CHAPTER 03

34 3 0
                                    

*KAIRISSE POV'S*



"Class dismiss" sabi ng guro namin. Sa wakas tapos na rin.



Last subject na namin to. Si Glodd? hindi na kami pareho sa last subject eh. Hayysss. Palabas na ako sa room ng...



"Pst Iris!"



Hindi ko pa nakita ay alam ko na yung boses na yun.



*DUG *DUG



Myghadd. Huminga nalang ako ng malalim at saka humarap sa kanya.



'Kaya pa ba?'



"Uyy Glodd!"  Okay lang kaya yung mukha ko? Wala kayang dumi? Ehhh. Ba't ako nagiging ganito pag dating sa kanya? Tss.



"Ahm ano? Sabay na tayong lumabas" Ehh?



"Ha? H-haha. Nakalabas na tayo eh ?" Ako. Tumawa naman siya. ANG CUTE!

" What I mean is... Sabay na tayong lumabas ng gate."



"Ahh. Okay hehe Akala ko sa room eh"  tanga. Napakamot nalang ako sa batok

Bakit sa gate lang? Pwede naman hanggang sa bahay ah. Aisshhh! Erase. Nag iiba talaga ako pag dating sa kanya. Parang may malanding kaluluwa ang gustong pumasok sa'kin. Nakng! Hayysss.




Alam niyo na ba? Sabi ko nga hindi niyo pa alam. Na hindi ako sanay sa ganito? Kasi naman nakasabay ko yung gusto ko! Hehe. Gusto ko kasi siya since SHS (Senior High School) Alam niyo kung bakit? Di ko rin alam eh. Basta yon na yon! I can't explain! Basta siya lang yung nagustuhan ko. Never pa ko nagkaka boyfriend eh. Pamilya ko yung inuuna ko. Pero ngayon, hindi naman masama na may magustuhan ka diba? Hayysss. Sana pareho kami ni Glodd. Psh malabo din siguro, kasi may gusto siyang iba! Pero Ewan ko lang ngayon. Wala man siyang GF pero may nagustuhan!




Para akong timang habang naglalakad. Tss. Di nga sanay diba?  Kasi naman palagi kong kasama si Cham kung magkakasabay kami ni Glodd. Dibali kaming tatlo pero minsan lang. Kaya---! TEKA? SPEAKING OF CHAM? HIMALA YATA NA HINDI NAMIN SIYA NAKASAB----!




"KAIKAI!" NAKNG! Sabi ko nga! PALAGI KAMING MAGKAKASABAY KAMING TATLO! Pambihira! Akala ko moments na namin to ni Glodd Arrgghhh.




***




Kakalabas lang namin sa gate at naghiwalay na. Nagmamadali si Glodd eh may gagawin daw. Si Cham naman nawala agad grabe! may sasabihin pa sana ako.



Habang naghihintay ng sasakyan. Aisshhh tagal naman, may part time job pa akong papasukan.




Tinignan ko yung relo ko. Hmm 5:27 pm na. 6:00-9:00 naman ang part time job na sinasabi ni Cham, sa restaurant daw. Hayysss sana maging maayos to. Sisiguraduhin niya lang. Tatawagan ko na sana pero...



"Sorry. You did not have enough load to---*tot*"  PSH. Pinatay ko na! Wala pala akong load. -.-




Paano to? Tss. Tagal naman ng sasakyan eh. Naglakad-lakad lang muna ako. Pero napatigil din. Pambihira talaga oh! Hindi na nahiya! Sa highway pa talaga.




KASE NAMAN NAKAKITA AKO NG TUKO! GRABE NGA EH KAPIT NA KAPIT!




Naghahalikan ba naman sa gilid ng highway. Hindi man lang nahiya! Gusto siguro mag VIRAL! Psh. Pasalamat sila Keypad yung cellphone ko kung hindi? NAKO! Ayy! May camera naman pala yung CP ko blurred nga lang. Hmmm.



Ngayon, nakatingin si Silvher sa direksyon ko. Aba! Marunong palang ngumisi ang tuko?? NAKANGISI EH!



Umirap ako. Ang init talaga ng dugo ko sa kanya! Umiwas nalang ako ng tingin baka may virus yung mata niya eh. Mahirap na.



"San ... Darating mga salitaaaaa---!" NAKNG TIPAKLONG! Ringtone ko yan sa CP! Hmmp! Lagot yang Cham sa akin!

Paano ba naman,  Siya lang naman ang gagamit ng CP ko! At nagpapasa pa ng kanta at pictures. Well, yung CP ko kasi kahit keypad lang, may memory card naman to no na 4gb.
Sinagot ko na yung tawag.




"HOY! CHAMCHAM! LAGOT KA TALAGA SAKIN!"



"HAHAHAHAHA Bakit? P-pffft Ano ba ginawa ko?"



"LECHE PLAN KA TALAGA!"



"HAHAHAHA SORRY NA!"



"HMMMMP!"



"hmm nga pala, ito yung address na sinasabi ko *insert name*"



"SIGEE!" ako.



"By----*tot*" Pinatayan ko na. Akala nya ah.



Itong part time job nato. Sa kaibigan to ni tito Fed na daddy ni Cham. Meron naman silang Bar na pag aari nila pero ayoko na dun. Ang ingayyy! Pwede naman siguro nila e mute yung music habang nagsasayaw diba?? At naiinis din ako sa lugar na yun, Palaging present yung TUKO eh. May nangyari din kasi noon...


THAT PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon