Ceana's POV
Umepekto ang sinabi ni Ice kay Luna/Misty. Sumama ito nang kalmado sa amin, medyo nahirapan kami sa pagpapasakay sakanya kay Brine (dragon) ngunit nagawan naman namin ng paraan upang makumbinsi sya.
Kararating lang namin ngayon sa tapat ng Entrance ng World of Lougn. Actually ay kanina pa kami nasa World of Lougn, ito nga lang ang mismong entrance nito kung saan makikita mo sa himpapawid ang pagkakahati hati ng iilang panig.
"W-where are we?" namamanghang tanong ni Misty.
"World of Lougn." nakangiting sagot ni Cast.
"That Northern Part is the place of the Hybrids." turo ko sa hilagang bahagi. Nag form naman ng 'o' ang bibig nya sa pagkamangha. Ipapakilala ko na sakanya ang mundong ito habang maaga pa.
"And that Eastern Part is where the Casters are, witchcrafts and stuffs about spells and things. May mga herbs din jan at may mga mang gagamot. Cast's family are there. They're good, nothing to worry about. They're intelligent actually, they help us sa tuwing may mga sugatan sa giyera o sa tuwing kailangan din natin ng mga lalaban. In short, they're on our side."
Nakikinig naman si Luna/Misty sa lahat ng ipinapaliwanag ko sakanya. At halatang unti unti rin syang naliliwanagan.
"And that Western Part? Those were the place of vampires and werewolves. They don't hurt naman well only if needed. They just want to be left alone. Ayaw nila ng ginugulo sila. Minsan din ay hindi sila sumasama sa mga laban. They have their own ways of living. "
"That obviously we don't have." bulong ni Misty pero sapat para marinig naming lahat. Nagkatinginan na lamang kaming lima.
Yep, somehow she's right.
Ipinanganak nalang yata kami upang ipaglaban ang karapatan at ituloy ang naiwang giyera ng aming mga magulang.
"Western Part is also a dungeon of some dangerous monsters na naikulong ng mga ninuno natin. May mga giants din dyan na kayang kaya kang durugin in just one snap." pag papatuloy ko sa pagpapaliwanag sakanya.
"Ano naman ang madilim na parteng iyon?" turo ni Misty/Luna sa timog bahagi ng World of Lougn.
Hindi ko alam pero nagbigay ng kilabot sa akin ang tanong ni Misty/Luna. She's now curious about where her mother came from. Hindi nya pa naman alam ang totoo at alam kong wala kami sa lugar upang ipaliwanag 'yon sakaniya.
"That Misty is the Southern Part of this world. The Dark Lougns, Atria lives there. Yung nagtangkang kumuha sa'yo kanina lamang."
Halatang nagulat si Misty ngunit nakabawi rin naman agad.
"What's with that part? Were they good or bad?" para syang batang paslit na nagtatanong tungkol sa storytelling ng kaniyang ina.
"Bad! Can't you see? Sinaktan ka nya at binalak ka pang kuhanin. You won't like it being there, she's just manipulating you a while ago." sabat ni Wendy kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.
"Atria? The water girl? Gusto nya rin ba akong kunin kagaya ng dahilan nyo?" tanong nya sa amin.
"No, Misty. Kinuha ka namin dahil mas mapoprotektahan ka namin kung nasa loob ka lang ng Lougn Academy. No one can harm you there." pagpapalinawag ko sakanya. Sana lamang ay magtiwala na ito sa amin.
"Where is the academy located?" tanong nya habang sinisipat ang tanawin sa baba.
"There. The middle part of the whole World of Lougn. We the white lougners ay ang taga balance ng buong world of lougn. Iyon ang main role nating mga white lougn. Kailangan nating mapanatili ang katahimikan sa mundo natin at masigurong nasa tamang lagay ito. We're not harming anyone, only if needed too. See that big barrier covering the whole lougn academy? Pinatibay iyan ng halos lahat ng malalakas na eldest natin sa history ng lougn academy. Proteksyon natin iyan sa mga masasamang loob."
YOU ARE READING
World Untold
FantasyAkala. Ilang tao na ba ang napahamak dahil sa salitang iyan? Ilang tao na ba ang nabiktima ng salitang 'yan? Akala ko katulad nila ako. Normal. At akala ko kilala ko na ang sarili ko. May isang parte pa pala sa buhay ko na ako mismo hindi ko pa nadi...