chapter 51

287 12 0
                                    

lance's pov
dumaretso kami dito ngayon sa mansyon ni sammy yung mga clan nila umuwi na pagkatapos patayin ni sammy si janine umalis na kami dun dahil parating na yung mga pulis

"buti nalang talaga at pinatay mo yung bruhang janine na yun unnie sammy"gigil na sabi ni jasmine

"bakit naman?"tanong ni drake

"kasi nakakabwisit siya ang sarap niyang patayin"sabi ni jasmine

"sus nung tinutukan ka nga ng baril tumahimik ka eh"pang-aasar ni drake mukhang may gusto tong kapatid ko kay jasmine ah

"kaano-ano ka ba mo si jaydee?"tanong ni abby

"ah kuya ko siya"sabi ni jasmine

"paano mo nakilala si sammy?"tanong ni kaye

"dinala na kasi siya ni kuya sa bahay"sabi ni jasmine

"so alam mo yung totoo?"tanong uli ni abby

"oo naman"sabi ni jasmine

"anong totoo?"tanong ni tiffany

"na hindi talaga sila"sabay sabay na sabi ni jasmine,abby at kaye

"what?!"sabay sabay naman na sabi namin pero hindi kasama si jaydee at sammy dun ah

"paano?"tanong ko

"plano nila yun para hindi sila maikasal kay cedrick at janine"sabi ni kaye

"okay pero sammy...."sabi ni kyle

"ano?"malamig na sabi ni sammy

"sino ka ba talaga?"sabay sabay na tanong nila bakit lahat nalang yata ng sasabihin ng tao kailangan sabay pa

"ako si Samantha Nicole Lee o tinatawag nilang EMPRESS pag nasa clan ako....si EMPRESS na kailangang protektahan ang kuya ko dahil sa sinabi ng mga magulang ko at kailangang protektahan ang mga taong nakaka-alam sa pagkatao ko in short isa akong MAFIA QUEEN"sabi ni sammy

"jinja?!"gulat na tanong ni yana hindi lang naman siya ang nagulat eh pati kami hindi lang kami makapagsalita dahil sa gulat (in korean jinja=really)

"ne"sabi ni sammy

"si Drake at Lance ang kanang kamay ko sa mafia world"sabi ni sammy at tinuro kami

"what?!"sigaw ni andrew

"sila ang kasama ko sa pag protekta sa inyong lahat at sila rin ang tumitingin sainyo nung wala ako"sabi ni sammy

"kaya ba ganun nalang kadali sayo ang paggamit ng ibat ibang armas?"tanong ni kyle kaya tumango nalang si sammy

"bakit mo pa ako kailangang protektahan?"takang tanong ni andrew

"dahil na-"hindi natuloy yung sasabihin ko ng sumingit yung magaling kong kapatid

"nasayo ang alas"sabi ni drake

"anong alas?"sabay sabay na tanong nila

"nasayo ang alas kung saan matatalo ang mafia lord"sabi ni sammy

"may mas mataas pa sa mafia queen?"tanong ni sky

"oo at yun ang kinikilalang ama ni lance at drake"sabi ni jaydee kaya naalala ko nanaman yung sinabi ni sammy yung tungkol dun

"alam mo din ang lahat?!"sabay sabay na tanong nila

"malamang alam ko nga ang lahat eh kuya ko pa kaya"sabi ni jasmine

"si tito? paano nangyari yun?!"gulat na tanong ni andrew

"hindi kasi siya yung totoong tatay namin na kinilala niyong tito dah-"hindi nanaman natuloy yung sasabihin ko ng sumingit si drake pag ako napuno tangina mapapatay ko yan kahit na kapatid ko pa

"dahil pinatay niya si daddy na dating mafia king at nagparetoke siya para maging kamukha niya na si dad si grandpa ang mafia lord noon bago mamatay si grandpa ginawa niyang mafia lord ang gumaganap na tatay namin nalaman nalang namin ang totoo ng dahil kay sammy"sabi ni drake na kunwaring naiiyak pero may biglang lumipad sa kanya na unan

"hindi mo bagay mukha kang bobo na tangang bakla tsaka pansin ko lang ah tuwing magsasalita si lance oppa singit ka ng singit pag ako si lance oppa kanina pa kita pinatay"sabi ni jasmine ang akala ko ako lang ang naiinis dito pati pala si jasmine

"pake mo?di gumaya ka rin pag nagsalita si jaydee sumingit ka rin"sabi ni drake kaya napa serious face si jasmine

"pinaglololoko mo ba ako?kahit mapanis na yung laway ng kuya ko sa tingin mo magsasalita yan sige pag si unnie sammy ang nagsalita sumingit ka nga"panghahamon na sabi ni jasmine nako mukhang mag-aaway tong dalawang toh

"ayoko nga baka mamaya mawalan pa ng poging lalaki dito"mahangin na sabi ni drake

"unnie sammy paki patay naman yung aircon niyo ang lamig dito ang lakas kasi ng hangin na lumalabas sa aircon at fyi kahit mawala ka pa sa mundong ibabaw walang iiyak"mataray na sabi ni jasmine

"me-"hindi natuloy yung sasabihin ni drake ng magsalita si sammy

"hindi ba kayo titigil"malamig na sabi ni sammy pero pagtitignan mo siya halata na naiinis na siya

"paanong napunta saakin yung alas"sabi ni andrew

"nung pinunta ka dito sa pilipinas at iniwan ako sa korea may iniwan sayo sila mommy na envelope na sabi nilang itago mo"sabi ni sammy

"yung brown na envelope na hindi ko pwedeng buksan?"tanong ni andrew

"ne"sagot ko

"nasa bahay yun sa kwarto ko"sabi ni andrew

"jaydee,drake at the girls except jasmine go with andrew kunin niyo yung envelope the rest come with me"sabi ni sammy kaya lumabas na sila at kami naman kasama si jasmine umakyat dun sa kwarto ni sammy na puro itim

between the two boysWhere stories live. Discover now