Nilapag ko sa desk ang mga papeles na pinadala ni ma'am G saka binuksan ang cp at nagsimilang mag-encode. Ano bang klaseng araw to daming pinagawa ni ma'am di naman ganto kagrabe mga document na pinapagawa sakin. Napatingin ako sa wristwatch magaalas-dose na pala. Napahikab ako saka naginat inaantok na din kase ako.
Makaraan ng ilang minuto antok na ko. Ako nalang dun ang natitirang impleyado dito. Napagpasyahan kong magkapeuna pampabawas ng antok. Tumayo ako at laglakad sa madilim na pasilyo napayakap ako sa sarili nang may malamig na hanging dumampi sa balat ko. Ano ba to para akong nasa horror movie. Bali-balita pa namang may nagpapaamdam daw ditong bata waaah I'm so dead! Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa mini kitchen ng opisina namin. Maliwanag din dahil may ilaw thanks god.
*click*
"Ahhh-" nakarinig ako ng mga paa papalapit sa kinatatayuan ko waaah lord! Napapikit ako sa sobrang takot mama papa sabi nyo babantayan nyo ako. "Magsisimba na po talaga ako every sunday saka may kapatid pa ko akong umaasa saakin pano na po sya kung wala ako baka kung anong mangyari ki Miry tapos yung boypren ko pong sobrang pogi na sobrang mahal ko lord wag nyo kong- waaag!"
*door slams*
*boom*
Napaawang ang bibig ko ng pumasok ang mga office mates ko may hawak na confetti saka pumasok si Ryle ang boypren ko may hawak hawak itong flower. Tulala lang ako napatitig sakanya.
"Flowers for you..." ngiting-ngiti nyang sabi. Ewan ko kung magagalit ako o matutuwa sa giawa nya.
"Magbibigay ka lang naman pala ng flower kailangan takutin ako batukan kita dyan ehh nakakainis ka." Maluha-luha kong sabi. Niyakap nya ako saka hinalo.
"Shh...rielle ko wag ka nang umiyak hindi pa ako tapos." Tinulak ko itong bahagya para tignan nabigla ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko at may kung anong dinukot sa bulsa isang red velvet na box. Napaiyak ako at napatakip ng bibig. Oh my oh my.
"Eurielle Saavedra..." tapos ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. "Will you marry me?"
"Yes..yes Ryle...Yes!" Napayakap si Ryle saakin ang said thank you..i love you so much.
"So kailan ang kasal?" Tanong ng mommy ni Ryle saamin. Inimbitahan kami ng mama ni Ryle sa bahay nila para maghapunan at para narin daw sa kasal. Mababait ang magulang ni Ryle at parang anak na din ang turing nya saamin ng kapatid ko.
"Sa sunod na buwan na po ma." Napatango-tango naman ang mama nya.
"Ikaw ba... Ryle may ipon ka na ba?" Tanong naman ng papa nya. Tumango si Ryle.
"Syempre pa pinaghandaan ko talaga to." Napangiti naman ako. Ang swerte ko sa pamilya ni Ryle kahit na mayaman sila ay tangap nila ako na mahirap lang para sa anak nila.
Nang matapos ang hapunan ay pauwi na kami ni Ryle nakasakay kami sa kotse nya. Minsan ay nahuhuli ko tong pasulyap-sulyap saakin. Napakagat ako ng labi ano ba to nahihiya parin talaga ako sakanya...pagdating sakanya marami akong insecurities ewan ko ba.
Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na ako sakanya.
"Hon salamat sa paghatid ahh." Inalis ko ang seat belt na nakaabakit saakin pero hinuli ng kamay nya ang kamay ko nilapit nya yun sa labi nya saka hinalikan. Nag-init ang pisnge ko. Kinabig nya ako at hinalikan ng mariin parang sabik na sabik ito saakin. Tinugon ko ang halik nya nagulat ako ng gumapang ang kamay nya sa hita ko. Agad ko ayang pinigilan.
"Ryle ayoko." Madilim ang mukha nito at mukhang pimapakalma ang sarili. Nagulat ako sa pagsuntok nya sa manibela ng kotse. Agad na nagbago ang expression nya nang makita na natakot ako.
