CHAPTER 01

27 4 1
                                    

*KAIRISSE POV'S*



"Kairisse!"



Napahinto ako sa paglalakad. Pagtingin ko, yung abnormal ko lang pala na bestfriend.



"oh chamcham"



"hayst! bat chamcham? Gusto ko, isang cham lang o di kaya chamie 'no ba ya---"



Binatukan ko nga. HAHA. Daming satsat eh.



"ARAY! BAT MO KO BINA----!"  Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Psh ang INGAY!



Kumain na kami. Total recess time naman. O nga pala Im a 2nd year college student. HRM ang kinuha namin. Pero para sa kanya no choice daw siya eh. Psh abnormal talaga. Gusto niya kasi pareho kami. Pambihira! Total naman daw madali lang. Hindi kaya. Pero kakayanin ko para sa pamilya ko.



"Pst! Kaikai" Naknisatanas! Ginulat ba naman ako!



"HOY! ayus-ayusin mo yung pangalan ko ha!"  kaikai? Ayoko nun. Nakngtokwa talaga.



"Si Glodd oh" At ako naman si uto uto napatingin... WALA NAMAN!  "Ayy wala na tuloy" dagdag niyang sabi. Kainis.



"Pinagloloko mo ba ako?"



"Hala siya hindi ah"



Napatingin nalang ulit ako. AYY IBA ANG NAKITA KO. Pambihira! Kailan pa nag aaral ang kamag anak ni satanas dito? 



Ang harsh ko ba? Nandito lang naman si SILVHER XAVIER GHREY. Pero uyy wag kayong ano ha? Kilala ko na kasi sya since Senior High School. Sa pag kakaalam ko noon grade 12 siya at ako grade 11. Sa pag kakaalam ko ULIT ngayon, 2nd year college pa sya. E di pareho na kami. Bulakbol at playboy kasi kaya tama sa kanya yan. TEKA? BAT BA NATIN SIYA PINAG UUSAPAN? HAYS! KAYO HA WAG NIYO KO DINADAMAY.



"Hi girls..." Speaking of a demon. Ang landi talaga nito, may pa husky2 pang nalalaman.



"H-hi Silvher..." Si cham sabay wave. Psh bat naging pabebe? Ang dali nag transform ah? Ngumisi naman ang ugok. "Byee" Sabay alis.



Luh. Ano yun? Nagha-Hi tapos nagba-Byee agad? Ibang klase. May lakad? May lakad? Psh Madapa ka sana.



Maya-maya narinig namin ang kalabog.



"Ayy s-sorry S-Silvher di ko sinasadya" Sabi nung Babae.



"TSK! WAG MO KASING IHARANG-HARANG YUNG PAA MO!" Hala galit na...



Ngayon gusto ko matawa. PFFFFT. LORD? Ang bait niyo naman po sa'kin. Wala pang minuto nadapa nahh WAHAHA. Ayun! Umalis na din.



"HOY! WAG MO GINAGANON! SI SILVHER NAMIN AH!" Sabi ng mga---- Teka? Halloween ba? Ang kapal naman yata ng pampa puti-achuchu nila sa mukha. Ang aga ah? Ano yan? Advance mag isip?



"Ha? Di ko naman yun sinasadya ah"



"SINUNGALING!"




Bago pa mag World War III.. Pinigilan na sila ng guard. Psh buti naman. Di pa ako ready no.



Teka? Nagpakilala na ba ako? Ako nga pala si KAIRISSE YANA VELMONA. IRIS for short. 20 yrs old. 2nd year college. HRM ang kinuha. Normal po ako. Ang kaibigan ko naman ay si CHAMIE GRACE FUENTE. Siya po ang abnormal saming dalawa. OOPS! Shh!




Ang nanay ko, nagtitinda ng dru--- este Ulam sa kalenderya.  Ang tatay ko naman, tricycle. Nagta-tricycle po. Namamasada po ng tricycle. (Fan ni Joven sa PGT eh) peace! Basta mahirap lang kami. Kaya ako nakapag aral sa magarang school dahil sa scholar.. Yan lang muna.
AND I. THANK YOU! *WINK*


THAT PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon