CHAPTER 04

24 3 0
                                    

*KAIRISSE POV'S*



*FLASHBACK*



Habang kumukuha ng mga inorder para sa customer. May narinig akong nag-uusap malapit sa akin kahit na malakas yung tugtug dito sa bar.



"Grabe kawawa naman yung girl" Girl1



"oo nga eh" Girl2



Yun na lang yung narinig ko. Hmm ano kaya yun? Papunta nako sa table kong saan dun ko ilagay yung mga inorder ng customer pero napatigil din...



Ang dami yatang tao sa kabilang side? Hmm may model ba? Artista? Nandyan ba ang mga asawa ko? MONTEFALCO? MERCADEJAS? ROSWELL? ALFONSO? RIEGO? RAZON? PERESEO? CRAIGE? ENRILE? Okay titigil na... Madami na eh, di ko na mabilang.



"Please...don't leave me...*sob*" sabi ng familiar na boses.



Yan na agad ang narinig ko habang palapit ng palapit.



"Dzuhh disgusting!" sabi ng babae
"Let's go babeee" dagdag niya.



Paglapit ko, nakita ko kaagad yung kaibigan ko, si Mira habang nakaluhod at umiiyak. Nanlaki yung mata ko. Isa siya sa kaibigan ko maliban kay Cham. Habang palayo ng palayo naman yung babae at yung lalaki. Hindi familiar sa akin ang babae pero yung lalaki...



"M-mira!" nilapitan ko kaagad sya. "okay ka lang?" habang pinapatayo ko siya.



"Hey..." sabi ko pero umiiyak lang siya.




"a-akala ko mahal ako ni Silvher pero niloko niya lang ako!" umiiyak niyang sabi "magsama sila!" singhot niya.



"Ano? si Silvher?" Tama nga ako "Ayy nakng! Teka dito ka lang ah wag kang aalis! Pupuntahan ko yung gago na yun!" sabi ko. "Pero ikaw muna maghatid ng inorder ng mga customer dun sa table na yun oh!"  Sabay turo ko sa di kalayuan na table.



"Tss maka utos ka ah! W-wag na! Wag muna sila sundan! Kita mo naman n-na nagmakaawa na ako sa kanya! Pero ano? WALA! WALA SIYANG PAKIALAM! *Sob* MAGSAMA SILA" Umiiyak na naman niyang sabi.



"Wag kang mag alala gagantihan natin yun! Ikaw naman kasi, alam mong playboy yun pinatulan mo pa rin!"




"Malay ko bang nagbago na yun!? Nagtagal din kaya kami"



"Hmm sabagay, nag 3 weeks naman kayo Hayss malapit na sana mag one month"




*END OF FLASHBACK*



Nakakamiss si Mira. Wala na kasi siya dito eh, pumunta siya ng Japan. Nagpakalayo para kalimutan si Silvher. Masakit din kasi sa kanya ang nangyari noon. Actually, last year lang nangyari. 1st year college pa kami pero agad din sya nag transfer pagkatapos non.



Sabi niya, wag na daw kami maghiganti kay Silvher. Psh hanep! Bait mo pa rin kahit sinaktan kana. Kaya ayun wala kaming ginawa ni Cham sa kanya. Pero naiinis pa rin talaga ako sa kanya. YAN ANG DAHILAN KONG BAKIT MAINIT ANG DUGO KO KAY SILVHER.



Mas binilisan ko pang maglakad, Ano ba yan  baka ma late ako sa trabaho. Kay bago bago eh.








Nang makarating ako sa Restaurant na sinasabi ni Cham na sa kaibigan daw ng daddy niya ay napatulala ako. Restaurant ba talaga to? Ang ganda...



"Ikaw na po ba si Kairisse?"



Nilingon ko yung nag salita. Naka uniform ng pang waiter. Makakasama ko siguro to.



"ah oo" sabi ko sabay ngiti ng kay tamis tamis.



"Dito po"



Pagpasok namin ay mas lalo pa nag lula yung mata ko parang gusto ng lumabas. Yung mga nag iilawang chandelier. Ang ganda... Kahit saan ako tumingin, lahat sa paligid ko napakaganda. Halos lahat ng makikita ko dito na gamit ay babasagin lahat. Walang dumi.



Tinignan ko yung sahig, napakalinis! Nakita ko pa yung haggard kong mukha sa sahig. Parang natakot tuloy ako. Ang yayaman ng nandidito. Jusko. Takot ako makabasag o ano no!
Baka mas malaki pa ang halaga sa akin ang mga gamit dito.



"ito po ang uniform mo as a waiter kairisse. Naibigay na yan ni sir. Wala ka ng problema pwede ka ng magsimula"



"okay salamat." sabay tungo ko sa malapit na CR para makapagbihis.




Pagkatapos magbihis ay tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Hmm. Sakto lang naman, hindi masikip o maluwag. Its a longsleeve but hanggang siko lang and a tight skirt. May parang apron pa sa ibabaw ng damit. Ehh? Ah basta. Ang apron lang ang color gray and ang iba ay color black na.



Lumabas na ako at sabay bumuntong hininga. Sana maging ayos to--



May familiar akong nakita. Kumakain ito habang nakatagilid ng upo sa akin sa hindi kalayuang table. -.-


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon