aking sugat. Ngunit sinabihan nya ako na kailangan ko pa rin makuha at mabawi si Luna mula sa kanila.

Ngunit paano ko iyon gagawin?

Kailangan ko muna ng sapat na lakas upang labanan sila. Nagtungo ako sa aking silid at ginamot ang sarili.

Mabuti na lamang at paniguradong naisama nila ang espiyang insekto na isinamo at ipinadapo ko sa damit ni Luna. Paniguradong walang makakapansin nito dahil sa akala rin nila ay tapos na ang laban at nilubayan ko na sila.


Dyan kayo nag kakamali, di ko namalayang napangisi na pala ako sa naisip kong plano.



Meanwhile on Cliff of Faith

Ceana's POV

"Is she already awake? Cast wala na ba ang talab ng pang pakalmang inispell mo sakanya a while ago?" tanong ko rito.

Kasalukuyan kaming nasa Cliff of Faith dahil dito madalas kaming sumasakay kay Brine patungong World of Lougn. Pupwede naman kaming magteleport ngunit napag desisyunan naming pakalmahin muna si Luna/Misty bago namin dahlin sa World of Lougn.

Bakit tinawag na Cliff of Faith?

Iisa lang kasi ang paraan para makasakay ka kay Brine. Kailangan mong lumundag pababa sa cliff at sasaluhin ka nya.

Nakakapagtaka ba kung bakit hindi na lamang sya lumapit nang makatawid kami at makasakay? Hindi maaari dahil tatama ang isa nyang pakpak sa cliff na pwedeng maging dahilan ng pagkasira o guho nito. Hindi nya rin naman pwedeng gamitin ang iisang pakpak lamang sa pag lipad at ang isa ay gawing tulay namin dahil hindi kaya ng iisa nyang pakpak ang bigat nya. Maaari kaming mahulog lahat.

That's why kailangan mo syang pagkatiwalaan, manalig lang kay Brine dahil hindi sya gagawa ng ikapapahamak ng mga sakay nya. Kaya naman baka mahirapan kami sa pagpapasakay kay Luna/Misty.

"Yep, she'll be okay in just a minute. Baka makaramdam lang sya ng pagkahilo dahil sa side effect nito. Pasensya na, gusto ko lang sanang makabalik tayo agad dahil nasa atin na sya kanina. Mahirap na at baka pati tayo ay mapahamak. Sorry kung kinailangan ko pa syang ganyanin." pag papaumanhin nito habang pakamot kamot sa batok.

"It's fine, I don't see any problem with that. See? She's asleep at hindi tayo namroblema sa pagdala sakanya rito." sagot naman ni Rocky.

"Yeah but how long would we wait? Hindi pa ba tayo puwedeng tumawid habang tulog pa sya? Para hindi na rin tayo mahirapan. " suhestyon ni Wendy na hindi ko naman sinang-ayunan.

"Unang una sa lahat we can't aboard a person asleep on Brine, hindi mo ba narinig? In just a minute she'll be awake. Pangalawa she might be overwhelmed kapag napansin nyang we're on air at nakasakay pa sa isang dragon. Baka mataranta sya at mahulog. We can't afford to lose her lalo na't she's in our hands. Mapapagalitan tayo ng Headmaster." paliwanag ko sakanila.

World Untold Where stories live. Discover now