sammy's pov
nandito na ako sa park ngayon naka upo sa swing pero ng magsawa na ako naglakad lang ako ng naglakad masakit na nga yung paa ko eh pero naglalakad pa rin ako hanggang sa makarating ako sa isang kulay cream na mansyon dito nalang muna ako makikitulog makiki-usap nalang akoding dong
pagdorbell ko at bigla nalang bumukas yung napakalaking gate at nakita ko si jaydee
"anong ginagawa mo dito?"tanong niya saakin tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa
"mukhang galing ka pa sa reunion"sabi niya tapos gumilid siya para makapasok ako pero hindi ako gumalaw dahil gulat pa rin ako kaya hinila na niya ako papasok sa mansyon niya....pagpasok namin sa mansyon niya nakita ko dun sa sala sila kyle,zack,sky at si andrew
"oh sammy anong ginagawa mo dito?"tanong ni andrew kaya napalingon saakin yung tatlo at natulala sila
"hoyy laway niyo tumutulo na!"sigaw ni andrew kaya napabalik sa realidad yung tatlo
"talagang nag-ayos ka pa bago pumunta dito ah"sabi ni kyle saakin sasagot na sana ako ng unahan ako ni jaydee
"kagagaling niya lang sa reunion kaya ganyan pa yung suot niya"sabi ni jaydee
"naglakad ka lang ba papunta dito?"tanong saakin ni zack
"oo bakit?"tanong ko
"dumudugo kasi paa mo"sabi niya saakin kaya napatingin ako sa paa ko at tama nga si zack dumudugo na yung paa ko kaya hinila ako ni andrew at pina-upo sa sofa nila at dumating naman si sky na may dala dalang first aid kit
"ano kasing pumasok sa kokote mo at naglakad ka papunta dito?"sabi ni andrew habang ginagamot yung paa ko
"naka 4 inches high heels ka pa tapos naglakad ka papunta dito bat hindi ka nalang nagpahatid kay cedrick"sabi saakin ni jaydee
"sumakay ako ng taxi papuntang park tapos naglalad lakad ako at napadpad ako dito"sabi ko
"ano bang nangyari?"tanong saakin ni sky kaya kinuwento ko lahat ng nangyari kanina sa hotel
"eh gago pala yung pamilya ni cedrick eh bakit hindi sinabi saakin eh kuya mo ako!!"sigaw saakin ni andrew
"wag mo nga akong sigawan"sabi ko kaya huminahon siya
"sa tingin ko planado talaga yan eh"sabi ni jaydee
"kailan daw yung kasal?"tanong saakin ni zack
"hindi ko alam eh dahil umalis agad ako pagkatapos kong sabihin yun"sabi ko
"wag kang mag-alala hindi kami papayag na maipakasal ka dun"sabi ni kyle
"pwede bang dito na ako matulog?"tanong ko
"wag ka diyan sa sofa matulog dun ka sa kwarto ni jaydee"sabi saakin ni andrew
"sige na umakyat ka na tapos kumanan ka pag may nakita kang kulay itim na pinto pumasok ka na dun yun na yung kwarto ko"sabi saakin ni jaydee
"eh ikaw saan ka matutulog?"tanong ko sakanya
"sa guest room na ako"sagot niya
"ako nalang sa guest room tutal makikitulog lang naman ako eh"sabi ko
"wag ka ng makulit dun ka na sa kwarto ko at sa guest room nalang ako"sabi niya
"ano k-kasi...."sabi ko hindi kasi ako sanay na walang katabi
"ano?"tanong ni jaydee
"wag ka ng magtanong jaydee dahil hindi sanay yan na walang katabi pag natutulog"sabi ni andrew kaya napatingin ako sa kanya
"ang tapang tapang mo sammy pero hindi ka sanay na walang katabi sa pagtulog"sabi saakin ni zack
"paano ka natutulog eh mag-isa mo lang sa kwarto?"tanong ni kyle
"may life size teddy bear yan"sabi ni andrew
"parehas pala kayo ni jaydee eh hindi makatulog pag walang katabi"sabi ni sky
"eh kung magtabi nalang kaya kayong matulog"sabay sabay na sabi nila kyle,sky,zack at andrew
"okay lang naman yun eh walang malisya tsaka may tiwala ako kay jaydee"sabi ni andrew
"sige na matulog na kayo"sabi ni zack at ngumiti ng may ibig sabihin
kaya umakyat na kami ni jaydee at pumasok sa kwarto niya ang ganda nga ng kwarto niya eh
"saan ka banda matutulog?"tanong niya saakin
"sa right side nalang ako"sagot ko tapos humiga na siya at humiga na rin ako sa tabi niya
"matulog ka na"sabi niya
***fast forward***
ilang oras na ang nakalipas gising pa rin ako hindi kasi ako makatulog wala kasi akong mayakap eh
"sinong katabi mo nung andun ka sa bahay nila cedrick?"tanong saakin ni jaydee gising pa pala toh
"wala umaga na ako nakakatulog lagi tapos may pasok pa kaya saglit lang lagi ang tulog ko"paliwanag ko
"inaantok ka na ba?"tanong niya
"hindi ako makatulog pag wala akong yakap yakap na bagay o walang yumayakap saakin"sabi ko tapos lumapit siya saakin at niyakap ako
"matulog na tayo gabing gabi na"sabi niya ilang minuto lang nakaramdam na ako ng antok at maya maya ay kinain na ako ng dilim
YOU ARE READING
between the two boys
Teen Fiction****** Started:October 14,2018 Ended:April 12,2019